_21_ *I like you*

44 1 0
                                    

Nagbihis ako ng maayos na damit. Yung hindi butas. (May butas kasi sa bandang kili-kili yung damit ko kanina.) Madali akong nagpunta sa may park.

Ano kayang sasabihin niya?

Shocks. Hindi na matigil yung kakaibang pagtibok ng puso ko. Yung ramdam na ramdam ko yung pagtibok. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ewan.

"Jana!"

Lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Dug dug dug dug. Naririnig ko talaga.

Paglingon ko sa tumawag. Lumaki ang mga mata ko.

"N-nash?" bulong ko ng pangalan niya. Tumakbo siya papunta sakin. May mga kasama syang kaklase namin na naglalakad-lakad. "A-anong ginagawa niyo dito?"

"Galing kami kayla Percy. Naisip nilang dumaan dito."

Tinuro niya yung mga kaklase namin na kumakaway sakin. Kinawayan ko din sila at ngumiti.

"Ikaw ba? Madalas ka na talaga dito no? Balak mo na namang mag-icecream?"

"H-hindi no."

"Aaah. Bakit ka nandito?"

"Wala lang. Masama?"

Inirapan ko siya sabay ngiti. Ginulo niya lang buhok ko.

"Ge na uuwi na ko." sabi ko.

"Hatid na kita."

"Sus lapit lang kaya. Sige na pumunta ka na sa kanila."

Bakit ba kapag may usapan kami ni Ken. Palagi ko nalang nauuna si Nash. I mean, kapag tatawag si Ken, si Nash biglang tatawag. Kapag magkikita kami ni Ken, si Nash una kong makikita? Meant to be?

Nagbabye lang siya sakin at tumakbo na palapit sa mga kaklase namin. Nagbabye lang din ako at umiba na ng way. Sabi ko uuwi na ko pero umupo lang ako sa may bench. Buti hindi niya natanong kung may inaantay pa ako.

Tinignan ko ang phone ko. Walang text. Nasaan ka na ba Ken?

Biglang may nagtakip sa mata ko.

"Nash? Di pa kayo umaalis?"

Dahan-dahang niyang tinanggal ang kamay niya at mabagal ng umupo sa tabi ko. Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko kung sino. Hindi siya si Nash... kundi si Ken.

"Ken! A-akala ko si--" napakagat lang ako sa labi ko. Nakakahiya. Pero ngumiti lang siya sa akin. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Parang may kung ano na namang kumikiliti sa tyan ko.

"Okay lang. Magkasama pala kayo kanina?"

"Hindi-- oo. Nakasalubong ko kasi sila kanina. Yung mga kaklase ko."

"Aaah."

Ilang sigundong katahimikan. Walang umiimik sa amin. Juskupo, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakakaloka.

Gusto kong itanong kung anong sasabihin niya kaso walang lumalabas na tanong sa bibig ko. Pareho pa ata kaming nag-aantayan kung sinong magsasalita.

"Pupunta na akong Cebu next month."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"T-talaga? Bakit?"

"Susundan ko si Zira."

"Bakit?" 

Ouch. Talagang kailangan pa nyang makipagkita, masabi lang ito sakin. Sa akin pa!

"N-nagalit siya. Basta.."

"Bakit mo sinasabi sakin to?"

"Gusto ko lang malaman mo ng personal. Kasi mahalaga ka sakin."

Kumirot yung puso ko.

Pinilit kong ngumiti.

"How sweet~" paloko ang pagkakasabi ko. "Mahalaga ka din sakin... magkaibigan tayo diba-"

"Mamimiss kita."

Niyakap niya ako bigla. Sobra akong nagulat. SOBRA. OH MY GHAD!!! Naririnig kaya niya ang lakas ng tibok ng puso ko?

"M-mamimiss din naman kita."

Dahan dahan niya akong binitawan. HWAG! Gusto ko pa!

Hashtag, malandi!! Haha.

"Ang weird mo lang." sabi ko. Nangiti lang siya.

"Jana, anong tingin mo sakin?"

Anong.. anong tingin? Nakunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Do you like me?"

SPED ANG POTAH.

Kumakaway na ang mga rainbow sa langit sakin

 "S-syempre. Magkaibigan tayo diba?"

"Haha. Oo nga naman."

Tumingin ako sa mga mata niya. "Ikaw gusto mo ba ko?"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at tinanong ko siya ng ganito. Shet!!!

"I like you.. a lot, Jana."

Halos lumabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok.

"Syempre, kaibigan kita eh."

###

Janica

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon