Ganun pala sa Night no? Enjoy. Party party all night kami eh. Pero off limits ang alak. Malamang school publicity to. Masaya kasi lahat naisayaw ako. Akala ko nga walang ibang magsasayaw sakin tapos hataw naman pala! Feeling ko talaga ang ganda ko. Stunning daw sabi ni Nash eh. Minsan lang to!! Gusto ko din!! Hahaha
After ng night namin balik aral na ulit. Prelims na. Gosh. Ang bilis ng panahon.
Mabilis kong tinapos yung exam ko. Buti nalang nagreview ako. Si Ken kasi tumawag kanina bago magstart yung class. Gustong makipagkita sa may walter ng 3pm. Kinabahan nga ko, pano, tawagan ka ba naman ng crush mo. Kaloka lang.
Curious na curious ako kung bakit gusto nyang makipagkita, buti nalang talaga kering keri ko lang yung exam kundi bagsak ako panigurado. Di nawala sa isip ko si Ken eh.
Inantay ko lang matapos si Jei bago ako umalis.
"Bakit san ka punta?"
"Kay Ken. Shocks Jei, kinikilig ako."
"Ikeee ako din. Kalma ka lang. Di naman to umpisa diba?"
"Oo nga, kaso kacurious eh, di ko alam kung bakit nakikipagkita. Wala namang sinabe."
"Oh? Omyghad!.. Baka.. aamin na siya!"
"Na ano?!"
"Na may gusto siya sayo."
Napalunok ako sa sinabi niya.
"Baliw ka talaga. Di yun!"
"Haha. Malay mo diba.."
Kahit kailan talaga tong bestfriend ko nagkakaroon ng meaning. Ayoko namang umasa. Baka false hope na naman. Tsaka si Ken yun, may gusto kay Zira. Kaya malabo talaga. Tagal ba namang nililigawan si Zira eh. Pero on the other side, kinikilig pa din ako, pano kung may pag-asa. Pano kung aamin na siya? Gosh! Oo agad ako! Shet lang. Haha.
Palabas na ko ng university namin ng makita ko si Nash sa gate.
"Di ka pa uwi?"
"Di pa. Inaantay kita."
"Huh? Bakit?"
"May sasabihin sana ako. Pauwi ka na ba?"
"Di pa. May pupuntahan lang. Baket ano bang sasabihin mo?"
Huminga siya ng malalim.
"Sige sa ibang araw nalang. Ge ingat."
"Sige."
Malungkot syang tumalikod.
"Wait!" sigaw ko.
Di ako sanay kay Nash. Parang may mali eh. Nakakapanibago.
"Tara sa mcdo. Usap muna tayo."
"Kala ko ba may lakad ka."
"Mukang importante sasabihin mo eh."
Nagkabit balikat siya. Ngumiti nalang ako... 2:30pm palang naman. Siguro naman maaantay ako ni Ken. Sandali lang naman ako dito kay Nash. Mukang importante ata yung sasabihin. Ang seryoso ng muka niya, malayo dun sa Nash na pang-asar yung aura.
Bumili lang siya ng dalawang sundae. Naks nalibre pa ko.
Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya kung anong sasabihin niya o mag-aantay nalang ako dito. Eer. Walang nagsasalita samin. Parang nakikiramdam pa siya.
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...