_Pangwalo_ *Bakit ganon?*

75 2 0
                                    

_Pangwalo_ *Bakit ganon?*

Ayon o. Nakaka-1800 na kong ipon dahil 3 months na kong SA. Saya din pala kapag may sariling ipon. Di ko nga lang alam kung anung bibilin ko.

Bakit ganun? Kapag walang pera, ang daming kailangan bilhin tapos kapag may pera na, di na alam kung anong bibilin.

Well that's life.

Anyway, papunta na akong room ng may makita akong matangkad na maitim sa may corridor.

"Nash!"

Kumakapal buhok ni Nash. Pero bat ganon? Gwapo pa din? Syempre, kaibigan ko e. Rakenrol!

Tinignan lang niya ko tapos nginitian.

"Bat nandyan ka? Di ka pa pumasok sa room?"

"Wala pa si sir."

"K."

Pumasok ako ng room. Wala pa ngang prof so pumunta nalang ako kay Nash. Tumabi ako sa kanya.

"Uy problema mo. Nagsesenti ka dyan."

"Pag tahimik senti agad? Di ba pwedeng nag-iisip isip lang?"

"Tss. Malabo yun? Ikaw nag-iisip? Malabo....aray naman."

Kinaltukan niya ko pag tapos kong umiling iling. Mapanakit talaga to.

"Ang kulit mo. Kamusta date?"

"Hala! Alam mo? Pano mo nalaman??"

"So date nga. Nakita ko lang kayo."

At dahil alam naman na ni Nash, hinila hila ko ulit yun laylayan ng uniform niya sa braso.

"Iiiihhh. Nakakakilig Nash. Yung feeling na pakiramdam ko kagabi ang ganda ko! Shet Nash! Ang ganda ko!"

"Nilulukot mo na nga uniform ko nagsisinungaling ka pa. Hwag ka ngang sumigaw,sakit sa tenga."

"Ang sabihin mo selos ka lang."

Nagulat kaming pareho sa biglang sulpot ni Jei. Selos? Si Nash? Bangag ata tong bestfriend ko ngayon.

"Ako? Asa."

"Wushu. O Jana. Anu na?? Kwento na daliii!"

"Teka kalma..ganito kasi nga kasi--"

"Pasok na tayo. Malapit na si sir."

Panirang Nash o.

"Wala pa naman a."

 "Kaya nga malapit sabi ko."

"Sige mauna kana. So ano nga Jana?"

"Tch. Bala kayo."

At yun na nga pumasok na si Nash. Nakakatawa naman yun. May problema ata. Baka may regla? Eew. Kadiri. Kinwento ko na lahat ng nangyari kay Jei habang wala pa si prof namin. Grabe parehas kaming parang kinikiliti na ewan dito. Pag tapos kong magkwento pumasok na din kami sa room at sakto dumating na si sir.

After ng 1st class diretcho kaming mcdo. Si Jacob kasi nag-aantay. At kay Jei lang niya sinabing nasa mcdo siya a. Magkatext siguro sila palagi. Natutuwa ako sa pagka-caring ni Jacob kay Jei. Wala lang kainggit. Bagay kasi sila. At ang masaya pa dun pareho ko silang kaibigan. Ewan ko nga lang dito sa besfriend ko, hanggang ngayon di pa din ata naappreciate si Jacob. Hay buhay. Pero boto ako kay Jacob, para kay Jei.

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon