_Pang-anim_ *Video*
Tulala.
~ Happy Birthday to you. Haaappy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you.~
Ang saya naman. Lahat sila nandito. Lahat ng mga kaibigan ko. Meron pa nga kahit di ko ka-close e.
Pagkadating namin, nakapwesto na silang lahat. Yung 16 isa isa ng nakatayo at may isa isang letter na hawak. H-A-P-P-Y-B-I-R-T-H-D-A-Y J-A tapos sumama sa kanila si Jei at Jacob N-A
Ang cute nilang tignan. Naiinis ako. Di ako makangiti ng maayos. Di pa kasi ako sanay sa suot kong brace. Actually, ang sakit nga e.
"Sinong naghanda nito?"
"Sino pa ba?"
Tumingin ako sa tinignan ni Nash. Si Jei. Uwaaaaaa. Im so touch talaga. Pinagkagastusan niya to? Uwaaaaaah. Mahal na mahal ko na talaga bestfriend ko. May mga pagkain din kasi. Isang malaking bilao ng spaghetti saka palabok tapos malaking pizza tapos may tatlong250 ml na icecream sa gilid na ewan ko kung tunaw na ata. Uwaaaa. Nata-touch talaga ako sa bestfriend ko, sa kanilang lahat. Ayus lang pala kahit hindi ako nagbonggang party e. Mas masaya pa ata to. Kasi alam kong with effort.
Ayun pinag speech lang nila ko. Picture picture. Tapos kain na. Niyakap ko pa ng mahigpit si Jei.
"Hwag ka matuwa masyado, di pa tapos surprise ko."
"Huh? Hwag mong sabihing nandito nga si CG?"
"Gusto mo ba? Papuntahin ko yun kung nasan man siya naroroon."
"Gagi."
Grabe nga e. Akala ko andito talaga si Ken kanina. Wala pala. Nakahinga naman ako ng malalim. May exam daw kaya wala pero ininvite nga nila. Sayang nga e. Pero ayus lang. Atleast hindi ako pa-sweet dito. Kasi ganun diba, kapag nasa malapit si crush kailangan maayos ka sa paningin niya.
Sa araw ng birthday ko pinapunta ko mga close friends ko nalang. May maliit na lang kasing handaan. Si Nash,Jei, Jacob, David, Eanna, Ezra. Kami kami lang.
"Asan laptop mo?"
"Bakit? Nasa kwarto. Kunin ko ba?"
"Oo."
Pagkakuha ko ng laptop ko may nilagay silang usb.
"Uy anu yan?"
"Teka. Kalma ka lang dyan."
~Happ-~
"Aaaahhh!!"
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...