_Panglima_ *Debut*

72 3 0
                                    

_Panglima_ *Debut*

Gulat.

Nanlaki pa mata ko pagkabukas ng pinto. Hindi ko alam kung dahil pa ba to sa takot o dahil sa kaba ng dibdib at kilig dahil ang gwapo talaga ng kaharap ko ngayon. Drools!

"Jana, may problema ba?"

"Ah. Ano. Wala wala. N--atatakot lang ako bigla dito mag isa."

Sinara niya yung pinto at pumasok kaming dalawa. Dumiretcho siya sa pwesto niya ako nakatayo pa din sa tabi ng pinto. May kausap pala siya kanina nung bubuksan niya yung pinto.

Habang nakatayo ako nasabi ko sa kanya yung narinig ko kanina.

"Yun? Talaga meron nga? May nakapagsabi na din kasi sakin na ganun nga. Pero ako, wala naman akong naririnig kahit ako lang mag isa."

"Nakakatakot pala dito. Natatakot na tuloy ako mag isa."

"Wala yun. Kung gusto mo sabay nalang tayo palagi. Ay ganto, aagahan ko na nga lang para may kasama ka na agad. Hwag mo nalang isipin yun. Imagination mo lang yun."

Ngiti.

E yung takot talaga ko kanina pero ngayon ang saya ko na. Oh my goodness!

"S---iguro imagination ko nga lang."

Nung maghapon nakwento ko agad kay Jei. Nung una natakot tapos nung nasabi ko yung sinabi ni Ken bigla namang natuwa. Haynakers.

So yun na nga, everyday na maaga si Ken pumunta sa faculty tapos ang nakakahyperventilate pa lalo dun, e nung kinuha niya yung number ko. Grabe talaga as in ang aking pagpipigil sa kilig ko nun. Lakas nalang talaga ng loob ko dahil hindi niya yun nahalata. Galing ko diba. Rawr.

Tinitext niya ko tuwing gabi tapos hanggang sa makatulog na ko tapos sa umaga mababasa ko...

~[[ Goodnight na Jana. Nakatulog ka na ata ulit. Sweetdreams.]]~

As in. Oh-my-ghad! Ganda lang ng gising ko.

Lovelife na ba 'to? Diba yun yung sinasabi kong lovelife date? Iiihhh. Kinikilig ako. Huehuehue.

"Malapit na debut mo, anong plano?"

"Wala. Nag iisip pa ko."

"Yun lang, matagal mong iisipin yan. Walang isip e."

Napalingon kami ni Jei sa pangasar na naman na nagsalita.

"Epal ka talaga Nash. Hilig mo pang sumulpot bigla."

"Gwapo naman."

"Yun lang. Sinungaling pa."

Conceited na naman. Bow.

"O ano? Alis nalang kaya ako no?"

"Jei naman."

"Kayo talaga. Away kayo ng away. Alam niyo naman ang kasabihan, the more you hate th-"

"Ssshh. Tama na Jei. Di totoo yun."

"Oo nga. Di totoo yun. Di kame bagay, gwapo ako panget siya.Di talaga pwede."

"Grabe ng pagka-conceited yan Nash."

"Seryoso niyo. Joke lang... O plano nga sa debut mo Jana?"

"Wala pa nga. Nag-iisip pa ko."

"Ano namang pinag-iisipan mo?"

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon