Chapter 23: Don't sacrifice who you are for someone

135 7 5
                                    

It was a fine Sunday morning. Samantha woke up from the sound of the chirping birds. She noticed a note card that was placed on the lampshade beside her bed.

SAMANTHA’s POV

Si Albert..meron pang notecard na nalalaman.. nasaan ba sya?

Good morning beautiful!

 I went out to get your car..

I’ll be back..

Love,

Albert

Oo nga pala, I left my car last night nung nasiraan ako..

He’s very thoughtful.

Hmm, maybe I could do something to return all his favors.

Then I went out of the rest house to check kung merong malapit na store para makabili naman ako ng breakfast naming.

Thankfully, sa kakalakad ko, meron namang maliit na sari-sari store. Wait, ano naman kaya ang pwede kong mabili na pwedeng iluto para sa breakfast..

I decided to buy eggs, as well as onion and tomato.. gagawa na lang ako ng omelette . And since meron ding pandesal na available sa store, bumili na din ako.

“Ito na yung sukli mo Hija..” sabi ng matanda na binilihan ko, sabay abot sa akinng sukli.

“Salamat po..” paalis na sana ako ng bigla ulit akong tinawag ng matandang babae.

“Hija, sandali lang..” napatigil ako, pero di kagad ako bumalik, nakatingin lang ako sa matanda, kasi napansin ko kanina nya pa din ako tinititigan at kinikilatis.

“Sabi ko na nga ba kilala kita eh, sobrang tagal na kitang hindi nakita dito, matagal na panahon na nung huli lang bumili sa tindahan ko, mabuti naman at nakita ulit kita.. ang tagal na talagang panahon..” sabi ng matanda habang papalapit sa akin.

“Ako po?” I was really shocked.

“Oo, ikaw nga, magkasintahan kayo nung lalaking kasama mo dyan noon? Siguro kasal na kayo ngayon ano?” Paliwanag ng matandan.

Ako naman, tahimik lang.. Hindi ko alam ang isasagot ko, malamang iniisip nya din na ako si Cesca..

“Naku Hija, pasensya ka na at napakadami kong sinasabi.. Natutuwa lang ako na nakita kita ulit, oh, heto, bigay ko na ‘yan sa iyo, ‘yan ang palagi mong binibili dito sa akin dati..” sabi ng matanda sabay abot sa akin ng isang supot na gawa sa papel at bumalik na sya sa tindahan nya matapos kong magpasalamat.

Nang makabalik na ako sa resthouse, wala pa din si Albert, tamang tama makakapag luto pa ako.

Sinilip ko din ang binigay ng matandang babae, buti na lang alam ko ang tawag dito, kesong puti.. Perfect ito sa pandesal na nabili ko.

Then I cooked the omelette. Sana dumating na si Albert.

Habang wala pa sya, lilinisin ko muna yung mga ginamit ko sap ag luluto..

After a few minutes, while I’m washing my hands, bigla na lang may yumakap sa akin from my back.

Hindi ko namalayan na dumating na pala si Albert.

“Sandali lang akong nawala, pero na miss kagad kita..” Albert whispered on my ears.

“’Wag mo nga akong bolahin dyan.. kumain ka na..” biro ko sa kanya.

“Uy, wow, sobra koi itong na miss.. ‘yung pinag luluto mo ako ng breakfast.. but wait, saan ka naman nakakuha ng iluluto mo?” Albert asked me habang papunta na kami sa dining table.

We Only Part To meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon