_Labingtatlo_ *Free hug*

41 1 0
                                    

ANG sarap talaga gumawa ni tita Irish ng coffee jelly. Andito ako kayla Jei... specifically dito sa kwarto niya. Dito ako pinapasok ni Tita eh kasi wala pa si Jei. May practice ata cheering squad kaya eto nilalantakan ko tong dinala sakin ni Tita Irish na coffe jelly. Feel at home na feel at home ako dito.

Naalala ko tuloy yung sinabi sakin non ni Ezra. Nung nasa bilihan kami ng bags... My ghad. Kinikilig na naman ako.

Kasi sabi niya bagay daw kami ng kuya niya. Tapos alam pala niya na may nililigawan si Ken at ayaw niya daw dun kasi pinapaasa daw kuya niya at ako daw ang gusto niya para sa kuya niya kasi daw ang ganda ko na ang bait ko pa.

O diba. Bet na bet ko na yung batang yon.

Ang lakas maka-joke eh. Hahaha.

Srsly? Maganda at mabait at bagay sa kuya niya? Hello. Parang si Zira lang din dinidescribe niya eh. Pero bet ko pa din naman yung sinabi niya. Sana ipush niya yun sa kuya niya. K dot Jana. Hashtag, assuming.

Wala akong nasabi kay Ezra eh. Wala naman akong dapat sabihin. Tsaka ano bang alam nung batang yung sa feelings ko. Natawa nalang ako. Buti nalang nakita niya na yung kasama niya. Yung Miguel.

NAGPAPASAMA SI NASH SA MALL samin ni Jei ngayon. Badtrip wala na kong pera eh.

"Libre?" 

"Sige sagot ko na pagkain."

"Wala nga kong pera."

"Oo na pati na pamasahe. Tsk."

Napapakamot nalang siya sa ulo. Haha. E sa wala nga kong pera eh. Kakabili ko lang ng dress diba.

"Ano ba kasing bibilin mo dun?"

"Necktie. Ano sama ka na?"

"Hmm.Pag isipan ko."

Sarap asarin nito.

"Sus. Hwag na nga. Dae pang arte."

Hala. Epal talaga nito. Di manlang ako pinilit.

"Eto na nga diba. Sasamahan ka na nga eh. Mamaya. Kita sa 7/11 plaridel. O okay na? Yung libre ah. Haha."

"Tsk. Oo na... Si Jei ba?"

"Sa cr..."

"O bakit hanap nyo ko?"

Biglang sulpot ni Jei, sakto a. 

Nanlaki mata ko ng onte ng dumating si Jei kasama si Karl. Omg omg... wala lang. Kinikilig lang ako para sa kanya. Tsaka... uy bro,asan kapatid mo? Hanap na ba ko? Haha. Hashtag, harot.

"Ah, si Karl nga pala."

"Hi. Ako si Jana tas ito si Nash."

"Jana? Ikaw ba yung ka-SA ni Ken?"

Emeghed. Bakit niya tinatanong? Kinikwento ba ko ni Ken? Omg omg! My pag-asa na ba ko?

Haleluyah.

Parang may liwanag tapos may lumabas na anghel sa ulo ko.Hahaha

"A-ah oo...baket?"

"Wala lang. Nasabi niya lang."

Huwaaat? Kinikwento niya nga? Ikeee.

Inaya namin si Jei sa SM kaso may gagawin pa daw sila sa org. Kaya pala niya kasama si Karl. So kami nalang ni Nash pupuntang sm. Saya neto, libre ako sa lahat. Pero syempre nagdala ako ng extra money. Mamaya biglang topakin tong Nash na to bigla akong iwan eh. Mahirap na.

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon