Note: Yung napapa update lang ako kapag may nagcocomment o kaya kapag may nag vote. Pano kasi, nakakasipag lang kapag nalaman kong may nagbabasa. Salamat po.
**
Mabilis lang din nahulog ang loob ko kay Nash. Kasi kung iisipin kaaalis lang ng matagal ko ng crush na si Ken, dalawang bwan palang ang nakakalipas. Siguro ganito talaga ako, madaling ma-fall, lalo na kapag naiisip kong nagki-care sakin tsaka kapag nararamdaman kong may gusto sakin. Lalo na si Nash inamin pa sakin. Ngayon lang kasi may nagsabi saking may gusto din sakin,hindi lang yung inasume ko lang, yung inassume ko NA NAMAN. Dati pa naman, sinasabi ko ng gusto ko ng magka lovelife eh. Matagal ko ng iniisip kung anong feeling ng may nagbibigay ng bulaklak, ng naglalakad na may kasamang tao na may gusto sayo dun sa lovers lane sa school. Mababaw nga lang kasi ako.
Kaso masyado na ba kong nagmamadali? I mean, kailangan bang ngayon na? Kailangan ko bang gustuhin din yung bawat taong nagsasabing may gusto sila sakin? Nakakainis! Bakit kasi ganito ako eh. Mabilis mafall!
Hindi naman kasi lahat dapat kong igaya sa icecream, na kapag gusto ko na, bibilhin ko na agad. Dapat, naghihintay. Ang love kasi, dapat marunong kang mag-antay.
"Ma, punta lang ako kela Jei."
Gusto ko ng makakausap. Itatanong ko kay Jei kung bakit ganito ba yung nararamdaman ko. Yung nasasaktan ako kasi naiisip kong, hindi sumama si Nash sa swimming namin kasi may iba na syang nagugustuhan. Baka naman, hindi na niya ko gusto. Itatanong ko sa bestfriend ko kung, tama ba tong nararamdaman ko. Tutal siya naman talaga yung mas may experince about sa lovelife thingy.
"Tita, si Jei po?"
"Nako ganda, wala dito. Hindi ka ba natext?"
"Nako po. Hindi po eh. Nasan daw po siya?"
"Nasa greenwich daw. Kasama si Jacob."
Awtsu. Ganun ba talaga? Kapag may lovelife na. Naiichapwera nalang ang kaibigan. Huhu. Uuwi na akong walang napapala. Sayang naman yung 16 pesos ko. Balikang pamasahe papunta sa kanila. Pano kasi, hindi din ako nirereplyan. Hindi ko tuloy alam na umalis siya. Nakakatampo lang.
Well, ganun talaga. May sariling buhay din ang bestfriend ko. May sarili syang lovelife. Hindi naman niya sakin pinapa-intindi kaya ang aking lovelife at nararamdaman ngayon ay dapat na sarilinin na lang.
Nasa park ako ng mag ring ang phone kong maganda ang wallpaper. Haha. Mga pang tatlong tapos ng kanta ko na nasagot. Ayaw kong sagutin eh. Kaso nakakaawa naman.
"Yes? What can I do for you?" sagot ko.
[Jana loves. Bakit ngayon mo lang nasagot? May nangyari ba sayo? Nasan ka? Puntahan kita.]
Sa tono niyang nag-aalala parang ano ah. Shit ka.
"Who you?"
[Jana!?] napairap nalang ako. Aba, may gana pang sigawan ako?
"Yes?"
[Galit ka ba? Bakit ganyan ka sumagot? Dahil ba hindi ako nakasama kahapon? Sorry na. Babawi nalang ako.]
"Hindi ako galit."
[Galit ka eh. Sige na bati na tayo. Sorry na, loves.]
"Okay."
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...