_Pangpito_ *Sumuka ng rainbow*
Kilig much.
Ihik ihik. Kaloka na ito talaga!! Nung nakaraang b'wan ginawan ako ng video greeting ni Ken, ngayon naman inaaya niya ko..
[[ Sure. Saan ba?]]
[[ Sa walter. Dun sa plaridel. May ticket ksi ako ng movie, e wla akng ksama.]]
As in. Oh-my-god. Ako talaga naisip nyang isama?? Gonna die. My goodness. Hashtag, maharot.
[[ Ganun? Sige sige. Tayo lang dalawa?]]
Sabihin mong oo!
[[ Yap. Ayaw mo ba? ]]
[[ Bakit snong may ayaw?? Haha. Ok na nga dba. :D ]]
[[ Good. After class nalang. ]]
[[ Owkey. Kita kits nlng sa faculty. K? Goodnight.]]
Nagtakip ako ng unan sa muka. Jusmiyooo talaga!!! Kinikilig ako!! Baka hindi pa ko nito makatulog. Nuod ng sine bukas? More on parang date ba ito? Ghad! Anong susuutin ko??
Ay shungeks. Naka uniform pala bukas! Sayang, gusto ko pa namang magdress.
Pero kasi naloloka na talaga ako dito. Lahat na ng pwesto sa kama ko nagawa ko na pero di pa din ako makatulog! Pwede naman kasing kapatid niya ayain nya diba. O kaya yung mas close pa niya na friend kaysa sakin o kaya.. basta iba! Bakit ako pa talaga??! Bakit?!!
Baka.. baka...
O com'mon mamon Jana. Hwag muna mag assume.
Kaso bakit ako nga??! Inis! Hirap maging assuming!
Pag gising ko sobrang goodmood na ko agad. Kaso di ko kailangan pumasok ng maaga kasi nag leave si sir Chris ngayon. May meeting somewhere outthere. Kaya naglinis nalang ako ng bahay. Nagulat pa nga si mama sakin. Nako, minsan lang to ano.
"Naaaash!!"
"Bakit may pula yang pisngi mo?"
Napahinto ako sa pag-amba ko ng kurot sa braso ni Nash. Panira naman to e. Hinawakan ko tuloy pisngi ko.
"O ano naman??"
"Gara e."
Taragis.
"Bakit? Di bagay?"
Nagtaas lang siya ng balikat sa tanong ko. Gara. Siya nga tong magara. Halaya talaga tong Nash na to. Naconcious tuloy ako sa blush-on ko. Baka kasi hindi bagay.
"Aba blooming a."
"Huwee? Ayus lang ba tong blush-on ko Jei?"
"Okay nga e. Bagay. Ganda ng bestfriend ko."
"La ko piso."
"Tch. Maganda ka nga. Bumu-blooming."
"Haynakers."
Narelief naman ako sa sinabi ni Jei.
Minsan lang kasi ako mag blush-on. Pag trip lang ganun. At ngayon trip ko kasi- ihik ihik- kashi anu we...
Shi Ken kashi we.
"Sabi ni Nash magara daw?"
"Siya kamo magara. Okay nga e. Magblush-on ka na nga lang lagi. Bagay kaya sayo. Tsaka ang saya naman ng aura mo ngayon. Kanina ko pa pansin simula first class."
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...