One month after…
“What are you doing to yourself Albert? Pinapatay mo na yang sarili mo..” Peter said to his friend Albert who was being miserable by drinking too much wine and leaving his job unfinished.
“What’s the sense of being alive kung wala na sa akin ang babaeng pinaka mamahal ko?” Albert responds.
“Sinabi ko na kasi sa’yo nung una, hindi mo na dapat ‘yan pinagpatuloy.. at isa pa, may asawa ka, si Valeen..” Peter sounds mad.
“Pero si Samantha ang mahal ko..” Albert yelled.
“Wala na sya diba? Iniwan ka na. Mas pinili nya ang asawa nya, kaya dapat kalimutan mo na sya. Kung ako sa’yo susundan ko na lang si Valeen sa states..” Peter said and left.
ALBERT’s POV
The last time I felt this kind of pain is when Cesca died.. pero bakit ngayon, mas masakit nung si Samantha ang nawala sa akin. Hindi ko kasi matanggap na mas pinili nyang iwan ako, at sumama kay Jerome.
*Flashback*
Naghihintay ako sa labas ng bahay ni Samantha, umasa ako na makikita ko sya at makausap.. Hindi naman ako nahirapan dahil sandali lang ay dumating si Samantha.
Pagbaba nya ng sasakyan nya nilapitan ko kagad sha.
I hugged her tight. Hindi ko na matiis na matagal mawalay sa kanya. I’m here para sunduin sya, para yayain syang sumama na sa akin, at iwan na namin ang lahat ng problema naming, but I was surprised, ibang Samantha na ang nakausap ko.. nagbago na sya.
“Anong ginagawa mo dito?” Samantha asked me.
“Alam kong hindi maganda ang huli nating pag-uusap. Pero Samantha, please, maniwala ka, kaya kong patunayan na ikaw talaga ni Cesca, all I’m asking is a chance, para makahanapa ko ng sapat na patunay na ikaw nga si Cesca.. so please Samantha, hayaan mong patunayan ko ang lahat sa’yo..” I told her.
“Stop it Albert! Hindi na ko mag-papauto sa mga ilusyon mo, nang dahil sa kahibangan mo, madaming nasasaktan, madaming naaapektuhan, hindi mo ba nakikita, mali ang gusto mong mangyari.” Samantha yelled.
“No, wala akong nakikitang mali Samantha, kung mapapatunayan ko lang sa’yo na ikaw si Cesca, malalaman mona walang mali sa ginagawa natin, Cesca..” I said as I gently held her hand but she pulled her hands.
“Cesca?! Cesca?! Pwede ba Albert! Sawang sawa na ko na pagtawag mo sa akinni Cesca!!! Hindi nga ako si Cesca! Alam mo kung anong ikatatahimik mo? Puntahan moa ng puntod ng kakambal ko, sa kanya mo sabihin lahat ‘yan! ‘Wag mo na akong guluhin!” Samantha said and walked away.
“Fine, wala na akong paki alam kung ikaw si Cesca o hindi, pero mahal kita! ‘Yun ang totoo, so please, sumama ka na lang sa akin.. Alam kong mahal mo din ako, alam kong kaya ka nakikipagkita sa akin ay mahal mo din ako.. ” then with that, she stopped, she looked at me, alam kong mahal nya din ako.
“Nagkakamali ka, hindi kita mahal Albert, Oo, sumama ako sa’yo dahil akala ko tama ka, akala ko ako si Cesca, pero hindi ako sya, kaya hindi na rin mahalaga ang mga araw na mag kasama tayo. Totoo, nawalan nga ako ng alaala, pero isa lang ang taong dapat kong mahalin, si Jerome ‘yun, sya lang ang nasa tabi ko noong panahong nakalimutan ko ang pagkatao ko, at ngayon, panahon na para suklian ko ng pag-mamahal at hindi pag-tataksil ang lahat ng ginawa nya para sa akin.” Samantha told me and I know she’s doing this to get rid of me.
“Akala ko ba hindi ka na masaya sa kanya? Siguro naman sapat na ang dalawampung taon na pinagsamahan nyo para suklian mo ang sinasabi mong utang na loob sa kaya, isipin mo naman ang sarili mo Samantha.. just for once..” then I hugged her.
BINABASA MO ANG
We Only Part To meet Again
FanficMemories, Lost Love, and Lies. How will you able to live your life with happiness if you're living in a world of lies. | FAN FICTION