"Wala kong masabe. Juskoooo kinikilig ako!!"
Hinawakan pa ni Jei ang kamay ko at pinagpapalo. Ako normal lang. Kinikilig ako pero hindi ko alam kung ngingiti lang ba ko ng ewan o magpapapalo din eh. Ewan ko ba. Kinikilig ko kasi first time na may nagbigay ng flowers sakin. Pero kaso dadapwat ano kasi... di ko maexplain tong nararamdaman ko.
"Bakit ganyan ka? Hindi ka ba kinikilig? Sinasabi ko na eh! May gusto sayo si Nash! Di mo pa sinabi sakin kaagad."
"Pano ko sasabihin. Kahapon lang din naman niya sinabi. Tsaka after shock pa ko."
Tinawanan niya lang ako sa sinabi ko. "Anong nakakatawa."
"Wala naman. Gusto ko lang. So si Nash pala ang kasama mo sa 'kitchen' hindi si Ken."
Nalungkot ako bigla. Ken. Oh Ken. Tsk.
"Abno ka talaga. Tara na nga gumawa na tayo. Tsaka na yang lovelife na yan."
"Azuz. Pero dati gustong gustong magkalovelife... okay okay, Pero ang bango nito ah, infairness kay Nash."
May dumating kaninang delivery man. Nandito kami sa bahay, gumagawa ng final report para sa isang subject namin bukas. Nagulat nga ko eh. Maski si mama nagulat. First time kasi to. May boquet of roses na nagpadala sa isang Jana Mendoza. Ang sweet! Pero sana binigay niya nalang ng harapan diba. Gumastos pa tuloy siya sa pagpapadeliver. Pero naappreciate ko naman. Ang sweet kaya nito!
Dumaan ang isang linggo. Hindi na kami magkandaugaga sa madaming gagawin. Puro pasahan na ng project. Puro quiz. Tapos nalalapit na ang finals. Shocks! Putok na brain organs ko! Lahat kami kailangang pumasa. Well, sino bang hindi kailangang pumasa?
Si Nash, palagi akong sinusundo at hinahatid. Walang mintis ang paggu0goodmorning at paggu-goodnight sa akin araw-araw. Sinasamahan ako sa mga lakad ko kahit may lakad sila ng barkada niya pang mga boys. Oo busy kami, syempre busy din siya. Hindi na nga lang madalas ang phone call sa gabi kasi madami nga akong kailangan tapusin. SA pa ko. May mga kailangan i-check na quizez. Ganyan ang buhay ng SA. Pero sanay na ako. Kahit sabay sabay pa.
Ayun back to Nash. Gusto ko lang sabihing. Nakakakilig siya. Oo pinapakilig niya ako palagi. At kahit hindi niya tanungin kung kailan ko ba siya balak sagutin, alam ko naiinip na siya. Pero diba, kung mahal mo ang isang tao, kaya mong mag-antay?
Hindi ko na nakikita si Ken. Hindi na siya SA. Babae na ang pumalit sa kanya. Napakatahimik pa. Wala naman ng nagpaparamdam sa faculty. Siguro kilala na ako ng kung anong meron dun. Haha.
Graduation. Graduation na ng mga 4th year. Syempre ako two years pa. Si Ken 1 year nalang. Sila pa ni Zira. Nakikita ko sila minsang magkasama. Kapag makakasalubong ko sila, umiiwas na ako kaagad. Ewan ko ba. Parang kusang iniiwas ng paa ko yung prosensya ko sa kanila. Para kasing nasasaktan ako eh. Sabi ko na, magmove-on! Kaso takte. Kahit hindi naman naging kami, mahirap kalimutan.
Tsaka kasi, nagkaroon lang siya ng girlfriend, hindi na siya nakikipag communicate sakin. Edi ako din sa kanya. Baka isipin pa nun gusto ko siya.
We? Jana? Yung totoo?
"Jana!"
May tumawag sakin. Boses pa lang nyang husky, kilala ko na. Pagtalikod ko nginitian ko siya.
"O Nash."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ako pa? E kanto lang namin to. Ikaw, anong ginagawa mo dito sa park namin?"
"Maka-angkin ka. Pwede bang, ako nalang angkinin mo?"
Binatukan ko.
Kahit sweet si Nash. Di pa din naman nawawala yung asaran namin. Kahit masasakit pang salita. Siguro nakasayanan na talaga namin. Nasanay na kong ganyan siya. Mapang-asar.
"Angkinin mo muka mo. Ano ngang ginagawa mo dito?"
"Pumunta ako sa bahay niyo. Lumabas ka daw. AT sabi ng puso ko nandito ka. Kaya ito, nandito ako."
"Ang korni mo boi!"
"Bakit ka nga nandito? Di mo nalang ako tinext."
"Nakakasawa na eh." nalungkot yung muka nyang kanina ay masigla. "Oy oa mo. Nakakasawa na sa bahay. Ang boring kasi."
"Aaah. Akala ko nakakasawa na akong itext eh."
Madalas sa bahay namin si Nash nitong bakasayon. Kilala na din siya nila mama at papa na manliligaw ko. Basta sabihin ko lang daw kung sasagutin ko na. Para naman alam daw nila.
Masaya ako twing kasama ko si Nash. Napapatawa niya ko. Napapakilig niya ko. Pinamumuka niya saking ang ganda ganda ko.(Kahit na maganda naman talaga ako. Sobrang push lang talaga siya.) Kaso... lagi nalang may kaso... kasi minsan naiisip ko yung mga araw na kasama ko si Ken. Taksil na kung taksil ang isip ko KASO bigla nalang siyang pumapasok sa isip ko talaga.
Yung mga araw na natatakot ako tapos sasabihin nyang sasamahan niya ko. Yung sinabihan niya kong maganda. Arg!
I miss you Ken.
Sana break na kayo ni Zira.
Hashtag, BADME.
Napatalon ako sa gulat sa kama ko isang araw ng may biglang tumatawag sakin sa phone.
Si KEN!!!!
Iniisip ko lang siya tapos ito tumatawag siya!
Buburahin ko na sana talaga yung number niya kasi hindi naman kami nagkakatext or what na pero AYOKO eh. May pumipigil sakin. Buti nalang pala.
Pakiramdam ko sumigla ang natutulog kong mga rainbow bigla. Hanep na yan.
*Ive trid not to let anyone in. Until now. You took time for me to figure it out and ive been--*
Pinindot ko na ang answer.
"H-hello. Ken?"
Inantay kong magsalita siya pero wala naman siyang sinasabing kung ano. Nakarinig nalang ako ng isang malalim na buntong hininga sa kabilang linya.
"Ken? Ikaw ba yan? N-napatawag ka?"
Hindi talaga siya nagsasalita.
"S-sige. Ibababa ko na ah."
Bakit ba nauutal ako. Medyo kinakabahan ako. Hanubayan!!
"Wait!"
Biglang may kung anu sa tyan ko ng marinig ko ang boses niya. Oh my ghad!
Hashtag, HAROT!
"Pwede ba tayong magkita?" tanong niya na kinatayo ng buo kong katawan. Palakad lakad na ako ngayon sa kwarto ko.
"H-huh? Ngayon na? Bakit naman?"
"Basta.. Pwede ba? Sa park?"
"S-sige."
"Sigurado?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Oo naman."
"Sige. Papunta na ko."
Saka niya inend ang call.
Kinakabahan ako!
Pero natawa ako sa tanong nyang naninigurado ah.
Ilang beses na ba niya kong tinanong ng hindi ako nakasigurado sa sagot?
###
Note: Matatagalan ng ilang araw ang update. Umpisa na kasi ng pasukan. Salamat sa nagtatyagang bumasa. Nadadagdagan ang reads pero wala ang votes. Pero salamat pa din. Umingat po kayo. Godbless.
Janica
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...