Status: It's amazing how one truth can make or break a person.
Ilang linggo pa ang lumipas... naging mas close kami ni RJ dahil palagi kaming nagkikita sa Honors Society. He told me before na gusto niya ulit kaming lumabas together but sad to say hindi na siya nasundan. Masyado siyang busy with school. Graduating na kasi sila so I guess marami silang kailangang i-submit. Dito lang palagi sa Head Quarters ang pagkikita namin. But I'm okay with that. Masaya na ako basta nakikita ko siya, nakakausap at nakakasama.... kahit hanggang dito lang.
"So what are your plans after graduation?" I asked him one time.
"Med school. 'Yun naman talaga ang goal ko eh."
"Where do you plan to go?"
"Pupunta na ako sa Manila."
At parang nagdilim ang buong paligid ko. Manila! Alam kong hindi ako girlfriend, ni MU nga wala eh, pero para akong pinagsukluban ng langit at lupa dahil lang nalaman kong iiwanan niya ako.
Bakit ganun? Kung kailan ganito na ang status ng relationship (whatever you call it) namin ay doon pa siya aalis. Pupunta siya sa ibang lugar na malayo sa akin... kung saan wala ako. Pupunta siya sa Maynila, ako naman ay maiiwan dito sa isang sulok ng Mindanao.
Manila... doon siya pupunta sa Manila na kung saan pwede siyang makakilala ng ibang babaeng mas maganda, mas mabait, at mas matalino kaysa sa akin. In short hindi pa nga kami nagiging MU eh mapapalitan na niya agad ako.
Manila... why am I starting to hate you?
********
I was walking to my first class not minding people around me. Pagkatapos kong malaman kahapon na aalis si RJ ay naging ganito na ang mood ko. Parang naging tuliro din ako.
I know what you're thinking... alam kong masyadong OA itong reaksyon ko but I can't stop what I'm feeling. That news really brought me down. Pakiramdam ko nga tinalo ko pa 'yung babaeng nakipaghiwalay sa boyfriend niya eh.
BAM!
And because I wasn't paying attention, may nakabanggaan ako. Nahulog ang bag ko at kumalat sa floor ang dalawang librong hawak ko.
"Hey, watch where you're going!" ang galit na sabi ng isang malaking boses na lalaki.
"Sorry, " ang sabi ko sabay pulot sa mga gamit ko.
"Kung saan-saan ka kasi nakatingin eh!"
At aba, hindi pa pala siya tapos. Nagsorry na ako, di ba? I immediately stood up to face him. "Nagsorry na ako, di ba? Ano pang problema mo?"
"Anong problema ko? You're so stupid that you can't even see where you're going."
I've heard of the saying na be kind for everyone you meet might be fighting a battle you know nothing about. The better half of me is saying that I should treat him kindly because he may be going through something. Pero ako rin naman may pinagdadaanan eh! Why is he not treating me nicely? Ang unfair lang!
Sasagot na sana ako nang may narinig akong boses galing sa likod ko, "Camille, is this guy bothering you?"
I didn't need to look at him. Alam ko nang si Logan 'yun.
"Dude, anong problema mo kay Camille?"
"Aaah... Logan, wa-wala."
"Siguraduhin mo lang na wala kundi ako ang makakaaway mo."
"Oo, Logan. Sige alis na ako."
I watched that bully hurriedly go. Anong meron kay Logan at natakot ang isang 'yon? Meron pa palang mas bully kesa sa mokong na 'yun at si Logan yun.
"Camille, what happened? Are you okay? Was he bothering you? If he..."
"Huy! Ang OA mo lang ha. Okay lang ako. Actually, ako 'ata ang may kasalanan. I wasn't paying attention kasi kaya nagkabanggaan kami."
"No, that was his fault. If you weren't paying attention, dapat iniwasan ka niya para hindi kayo nagkabungguan."
"Logan..."
"But are you okay? May masakit ba sa 'yo?"
"Logan. I'm okay. Totoo, okay lang ako. Walang masakit sa akin."
"Good," he said then finally smiled. "Are you going to you first class?"
"Yeah."
"Halika, ihahatid na kita."
"Hindi na kailangan, Logan. Kaya ko na."
"Pero gusto kong ihatid ka. Baka mamaya kung sino na naman ang bumangga sa 'yo. Let's go."
Inakbayan n'ya ako bigla at marahang hinila para maglakad kasabay n'ya. Oo nagulat ako sa pag-akbay nya pero sumunod din naman ako. Ewan ko ba kung anong meron sa taong ito at palagi na lang akong napapasunod sa mga sinasabi niya. Hindi kaya he's secretly hypnotizing me?
Tinanggal na niya ang kamay niya sa pag-akbay sa akin nang nagsimula na kaming maglakad. We walked until we were almost to our classroom. Teka, paano niya nalamang dito ang room namin? I'm pretty sure I never told him about it. At never naman siyang nagpunta dito noong nagtututor pa kami.
"Do you know where we're going?" I finally asked.
"Yeah. Room 310. Di ba Pyschometrics ang first subject mo?"
Natigilan ako. "Paano mo nalaman?"
"I have my ways. I actually know a lot of things about you," he replied with confidence.
"Totoo?"
"Totoo! Let's see. Uhmmm... bestfried mo si Francine and you call her France. Ang favorite mong lunch ay Chickenjoy. At kahit sawang-sawa ni Francine sa Jollibee ay sinasamahan ka pa rin niya. Your parents are abroad and you live with your Tita Faye. Gusto mong magmed school later on pero what I don't get is bakit hindi ka na lang nagBio instead of Psych. Anyway, oh and I know who your crush is."
Again, natigilan ako. And I'm sure namumutla na rin ako. He knows that I have a crush on RJ? Masyado bang obvious? "Si-sino?
"Ako! No, just kidding. Hindi ko alam. I just made that one up. But I wish it was me."
"Kainis ka!"
"So do you have more questions for me, Mille?" Pati nickname ko? "I'd love to answer more of your questions but I'm afraid you're gonna be late for your class. But I could answer more questions later after class if you like."
"After class?"
"We can have burger and sundae at Jollibee."
And then it suddenly hit me. Dahil masyado akong naging masaya kasama si RJ, nakalimutan kong may kasalanan pa nga pala itong si Logan sa akin. Hindi niya pa sinasabi sa akin ang tungkol sa pagiging dean's list niya.
"Teka! Bigla ko lang naalala na may kasalanan ka sa akin."
"Ako? Anong ginawa ko?"
"Nagsinungaling ka lang naman."
"Ha? Tungkol saan?"
"Bakit ka nagpatutor sa akin tapos honor student ka naman pala?"
"Oh that! Well, if I remember correctly I never said that I was not an honor student. All I said was I needed someone to help me review for the tests."
"Kahit na. Dapat sinabi mo pa rin 'yun. You owe me an explanation."
"Okay. I will explain everything to you later. But right now we have to get to your classroom kasi malelate ka na. Ayun na si Dr. Vargas pumapasok sa room n'yo o," he said while pointing to that direction.
Shoot, oo nga! Kainis! Dali-dali akong naglakad papapunta doon. Hindi naman na siya malayo.
Alam ko kasunod ko lang si Logan. At bago ako makapasok sa room ay kinuha niya ang braso ko, "I'll pick you up from your last class ha? Lab 3, di ba?"
"You really know everything, huh?"
He smiled. "I'll see you later. Don't miss me too much," he said then walked away.
Ang kapal! Bakit ko naman siya mamimiss?!
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...