_Pangsiyam_ *Outdoor*
"Excited na ko sa tour!!"
"Tour ka dyan! Tour sa Bataan? Babaw mo din e 'no."
"Panira ka talaga. Minsan lang naman yun tapos 3 days pa. Excited na talaga ko."
Palibasa tong Nash na to kung kelan gustong gumala ayus lang e. Nung nakaraang linggo nga 2 days hindi pumasok kasi pumunta syang Bagiuo. SK kasi siya. Sanggunian ng Kabataan.
"Anong ginawa niyo sa Bagiuo?"
"Nagbasura."
Nagbasura? Natawa naman ako ng malakas? Hahahaha. Pati utak ko natatawa. Nagbasura? Hahaha. Hashtag,basurero. Seryoso pa siya sa pagkakasabi e.
"Tinatawa mo dyan?"
"E naiimagine kasi kita. Muka ka kasing basusero!"
"Ako pa talaga. Ayus lang. Gwapo naman."
"Conceited mo talaga. Ganun daw mga panget e, sinasabihan ng gwapo sarili nila lagi, pampalubag loob. Hahaha."
"Pauso na naman siya. Baka ikaw negra."
"Nyenye. Panget mo. Bakulaw."
Ako daw negra? Muka niya! Morena kaya ako. Harhar.
Excited na ko sa outdoor namin sa P.E. Sa Bataan daw kasi. Feeling ko talaga tour. Wala lang, kami kami lang kasing magkakaklase pati yung iba't ibang course din na ganun yung P.E. Kaso next month pa naman, sinabi lang para makapag-ipon. 1200 din yun.
Pagpunta kong faculty walang tao. Kinabahan naman ako bigla. Ako lang mag-isa. Kaso ako nga lang ba talaga mag-isa? Halaaa. Kahit natatakot ako, pumasok pa din ako Madami dami pa kong chechekang papers kasi kakatapos lang ng midterm. Ito mahirap e, dami pa namang hawak na stupidyante ni sir Chris.
Tumataas balahibo ko.
Ganito mga napapanuod ko sa horror movies e. Yung parang may umiihip sa may likod ng tenga. Gusto kong tumingin sa likod ko kaso ayoko. Baka kasi may makita akong muka e. Muka ng nakangangang panget tapos duguan tapos yuck basta kadiring muka kasi may mga saksak. Yung ganun ba. Huhubels. Natatakot na talaga ako promise.
Lalabas nalang ako ng magulat ako sa biglang pagbukas ng pinto.
"Ken!"
Napahinga ako ng malalim.
"Ikaw lang mag-isa?"
"Oo."
Sa tingin ko..
"Natatakot ka?"
"Halata na ba? Tumataas na nga balahibo ko e."
"Sana kasi tinext mo nalang ako para nagsabay nalang tayo dito."
"Ganun? Baka maistorbo pa kita."
"Hindi yan. Basta ikaw."
Dugdug. Tibok tibok.
"Hwag ka nga. Kinikilig ako. Ikaw talaga~"
Biro ko pero diba..some jokes are half meant. Natawa nalang siya sa expression ko tapos umupo na sa harap ng desk ni Sir Al. Ako naman nilabas ko ulit yung papers na chechekan ko. May kasama na ko e. Di na ko matatakot, kasi kikiligin na ko. Rawr.
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...