Chapter 13: I want to go blind so I don't have to see them together

192 7 6
                                    

Albert’s POV

 “Paano ako nagawang iwan ni Samantha?”

“Akala ko ba mahal nya din ako?”

“Pero bakit sya biglang umalis?”

Yan ang paulit ulit kong tinatnong sa sarili ko habang nag ddrive ako kahit hindi ko naman alam kung saan ko nga ba gusting pumunta.

 I thought we were okay.

I need to do something, gusto kong makausap si Samantha..

Gusto ko lang naman malaman anong dahilan nya bakit sya umalis..

Then I started to dial Peter’s number, alam kong sha lang ang makakatulong sakin.

“Pare, nasan ka ba? Bigla ka na lang umalis..” He said.

“Gusto ko lang muna mapag isa..” yun naman kasi ang totoo.

“Sira ulo ka talaga, alam mo ba nung umalis kami ni Ria, hanap ng hanap sa’yo yung asawa mo.. Pare naman.. ano bang problema mo?” Peter said, halata ko na parang galit sya.

“I need a favor.. I need Samantha’s contact number..” frankly, I said.

“What? Hoy Albert, itigil mo na ‘yang kahibangan mo kay Samantha, may asawa na ‘yung tao.. at ganun ka din..” Peter said trying to convince me to stop this that for him is non-sense.

“I just need to talk to her Pare.. parang awa mo na Peter, ikaw lang ang makakatulong sakin..” I plead. Alam kong alam nya kung paano ko makakausap si Samantha.

“Bahala ka Albert, siguraduhin mo lang na hindi ako madadamay sa mga kalokohan mo..” then he ended the call.

A few minutes, I received an SMS containing Samantha’s contact number as well as her e-mail addresses.

Before I was able to dial Samantha’s number, my phone vibrates then I saw Valeen’s name..

My wife is calling me..

“Albert? Nasaan ka ba? I’ve been looking for you kanina pa..” Valeen said na para bang wala pa ding pag dududa sa akin.

“I’m on my way home Valeen.. I’m sorry if I had to leave kanina,naalala ko lang na may naiwan akong important file sa office..” I lied and I hope she believes me.

“Okay, aantayin na lang kita..” Valeen said. Damn, nakaka konsensya naman toh. Bakit ba ang bait bait nya pa din.. Hindi ba dapat inaway na ko ng asawa ko.

Ibang iba talaga sha kay Cesca.. Si Cesca napaka selosa.. si Valeen naman parang walang ka selos selos na nararamdaman o kahit anong pag dududa..

“Do you want anything? Ice cream, cake, or chocolates.. Para makabili ako bago ako dumiretso jan sa bahay..” I asked her, para maka bawi na din sa kanya.

“Parang ang sweet ng asawa ko ngayon.. anong nakain mo?” Valeen teased me. Ang hindi nya alam, nakokonsensya na ko.

“Bawal ba yun??? Sige na Valeen, I’ll just bring you something sweet.. I have to go.” I said and I ended the call.

Dahil dyan, hindi ko na muna magagawang tawagan si Samantha.. Pero hindi ko pa din nakakalimutan ang pangbabalewala nya sakin.

.

.

.

.

After half an hour, naka uwi na din ako, I bought chocolate ice cream for Valeen. I don’t know what is her favorite flavor kaya yung common na lang ang pinili ko.

We Only Part To meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon