_Pangatlo_*Good Day*
"Akala ko ba di mo trip mag-SA?"
"Kailangan ko ng budget e."
"Para san naman?"
"Basta..."
"Wuuu. Panget mo."
Inirapan ko nalang si Nash. Edi siya na gwapo! Dati pa yan sabi ng sabi ng panget sakin e. Sabi naman ng mama ko maganda ako!
"Ah! Oo nga pala! Sa sembreak mag lalakwatcha tayo diba? Diba? Star City. EcoPark o kaya Enchanted."
"Sino may sabi?"
"Kayo! Diba sinabi niyo yun date!"
Siya pa nga nag sabi nun e.
"O? Okay."
"Labo mo. Bangag ka?"
"Baka ikaw. Gusto kong cloud 9"
"De bumili ka."
"Samahan mo ko."
Wala pa namang prof kaya sinamahan ko na. Kawawa naman kasi. Si Nash close ko din to e. Kahit na sinasabihan ako ng panget. Di naman kasi ako nasasaktan. Ewan ko ba. Kahit nga kahit anong lait niya, di siguro ako masasaktan e. Di kasi nakakasakit. Siguro kasi alam kong biro kaya ganun.
Dalawa sila ni Jacob na lalaking kaibigan namin ni Jei. Kaso si Jacob, nalipat ng section. Nagreshuffle kasi. Buti nga hindi ako nahiwalay e. New friends, new pakikisama na naman yun pag nagkataon.
"Gusto mo?"
"Basta ba libre e."
Hinawakan niya muka ko.
"Aray. Kapal na nito a."
Hinawi ko ng malakas yung kamay niya. Siya naman tawa ng tawa. Binatukan ko nga. Badtrip! Winawalangya na naman ako ng lokong to.
"Sapakin kaya kita."
"Manang. Dalawa ngang cloud 9."
"Manlilibre din pala, nanginis pa."
"Bakit sinong nagsabing lilibre kita?"
Aruy. Pahiya 1/4.
"Ewan ko sayo. Galit na tayo....Aray!"
Tinignan ko lang siya ng masama. Duruin ba naman noo ko.
"Bata ka talaga. O cloud 9 mo!"
Iiihh. Happe! May libreng cloud 9. Hohoho. Pout lang talaga katapat nito e.
Sinamahan ako ni Jei na pumuntang faculty para magtanong kay Sir Chris kung may SA na ba siya. Sa kinasayang palad ko nga naman ay wala! Muntik na nga kong magdiwang pero hindi pa pala, kasi kailangan ko papalang magpasa ng oras ng classes ko. ID. COR. At hindi lang ako ang magpapasa. Tatlo kami. Kaya kailangan ko na namang gumising ng maaga bukas para maabutan ko si Sir Chris sa faculty dahil may klase pa siya after.
Pagdating ko, naka-lock pa yung faculty. Ang swerte ko badtrip. Oo nga pala, filipino time din pati mga prof samin. Kaya sumandal nalang ulit ako sa tabi ng pintuan. Ayokong umupo. Nagpapatangkad ako e.
"Sinong inaantay mo dito Ms?"
Lumakas bigla tibok ng puso ko.
Si Sir Chris. Sumasagot na yung utak ko pero hindi ko masabi. Ewan ko ba. Natulala nalang ako sa kanya habang siya binubuksan yung pintuan ng faculty. Si Ken! Tinatanong ako! Shet!
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...