_Labinglima_*Maganda ako*

49 3 0
                                    

Tinext ako ni Jei. May dengue nga daw si Ken sabi ni Karl. Oh my ghad. Bakit ba minamalas si Ken? Una namatay lolo niya ngayon siya naman naka-confine.

Gusto ko na sanang bisitahin si Ken kaso wala naman akong kasama tsaka may quiz pa kami mamaya. Kaya mamayang uwian nalang kami bibisita kay Ken ni Jei. Kasama namin si Karl.

Di ako masyadong nakapag-concentrate sa quiz namin. Naiisip ko kasi si Ken. Kamusta na kaya siya? Naaawa talaga ko sa kanya. Bakit siya pa yung minamalas ng ganito. Pwede namang ako nalang.. pero joke lang. Pwede naman kasing wala nalang diba?

Siguro kaya di niya ko nireplyan nung isang araw kasi may sakit na siya.

Sa pag-iisip ko kay Ken di ko namalayan na nasa harap ko na pala si Jei kasama si Nash.

"Jana tara na."

Pagkakita ko kay Nash biglang kumabog ng isa yung heartbeat ko ng malakas. Naalala ko kasi yung usapan namin ni Jei kahapon.Eer.

"O-oh Nash, sasama ka?.. Asan si Karl Jei?"

"Nasa labas na. Itong si Nash sasabay lang daw sa jeep."

"Ayokong sumama baka masura lang ako."

Sinimangutan ko si Nash.

"Masura? Bakit naman?"

"Basta.. ano tara na kaya."

Okay, nagkibit balikat nalang ako kay Nash pati si Jei. Nagkatinginan pa kami sabay ngiting ewan. Pano parang may menstration lang 'tong si Nash. Umentra na naman yung pagka-moody.

Naiisip ko tuloy na nagseselos siya. Hashtag, feeler!!

Arg! Bakit ko ba kasi naiisip to eh!

Mas naunang bumaba si Nash samin sa jeep. Hanggang sa bumaba nga siya di sya masyadong kumikibo, parang 'bye' nga lang ata nasabi nun. Problema ba nun talaga?

"Anung nangyari dun kay Nash?"

Tinanong ko na si Jei.

"Ewan ko dun.. Sabi lang niya nawala phone niya sa Manila kahapon."

"Oh? Hahaha. Kaya pala. Takte, first time pumuntang Manila?"

"Haha. Tinawanan mo pa. Badtrip na nga."

Gusto kong sabihin kay Jei na.. natawa lang ako sa sarili ko kasi akala ko nagseselos si Nash, yun pala nawalan ng cellphone. Sabe na eh  feeler lang talaga ako. Kaya hindi ko na iisipin na may gusto sakin si Nash kasi naguguluhan lang ako. Tsaka si Ken yung gusto ko. Alam ko naman yun eh, kasi bakit ganito ako mag-alala sa kanya, bakit mas kinikilig ako sa kanya.

Siguro nadala lang talaga ako sa sinabi ni Jei.. nasiyahan lang ako. At yun lang yun.. di ko na ulit to iisipin.

"Akala ko sasama siya."

Napatingin kami kay Karl na kasama pala namin.

"Oh andyan ka pala. Haha. Joke.. Di yun sasama, may lakad ata eh."

Nasa hulihan kasi kami ng jeep tapos si Karl naupo sa may bandang gitna kaya ayun, di namin makausap.

Well anyway, medyo kinakabahan pala ako ngayon. Ewan ko ba kung dahil ba sa papalapit na kami ng papalapit sa kwarto ni Ken o dahil nga papalapit kami. Meghed, anu na kayang itchura niya. Matagal tagal ko na din kasi syang di nakikita. Pumayat siguro yun. Kasi sabi sakin kadalasan daw ng nagkaka-dengue pumapayat.

Magpa-dengue kaya ko ng mamayat naman ako.

JOKE.

Ayan na, papasok na kame!!

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon