"KAPAG AKO NAINIS 'di ko na talaga papansinin yang kapre na yan."
"Di ka pa nasanay? Ganyan na yan dati pa diba?"
"Sobra na 'e. Kala mo naman di maitim,kung makapang-asar na maitim! Di naman ako maitim diba?"
Tinignan ko talaga balat ko sa salamin nila Jei sabay harap sa kanya ng naka-pout. Hello? Asarin ka ba naman palagi ng Nash na yun, di ka ba mako-concious? Tsaka kahit di naman si Nash mang-asar, kahit sino, nakaka-concious talaga. Babae ako. Mabilis akong maconcious sa sarili ko.
"Hindi naman.. pero baka naman kasi di mo siya napapansin?"
Napakunot noo ko sa sinabi ni Jei. Lumapit ako tapos tumabi sa kanya.
"HINDI PINAPANSIN? Jusko day."
Pansin na pansin ko siya. PANSIN NA PANSIN.
"Wait kalma.. ang point ko lang.. baka naman kasi talagang nagpapapansin siya sayo. Through that, sa pang aasar. Tignan mo, pansin na pansin mo siya. Lately kasi pansin ko, kapag topic natin si Ken, kesyo kamusta na siya, baka naman mabinat siya, something like that about kay Ken, si Nash biglang nagbabago mood. Yung nagkakatono yung bawat words na sinasabi niya, i mean, hindi parang kanta a, yung tono na parang medyo asar like that. Gets mo ba?"
"Oo gets kita Jei. Na ma-meaning ka na naman."
Nagroll eyes ako sa kanya. Yan na naman. Ipupush na naman niya na may gusto sakin si Nash. Kahit parang napi-feel ko naman yung sinasabi niya, mas nananaig sakin yung inis ko sa pagpapapansin ni Nash eh. Para kasing di naman pagka-gusto yun, kabwisit eh.
"Oo kasi para saken may meaning talaga. Tignan mo, sabayan mo lang yang pang-aasar niya sayo di kayo matatapos."
"Hindi talaga. Taba ng utak nun eh. Barado ako kagad."
Katulad nalang nung..
Nash: 'magpulbo ka nga ang itim mo na. '
Ako: 'Parang maputi siya a.'
Nash: 'Wala akong sinasabing ganun, ang sabi ko lang umiitim ka.'
Arg! Hindi nakakaasar. Pero yung the way ng pagkakasabi niya sabay smirk, yun ang nakakaasar.
Dati talaga hindi ako naasar sa kanya. Kaso ngayon, naasar na ko kahit medyo slight lang. Dati kasi panget pinang-aasar niya, wala lang sakin kasi di totoo. Haha
"Edi ibahin mo pang babara mo. Yung pag nang-asar siya, kunwari ang itim mo ganun, sabihin mo, wag kasi akong tinitignan lagi, halata e. Mga ganun ba. Haha. Anu kayang magiging reaksyon niya. Gusto kong makita."
"Syempre may sagot agad yun! Yun pa!"
"Well, try mo muna kasi.. wait, may nagcall, sagutin ko lang."
"Jacob?" tanong ko ng walang lumalabas na boses sa bibig ko. Tumango lang siya.
Eh maharot. Hahaha.
Iniwan ko na siya. Ayoko namang makagambala sa pag-calling calling nila ni Jacob. Sa susunod nga siya naman kukulitin ko kay Jacob. Nang hindi puro si Nash nilalagyan niya ng meaning.
Kasura lang kasi. Push ng push dun kay Nash.
NAKARATING AKO SA BAHAY nila Nica ng 11am na at di pa din kumpleto. Sinasabi ko na nga ba. 'pilipino time'. Nagpalate na nga ko may mga late pa din.
Lumapit ako dun sa leader namin na si Maricar. Tinanong ko siya about sa magiging scene ng document namin. Ang kwento daw is sa office, office romance daw ang tema. So ako extra lang kasi sapat naman na daw yung naging role ko last documentation namin. Pero syempre kahit extra lang kailangan nandito pa din kasi para makakuha din ng ideas. Nagbibigay ako ng ideas ko kay Maricar ng may magtext sa kanya.
BINABASA MO ANG
LoveLife
RomanceGusto ko magka-lovelife kasi gusto ko may tiga dala ng gamit ko kapag nabibigatan na ko. May manlilibre ng pamasahe, lunch kahit hindi ko sabihin. May tatawag sakin kahit inaantok na para lang sabihin na goodnight babe at gigising sakin sa umaga sa...