_Pang-apat_ *Horror*

98 2 0
                                    

_Pang-apat_ *Horror*

"Si Jacob nanliligaw na pala sayo?"

"Pano mo nalaman?"

"Sinabi ni Nash. Kung di pa niya sasabihin di ko malalaman. Sige ganyanan na pala."

Katampo lang naman kasi si Jei. Akala ko ba kahit anong secret saming dalawa ay wala. Unfair lang. Ako alam niya na gusto ko si Ken. Tapos siya hanggang ngayon di ko alam kung sino gusto.

"Hmm. Tampo pa to. Wala lang naman kasi yun."

"Wala ka dyan. Si Jacob yun. Kaibigan natin. Sabi na e, may gusto yun sayo e. Mga tingin palang nun dati alam ko na."

Napaupo siya sa monoblock sa tabi.

"Pinayagan mong manligaw?"

"Oo. Sabi ko bahala siya. Kaso Jana. Wala akong nararamdaman sa kanyang kilig e. Yung spark ganun. Like ikaw kay CG. Ayoko namang bastedin kaagad kasi kaibigan ko, natin."

"Ah. Yan pala yung, wala lang. E naguguluhan ka na nga. Ikaw talaga. Sino ba kasi crush mo? May gusto ka na ba?"

Simula kasi nung heartbreak niya dun sa last bf niya di na sya nagtry ulit. Madami namang nanliligaw sa kanya. Ewan ko ba dyan. Di naman gwapo yung ex niya. Haba pa nga ng baba e.

"Hmm. Medyo. Medyo meron."

"Medyo meron? Meron bang ganun?"

"Kilala mo si Karl Jeorge?"

Karl Jorge.. Loading..Loading..

"Hindi e. Bakit? Yun yung gusto mo?"

"Parang g-ganun na nga?"

"Oooo?? Sinu ba yuuun??"

Imma curious bestfriend here!

"Kapatid ni Ken yun."

Huwaaat?! Magbestfriend nagkagusto sa magkapatid?!

Wow.

"Nakilala ko sa org."

"Kelan pa?"

"Last month."

Tampo na talaga ako. Last month pa? Tapos ngayon niya lang sinabi sakin?

"Okay. Last month pa. Pero ngayon ko lang nalaman. Bestfriend lang naman ako e."

Kumuha ako ng isa pang monoblock tapos umupo. Basta nagtatampo ako. Lumapit siya sakin. Ayun, kiniliti lang ako sa tagiliran. Tapos nagkwento naman na ng about dun sa Karl Jeorge na kapatid pala ni Ken. Kaya pala medyo parang kilala ko. I mean, nakita ko pala yun na nagpost sa wall ni Ken.

Astig talaga. Pareho na kaming may crush at pareho na kaming nagdi-daydream ngayon habang pauwi.

Nasa kitchen daw kaming apat. Ako at si Ken tapos si Jei at si Karl.

"Yung habang nagluluto ako ikaw naghihiwa ng sibuyas tapos sila nasa sala nanunuod ng tv."

"Ay. Katulong pala tayo."

Oo nga no. Anu ba yung naisip ko.

"Sige ganto nalang.. ganun pa din set up natin pero sila kasama natin. Habang nagluluto ako at naghihiwa ka, nakayakap sila satin sa likod. Ikeeee."

LoveLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon