_25 _ *Break-up*

32 2 1
                                    

Hi sa mga nagbabasa. :) Nakakakilig ba to? :( Gusto niyo na ba si Nash? :D

***

Ang init!!! Jusko, pati kaluluwa ko pinagpapawisan na sa sobrang init. Sarap lang tumira sa loob ng ref. Excited na excited akong magbakasayon kasi, expected ko na, outing, gala, sarap buhay pero ang realidad naman talaga ay nganga ako dito sa bahay. Nakakaloka! Nakakatamad ding maging tamad. Huhu. Buti pa si Jei nasa palawan sila ng parents niya. Sinasama nga ako, kaso 3 days, hindi ako pinayagan ni mama. Malayo daw kasi.

"Maaa, hindi ba tayo magbabakasyon? Yamot na yamot na ko dito sa bahay."

"Laruin mo nalang dyan si Sky. May trabaho kasi ang papa mo, wala syang leave. Hayaan mo, sasabihin ko sa kanya."

"Sige ma ah, sabihin mo po. Sarap mag Boracay oh o kaya naman Baler o kaya dun din sa palawan. My ghad!"

Natawa lang si mama. "Hwag ka munang umasa."

Ngumuso nalang ako. Hay. Gusto kong umasa pero pano ako aasa kung aasa lang ako sa bagay na walang kasiguraduhan?

Hmm. Hugot pa kaya? Hashtag, dramarama. Haha.

Umakyat ako ng kwarto nakabusangot ang muka. Nakakatamlay naman. Tapos pagbukas ko pa ng facebook ko, mababasa ko lang yung mga nabuntis bigla, tapos mga nagdadramang panget sila, mga naging in a relationship. Jusko naman, pare pareho sila!? Inis talaga kapag April! Hindi mo alam kung joke time o totoo na eh. Sino ba nag pauso ng April fools day? Kapag naiisip ko naman kung sino nakaimbento non, naiisip ko lang si Spongebob.

Nangiti lang ako bigla sa post ni Ken sa status niya. 

Ken Manuel Salazar: I miss my old school. I miss you.

8 hours ago

50 likes

We miss you more. I miss you too.

Wuuu lande! Uweee! Haha. Ewan ko ba, kahit may gusto na ko kay Nash, crush ko pa din si Ken. Hihi. Crush lang naman. Tutal, ilang years ko din yun naging crush. Kamusta na kaya sila ni  Zira sa Cebu. Di manlang ako kinakamusta ni Ken.

Pero mas kumabog ang puso ko ng nakita kong tinext ako ni Nash. Hihi. Buti pa to, naaalala ako lagi. Sayang siya, kami na sana kung sumama lang siya nun. Gusto ko kasi talaga sa magandang time ko siya sasagutin eh. Para diba, kapag nangyayari ulit sa kanya yung scene na yun, ako yung naaalala niya. Hihi.

Nash panget: Bebe babe honey ko!

Ako: Leche, isa pang tawag sakin nyang mga yan, di na kita kakausapin. Who you ka na talaga saken.

Natatawa naman ako sa mga tawag niya na callsign na yan kaso mas nangingibabaw yung inis eh. ANG KORNI KASI! Halatang hindi pinag isipang mabuti! Walang originality!

Nash Panget: Sorry na, Jana ganda.

Ako: Ayan! Nakuha mo! Haha jk! O baket anong kailangan mo?

Nash Panget: Tawag ako.

Kakareply niya palang nagring na agad phone ko. Hindi ko muna sinagot. Panginis lang.

"Yez?"

[Lagi mo nalang ako pinaghihintay.] aniya sa malungkot na boses.  Double meaning?

"Tampo pa yung maitim. Hmm. Bakit ba?"

[Ito, hindi manlang ako suyuin..]

"Aruuu. Hwag na tampo tampo, bebe bebe."

Humagalpak siya ng tawa sa kabilang linya. Natawa din tuloy ako. Nakakadala yung tawa niya.

[Gawin mo kaya yan sa personal. Hahaha. Hindi ko maimagine!]

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon