Umalis na siya. Iniwan na niya ang wasak kong puso. Naiiyak ako. Gusto ko ng pagpakamatay. I want to end my misserable life!
Pero syempre, arte ko lang yan. Hashtag, feelingArtista. Pero oo umalis na nga si Ken. Mamimiss ko siya. Pero anong magagawa ko. Kung pupuntahan naman niya yung tinitibok ng puso niya, at kung magiging masaya naman siya dun. Masaya na din ako para sa kanya. Kaso ang weird lang talaga nung sinabi niya sakin he likes me, a lot. At may "a lot" pa. Kinilig ako syempre. Lalo na nung parang kumislap yung mga mata niya nung sinabi niya yun. Parang gusto niya talaga ako. Pero alam ko namang, assuming lang talaga ako.
"Gusto kong magpakulay ng buhok, yung brown."
"Baliw ka? Baka gusto mo ding magmukang manok?"
"Hindi ba bagay? Gwapo naman ako ah."
"Sige push mo yan Nash. Kahit na ba gwapo ka eh. Di ka maputi oy."
"Sakit mong magsalita. Kala mo naman maputi ka."
"Tse. Maganda naman!"
Iniwan ko si Nash na mag-isa sa pila sa canteen. Ako naman talaga nang-aasar diba? Bakit napunta na naman sakin yung pang-aasar. Bwisit na to. Ibang klaseng manliligaw.
"Oy. Joke lang. Oo maganda ka. Kaya nga bagay tayo eh."
Napatingin ako sa mga tao sa loob ng canteen. Muntik ng mamula yung pisngi ko dahil sa sinigaw niya. NAKAKAHIYA SIYA. Jusko, pinagtinginan na kami ng mga tao. Huhu. Iskandaloso!
Umupo na ko sa table. Siya na bahalang umorder ng kakainin namin. Badtrip na yan. Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo ko. Kanina pa. Wala nga ako sa mood eh. Ang bilis ko tuloy magalit.
Dumating siya sa table na may dalang heavy meal.
"Bwisit ka. Iskandaloso ka din ano? May pasigaw sigaw ka pa kanina."
"Bakit? Masama bang isigaw kung totoo naman?"
Ngumisi siya. Arg!
"Ewan ko sayo."
"Ang init ng ulo mo. Meron ka no?"
Napatingin ako sa kanya. Mata sa mata. Pakiramdam ko namula na talaga ang pisngi ko. Shet! Kalalaking tao sinasabi to saken!?
Feeling ko umuusok na ang ilong ko pero wala akong sinasabi. Kinunutan ko lang siya ng kilay.
"Easy ka lang. Ganyan din si mama kapag mainit ulo meron pala. Sanay na ko."
"Leche. Kumain ka nalang."
Pano, tinawanan na naman ako!
After namin kumain pumunta akong cr. Aantayin nalang daw niya ako sa labas. At boom, meron na nga ako! Arg!! Wala akong dalang tampon!! Umupo lang ako sa loob ng cubicle. Ano bang resolba gagawin ko dito. Hindi ako pwedeng lumabas kasi natagusan na ako. Buti nalang medyo dot palang kaya wala pang nakakita. Arg!! Bakit ngayon pa!?
Mga 15 minutes na siguro ako dito ng tumawag si Nash sa phone ko.
"Hello."
[Ang tagal mo naman.] medyo iritable nyang sabi. Umirap nalang ako sa ere.
"Sorry ah."
[Tara na. May nangyari ba sayo dyan?]
"Mauna ka na. Natagusan ako eh."
[Huh? Patingin.]
"Gago ka?"
Tumaas ng kaunti ang boses ko. At narinig ko siyang medyo humalakhak. Pang-asar talaga. Imbes na hindi ako nagmumura. Mapapamura talaga ako sa lalaking to eh.
[Joke...Teka, bibili ako ng.. ano bang tawag dun?]
"Hwag na. Nakakahiya naman. Ang laki laki mong tao tapos bibili ka nun. sige na, pumunta ka na sa next class. Iexcuse mo nalang ako."
Napapabuntong hininga nalang ako. Hay. Sana dumating si Jei bigla dito. Tinatawagan ko kasi siya kanina kaso cannot be reach. Baka kausap ni Jacob na naman.
[Hindi kita kayang iwan.]
"Iwan mo na ko. Masasaktan ka lang."
[Hindi. Mahal kita. Ayokong mawalay sayo]
"Lumayo ka na. Iligtas mo na ang sarili mo."
[Hindi ayoko. Dito lang ako.]
"O sige. Dyan ka lang ah."
Natawa nalang kaming dalawa sa kagaguhan namin. Mga abnormal talaga. Nagpifeeling artista na naman. Loko din nitong Nash na to. Pinapatulan din mga kalokohan ko. Hindi kami matapos sa tawanan namin.
"Pag labas ko dito. Pepektusan na kita. Dami mong kalokohan."
[Ako lang ba?]
"Umalis ka na nga kase. Tatawagan ko nalang si Jei."
[Ano na nga kasi yung tawag. Nang maibili ka kita. Dami pa kasing arte eh. Pasukin kita dyan, makita mo.]
"Subukan mo lang! Sabihin mo tampon! Leche. Hahahaha"
[O sige. Right away maam. I love you.]
Hindi ako nakapagsalita sa huling sinabi niya. Parang yung mga tawa ko sa labi ko kanina nawala nalang bigla. Bigla kasing banat ng ganyan. Tsk. Binaba na niya ang phone. Nag antay na lang ako ng konti at biglang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko galing sa labas ng cubicle.
Pumasok sa cr ng girls si Nash!?
"Nash!?"
"Nasan ka?"
"Dito." kinatok ko ang pinto. "Bakit ka pumasok dito. Pag ikaw may nakakita sayo dito patay ka."
"Hindi yan. Oh." iniabot niya galing ibaba yung... isang bungkos ng tampon.
"Dami naman nito."
"Para may magamit ka pa sa susunod... sige antayin nalang kita sa labas."
Natatawang naiiling nalang ako. Pano kaya siya nakabili nito. Sa labas pa kasi bilihan. sa may 7/11 pa. Malapit na kasi kami sa may gate kaya palagay ko dun na siya sa labas bumili. Awkward siguro nun sa kanya.
Kahit ganyan yan. Naappreciate ko bawat mga effort niya. Dun sa seryosong kaibigan ko dati, napunta sa mapang-asar tapos ngayon. mapang-asar pa din naman pero.. yung mararamdaman mo talagang nagki-care siya sayo. Dun pa lang tumataas na yung points niya sakin eh. Ako pa ba? Nagmamaganda pa?
Gwapo nga kasi talaga si Nash. Tall dark and handsome. Magkaibang magkaiba sila ni Ken. Si Ken kasi maputi na chinito ang datingan. Pero parehong malaki at matitipuno ang katawan nila. Si Ken alam ko, nag gi-gym at yung kay Nash naman, hinubog na lang ng kusa. Ang sarap ngang hawakan minsan. Hahaha.
Hashtag, manyakalways
Paglabas ko ng cr. Nakita ko ang malamodel na pose ni Nash sa may hallway. Nakasandal habang nakapamulsa. Tinignan niya ako. Medyo nagulat ako sa tingin niya kaya napalunok ako. Ang gwapo niya. Biniyayaan ako ng Ama ng gwapong manliligaw. Yung pilik mata niyang kitang kita ko dahil sa haba nito, tapos yung mata niyang smokey at samahan mo pa ng ginulo gulo na buhok. Pinasadahan pa niya ng kanyang kamay yung buhok niya bago lumapit sakin. Shet. Ang bango niya!
"Ayus ka na ba?"
"O-oo syempre. Maliit na bagay."
Awkward.
Why oh why do I feel this way.
Mas gwapo kasi talaga siya kapag seryoso yung facial expression niya lalo na kapag makikita mo talagang nag aalala siya. Hinawakan niya ko sa balikat. Umakbay siya in short, pero hindi pabigat sa balikat ko. Parang iniingatan niya nga ako eh. Yung parang takot na takot syang mabasag ang isang pinggan na mamahalin.
ANG GANDA GANDA KO NAMAN!
Hindi man ako nakakaramdam ng rainbow effect sa kanya. Iba naman tong nararamdaman ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko tapos awkward talaga. Shet. Mapapamura ka nalang talaga.
###
Janica
Pray for me para sa feasib defense ko. Kaya.Ko.To.
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...