Status Update #1

383 17 25
                                    

Status Update: Every dark cloud has a silver lining.

"Anak, sana maintindihan mo ang desisyon naming ito ng Papa mo," my mom told me.

A few months back ay nag-apply sila for jobs in Dubai. I didn't think much about it until a few days ago when they told me na pareho silang natanggap sa trabaho so kailangan na nilang umalis. I am an only child, hirap daw kasi si Mama'ng magbuntis. She even almost had a miscarriage when she was pregnant with me. At dahil pareho silang aalis ay maiiwan akong mag-isa. I have never been away from them for a long period time. What more kung pareho pa silang wala, paano ako mabubuhay?

"Para din naman sa 'yo ang lahat ng ito, para sa future mo," Papa said.

"Pero okay lang naman po ako. Nakakapag-aral naman po ako sa magandang university at nag-aaral naman po akong mabuti," I argued.

"Pero Mille hindi namin kakayanin ng mama mong tustusan ang med school mo kung pareho lang kaming nagtatrabaho dito. Kapag nandun kami ay makakapag-ipon kami at walang magiging problema sa pang-tuition mo pagdating ng panahon na 'yun," he explained.

"Eh di hindi na lang po ako magtutuloy sa med school. After college magtatrabaho na lang po ako."

Hinapit ako ni Mama sa kanya at saka sinabing, "Pangarap mong maging doktor at bilang mga magulang mo, obligasyon naming tulungan kang maabot ang pangarap mo na 'yun."

"Pero ayaw ko po kayong umalis. Hindi ko po kayang mabuhay mag-isa."

"Sino bang nagsabing maiiwan kang mag-isa? Nakausap na namin ang Tita Faye mo and she's gonna take you in. S'ya ang tatayong guardian mo habang wala kami," ang sabi ni Papa.

"Si Tita Faye!" I exclaimed. I love her! She's the coolest aunt ever. Nakababatang kapatid siya ni Papa. She's still single and living on her own. Dati ay nagbabakasyon ako sa kanya kapag summer and we always have the best time.

"I told you Mama. Alam ko nang ma-eexcite 'yan," ang naiiling na sabi ni Papa kay Mama.

"Ha... ha... ha! Si Faye lang pala ang makakasolve ng drama issues nitong anak natin."

"So kailan po ako lilipat sa bahay ni Tita Faye?"

"Aba anak, hintayin mo muna makaalis kami ng Papa mo."

Sorry naman. Mukha bang excited akong masyado?

********

Classes will start in two weeks. I can't believe I'm in my junior year now. Parang ang bilis lang ng panahon. Two weeks na rin akong nakatira dito sa bahay ni Tita Faye pero I'm still trying to get settled. There are nights na namamahay pa rin ako. And there are nights na nahihirapan akong makatulog kasi namimiss ko ang parents ko. But in fairness naman to my Tita Faye, she's doing everything to make me feel at home. She gave me my own room. She even let me pick out the paint color of the walls of my room. Actually nung unang araw ng dating ko dito sa bahay ay nagpintura kami ng kwarto ko. The day after that ay inayos naman namin ang furniture at inilagay lahat ng mga damit ko sa closet. And little by little, with the passing of each day, that room became my very own little space.

********

Today is Tita Faye's birthday. Meron daw silang gathering ng friends niya. Ganun daw kasi silang magkakaibigan, palaging may get-together kapag birthday ng isa sa kanila. At dahil wala akong kasama dito sa bahay 'pag umalis s'ya ay isasama n'ya ako sa dinner. Gustuhin ko mang humindi dahil feeling ko mabobore lang ako dun ay wala akong magagawa kasi ayaw ko namang maiwan mag-isa dito. Hindi pa ako sanay dito sa lugar ni Tita kaya medyo paranoid pa ako.

Around 7 o'clock we were already entering the premises of the restaurant. We were directed to the table reserved for us. Kaming dalawa pa lang ni Tita ang dumating.

"You look beautiful in that dress, Mille."

"Thanks Tita. Ikaw din po, blooming ka ngayon."

"'Yan tayo eh!"

We both laughed. Ganito kami palagi. Automatic na we complement each other. Ang usapan kasi namin ay dapat palaging pantay lang ang ganda namin.

"Ah, Tita pwede po bang pumunta muna ako sa ladies' room?"

"Sige."

Hindi naman ako nagtagal doon. Tinignan ko lang kung maayos pa ang itsura ko. I checked kung 'yung kaunting make-up na nilagay ko sa mukha ko ay maayos pa. Inayos ko na rin ang damit at buhok ko. Paglabas ko galing dun ay nakita kong may mga kasama na si Tita Faye. Buti naman at dumating na sila. I am starting to get hungry.

I slowly walked towards them with a smile. Kunwari excited din akong makita sila at kunwari hindi pa ako gutom. Ha... ha... ha!

"O nandito ka na pala Camille. Mga sisters, naaalala n'yo pa ba si Camille, anak ni Kuya Dom?"

"Oo naman," sabi nung isa na hindi ko naman kilala kung sino. She knows me but I don't know her.

"Dalaga na pala itong batang ito. Saan ka nag-aaral Camille?"

Napatingin ako sa taong nagsalita at muntik pa akong mabilaukan kasi ang taong 'yun ay si Mommy Jillian... ah este, si Tita Jillian pala, ang mommy ni ultimate crush.

"Sa Aquinas University po," ang malambing na sagot ko. Aba! Kailangan maganda ang first impression ko sa future mother-in-law ko.

"Really? Sa AU ka rin pala. Doon din nag-aaral panganay na anak ko eh."

I know po Mommy Jillian. Alam ko rin po ang course at section nya. Alam ko po na tuwing M-W-F ang first subject nya ay English, pareho po kami na si Ma'am Almazan ang professor, at nasa room 303 sila, just 2 doors from my room. At 'pag T-Th  naman ay lab ang first subject nila at nasa Lab 3 sila. Hindi ko sya halos nakikita on these days kasi sobrang saliwa 'yung scheds namin. Alam ko rin po na dean's lister siya at level rep ng seniors.

"Anong course mo?" she asked again.

"B.S. Psychology po."

"'Yung anak ko naman ay Bio."

"Ah talaga po?" ang sabi ko naman na kunwari ay wala akong alam.

"Siguro you see each other in school. Kasi pareho naman kayong science course eh."

"Siguro po 'pag nakita ko po 'yung mukha n'ya ay mamumukhaan ko s'ya."

Jusme Lord, 'wag naman po sana akong kainin ng lupa ngayon dahil sa mga kasinungalingan ko.

"Di bale, you will see him in a bit. Kasama ko s'ya. May dinaanan lang d'yan sa isang store. Pero pupunta rin 'yon dito to have dinner with us."

What?

"Let's order," I heard Tita Faye say.

Nandito s'ya ngayon? Magkikita kami ni ultimate crush ngayon? Waaaaaah! Hindi ako prepared! Hindi ito ang napipicture kong suot ko 'pag nagmeet kami. At 'yung buhok ko, hindi dapat ganito. May chance pa ba akong umayos?

Dahil sa sobrang pagkabigla ko ay parang natulala ako kaya hindi ko namalayang may dumating palang ibang tao.

"Camille!"

Nagulat ako ng bigla kong narinig ang pangalan ko.

"Po?"

"Camille, ito ang anak kong si RJ. RJ, that's Camille. You go to the same school at Psychology ang course n'ya."

He smiled at me and with that smile it's like a bright light shone from behind him. Para s'yang isang anghel na bumaba dito sa lupa. At kasama ng pagbaba n'yang 'yon 'yung pagiging holy n'ya.

"Hi Camille," he said.

And for the second time in just a matter of minutes I was paralyzed. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapagsalita. Pero kahit ganun, ang utak ko ay on adrenaline rush at may isang tanong na inuulit-ulit: Maganda ba talaga ako in this dress?

StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon