_Labing-apat_ *Assume*

75 1 0
                                    

"Akala mo di na niya papansinin yung iba pag nandyan ka 'no?"

"Tumahimik ka nga. Anong gusto mo, isnabin niya lahat ng dadating? Gaya mo naman siya sayo."

"Pero kapag kasama ko mahal ko. Siya lang iintindihin ko."

Napatingin ako bigla ng straight sa umiinom ng tubig na Nash sa harapan ko.

Anung pinupunto neto?

"Jana Nash. Ano tara na kaya?"

Tatanungin ko na sana si Nash kung anong ibig nyang sabihin kaso dumating si Jei. Kaya umuwi na kami. Si Nash di na ko hinatid. Napaka-moody talaga ng kapre na yun. Ano ba? Nagseselos ba siya kay Ken? Grabe naman. Tagal na naming magkaibigan a. Seloso pala yun pag dating sa friend. Jusko lakas maka-gay.

ILANG ARAW ding hindi pumasok si Ken dahil nga lamay ng lolo niya kaya ako lang tuloy mag-isa madalas sa faculty. Buti nalang talaga walang nagpaparamdam... pero iba nararamdaman ko e.. di sa multo kundi kay Nash.

Di niya kasi ako pinapansin. Ilang araw na. Ewan ko ba. Naiinis ako. Kahit pang-aasar mula sa kanya, wala eh. Tinanong ko naman siya kung galit ba siya. Sabi niya hindi. Hanep na buhay yan. ANG GULO.

"Mag-usap nga tayo!"

Hinila ko si Nash sa room na walang nagkaklase isang araw dahil di ko na ma-take ang pagiging snobbers niya. Hello? Damang-dama ko kaya!

"Ano bang problema mo?"

"Ako? Inaano ba kita?"

"Hindi mo ko pinapansin kaya! Sabi mo naman di ka galit. Kung di ka galit, bakit ka ganyan. Nakakainis na a."

"Tsk. Hinila mo ko para lang dyan. Wala akong problema. Baka ikaw may problema."

"Oo meron! Ikaw!"

"Huy ang ingay mo. Oa pa sige... Tinitest ko lang naman kung mararamdaman mong iniiwasan kita. Kung napapansin mo ko. At yan. Good. Inaasar lang kita. Ang panget mong maasar.Hahaha."

Lumapit ako sa kanya sabay sabunot kaya nagdadaing ng sakit! Hayup siya. Leche.

"Sa susunod hwag mo ng uulitin yan a! Leche kang kapre ka! Akala ko tuloy may problema ka sakin! Langya ka!"

Ayoko pa naman sa lahat yung hindi ako pinapansin o hindi ako masyadong kinakausap ng taong malapit sa'kin. Madami na kasi akong naiisip pag ganun. Kesyo galit, ayaw na kong maging kaibigan o kaya naman naiinis na saken. Ugh. Nakakaparanoid din pala.

Naiinis ako pero medyo nakatawa. Pano tawang tawa ang loko. Natutuwa pang naiinis ako. Konyatan ko to ng isang daan eh!

"O ano okay kana? Tara libre nalang kita lunch."

Inakbayan niya ko.

"Sige ba. Nang matuwa naman ako sayo!"

"Hwag ka ngang sumigaw. Oa mo talaga. Nangingitim ka lalo eh."

Aba teka.

Pinagkukurot ko sa tagiliran.

Botcha eh. Okay na e. Sabay ganun pa ng loko.

"Ikaw talaga. Nakakasakit ka na talaga."

Hininto ko pagkurot ko.

"Oh sorry na. Hindi na ito na nga oh. Tara canteen! Haha."

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon