At dahil wala pa akong isusuot sa outing, pumunta muna akong walter. Sana naman may maayos ako na mabili diba. Tinext ko si Jei na samahan ako kaya any minute padating na yun dito. Naglakad lakad muna ako, hindi naman malaki tong walter kaya pumasok na agad ako ng dept store, para makapili na ng damit habang wala pa siya.
"Ate Jana?"
Lumingon ako sa tumawag sakin. Nanlaki ang mata ko at nangiti. "Ezra." ang ganda pa din ng batang to. Niyakap niya ako agad, nakita ko pa ang gwapong bata na nakapamulsa at mukang seryosong nakatingin sa ibang direksyon na nasa likod niya, kung hindi ako nagkakamali, si Miguel ito.
"Ate, kamusta kana? Ive never seen you for quite a long time."
"Ayus na naman ako. Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?"
"Ito maganda pa din po. Haha." aniya. "Sinamahan ko lang po yung taong masungit sa likod ko." bulong niya sakin. Natawa naman ako dun.
"Kayo na ba? Yieee." binulong ko din.
Ngumiti lang siya. Hmm, hashtag, mana sakin, maharot. Hahaha.
"Sensya ka na ah, hindi kita masyadong namukhaan, nagpagupit ka ba?"
Malamang. Nagbago buhok niya eh.
"Opo. Nakakainis nga eh. Pumangit tuloy."
"Hindi ah. Okay lang naman ah. Kahit ano namang gupit mo bahay sayo."
Pumalo siya sa ere at humalakhak. "Nako ate, maliit na bagay."
Napapatawa ako ng batang to. Ganda ganda talaga!
Naglakad lakad lang muna kami. Nasa likod lang namin si Miguel. Nawiweirduhan ako sa batang yan. Tsaka parang may kamuka siya, yung favorite kong singer. Haha. Gwapo eh. Baka siya yun! Ang swerte siguro ni Ezra sa kanya. Pero mas swerte siya kay Ezra no, kasi pinag tatyagaan siya kahit halata namang napakamoody. Kung si Nash ganyan.. nako, ewan ko nalang. Baka ma-kiss ko bigla sa sobrang tahimik! Hahaha.
Hashtag, manyak.
"Ang tahimik nyang boyfriend mo no?"
Natingin siya sakin at nakita kong namula ang pisngi niya. "Ate hindi ko pa siya boyfriend." humagikgik siya. "Tsaka ganyan po talaga yan, napakaseryoso pero.. basta ate, crush na crush ko yan dati.. Anyway ate, kamusta na pala kayo ni Kuya Manuel? May contact ka sa kanya?"
"Nasa Cebu siya diba? Wala akong contact. Busy siguro sila ni Zira."
Kumunot bigla ang noo niya. "Sus. Iyang Zira na talagang yan, nilalayo ang kuya namin samin eh. Ayaw na ayaw ko talaga dun! Tsk. Sana talaga ate kayo nalang ni kuya ko."
"Hindi sila pwede."
Halos mapatalon ako sa gulat sa boses na nadinig ko sa likod ko. Husky palang niyang boses alam ko na. Paglingon namin ni Ezra agad syang lumapit sa tabi ko at ngumiti sa aming dalawa.
"Kasi ang ate Jana mo ay para sakin na." aniya na nakapag pakabog ng puso ko.
"Huy pinagsasabi mo dyan."
Pinalo ko siya ng madahan sa braso. Ngumisi lang siya. Lumaglag naman ang panga ni Ezra na pabalik balik ang tingin sa amin ni Nash.
"Ate, may boyfriend ka na, pala?"
"Wala syang boyfriend, asawa meron."
Ngayon ang panga ko naman ang nalaglag. Asawa? Hindi na ako nakapag salita. Natingin na lang ako sa kanya. Siya itong prenteng nakangisi lang.
Nangising hilaw si Ezra. "Ah-haha. Ganun? Bagay po k-kayo." aniya. Hinila niya ang kamay ni Miguel na walang kamalay malay sa nangyayari. "S-sige po ate, mauna na kami, sasamahan ko pa to eh."
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...