"Ang bilis nga eh. Gastos na naman panigurado."
"Haay. Makabili na nga ng dress bukas."
"Required ba sumama dyan?" tanong ko sa ka-SA kong nag-uusap.
Napatingin si Ken sakin.
"Yap. Lalo na kung may subject kayo sa management required talaga."
"Ganon? Ugh. Kala ko hindi."
May subject ako sa Management eh. Kaya kailangan kong pumunta.
"Ayus lang yan Jana. Di ka naman mabobored dun."
Di talaga kung aayain mo kong date dun Ken.
"Siguro.. Di lang talaga ako sanay pumunta sa mga night night na yan."
"Isipin mo nalang JS."
"Yun nga problema eh. Naiisip ko palang magdedress parang ayoko na."
Hindi kasi ako sanay. Hindi naman sa pa-demure pero mas sanay lang akong nakapants kapag nakikita ng iba lalo na kapag dito sa school. Kapag pumupunta naman kasi ako sa church namin naka-dress ako. (Pero nung inaya dati ni Ken manuod ng sine, naisip magdress, no?) Haha. Syempre patwitams. Hashtag, harot.
Sabay kaming nag break ni Jei. Ang dami ko ng gustong malaman tungkol sa kanila ni Jacob. Kumbaga sa mga magkakasamang magkakaibigan ako yung OP. Di ko na alam nangyayari sa lovelife ng kaibigan ko eh.
Ang lungkot ng aura ng bff ko.
"Di na niya ko tinitext."
"Anu naman? Diba sabi mo dati okay lang sayo kung hindi."
Nagkibit balikat ako sa kanya. Hwag nyang sabihing may gusto na siya kay Jacob! Laking tuwa ko lang kung ganon!
"Parang.. nakaka-ano lang kase."
"Nakaka-ano? Nakakamiss? Bakit gusto mo na ba siya?"
"Ewan ko.. pero tama ka namimiss ko siya. Parang lahat ng efforts niya dati ngayon ko lang naaapreciate. Ngayon ko lang naiisip."
"Ayan. Dati ko pa kasi sinasabi yan sayo."
"Sige ganyan ka. Akala mo naman siya hindi."
"Tsk. Hindi ako ang topic. Ikaw.."
Busy na kasi si Jacob. Medicine na kasi yung course niya diba. Di katulad ng dati na petiks petiks lang okay na. Ngayon hindi na.
Siguro kapag nawala na sayo yung isang tao dun mo lang talaga marerealize yung worth niya. Kaya pangit sa pandinig yung nasa huli ang pagsisisi. Pero kahit ano naman gawin di pa din maiiwasan.
"O pano na ngayon? Magmumukmok ka nalang ba friend?"
"Hindi.. alam ko naman na di din niya ko matitiis. Tatawag at tatawag din yun."
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...