Tapos na!! SA WAKAS. Bakasyon na. Dalawang taon nalang gagraduate na ko! Pero tsaka na muna ang party party. Papahinga muna ako. Ang daming paper works na ginawa namin para sa finals. Hay. Ang hirap maging studyante. Pahirap pa kaya?
"Guys!! Swimming naman tayo! Regalo lang sa sarili natin at nakalampas tayo ng 2nd year!" sigaw ng president ng room namin pagkatapos namin mag enroll para sa next school year.
Madaming sumang ayon at kaisa na ako dun! Masaya yun panigurado! Syempre, yun ang tunay na party party.
"Sasama ka Jei?" tanong ko dito sa tahimik kong kaibigan. Nakakapanibago.
"Baka hindi na siguro."
"Hala. Bakit? Sumama ka na! Minsan lang naman to. Kj."
"Siguro lang naman. Bakit ngayon na ba? Ngayon na ba?"
"Eh bakit kasi hindi ka pa sigurado!?"
"Basta."
"Sus. Magkasama lang kayo ni Jacob eh."
"Hindi ah!"
"Sus~"
"Tsk. Oo na! Kasama ko na nga siya. Ngayon bakasyon na nga lang kami magkakasama eh."
"Jusko. Parang isang araw lang."
"Alam mo naman ang course nun. Kulang nalang pumasok na siya sa seminaryo para lang makapag- concentrate ng maigi dun. Kaya ayun, sinusulit niya yung mga araw namin together."
"Edi sumama nalang siya." umirap ako sa hangin. "Ang daming arte ni Jacob ah."
"Bahala na. Tatanungin ko nalang siya."
"Teka, baka kayo na ah. Kayo na ba?"
Mamaya kasi sila na. Sa inaakto kasi nitong bestfriend ko, nakakapanibago talaga. Ngayon ang paggala namin, isasangguni pa muna niya kay Jacob? Selos ako. Haha
Umiling pa muna siya. "Hindi pa~"
"Hashtag,lande."
Naghalakhakan lang kami ng bff ko. Ang landi kasi ng pagkakasabi niya ng hindi pa. Bestfriend ko ba talaga to? Nasaniban na ata. Landi pa kaya? Haha.
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko ng iwanan muna ako saglit ni Jei para sagutin ang tumawag sa phone niya.
Napagtalbog bilga ang balikat ko. Nakakagulat kasi talaga kasi di ko napansin na may tao na pala sa likod ko.
"Sobra na sa kape yan. Ang magugulatin mo naman."
"Gusto mo ikaw buhusan ko ng kape?... Ay joke, wag na pala, di din naman halata, kakulay lang din naman kasi."
Sumiryoso ang muka ni Nash. Sabay ngising hilaw.
"Pili. Pili." nilahad pa niya ang mga daliri niya. Pinektusan ko nalang.
"Sasama ka ba sa swimming?" tanong ko.
Hindi ko kasi nakita tong lalaking to nung enrolan. Hindi manlang ako tinext. Ganyan yan, hindi masugid na manliligaw.
"Oo naman. Kasama ka eh."
"We? Hindi naman ako sasama eh."
"Edi hwag. Tayong dalawa nalang mag swimming. Sosolohin nalang kita."
Binatukan ko ang loko. Yung upo niya kasi nakatalikod sakin pero nasa gilid ko siya dito sa bench.
Natawa lang siya.
"Masolo ka dyan? Asa."
"Ganyan ka naman eh. Paasa ka.." aniya.
Kumunot ang noo ko. "Hoy ang kapal mo! Kailan kita pinaasa?" pinandilatan ko siya. Grabe. Pinapaasa ko ba siya. Naiinip na ba siya manligaw sakin?
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...