Status:
Sembreak has finally arrived!!! Yes, I may be good in school but it doesn't mean I don't love having school breaks. Ordinaryong estudyante din ako - masaya kapag nawawalan ng pasok.
"Tambay tayo sa mall mamaya," ang aya sa akin ni Francine. "Ayaw ko magstay dito sa bahay, wala naman akong kasama eh."
She's an only child like me kaya siguro magkasundong-magkasundo kami. Pareho kami ng kinalakihang environment, both from middle class families. Hindi kami maarte dahil siguro sakto lang din naman ang antas ng aming pamumuhay. Oo nakakatikim kami ng mga luho pero all are within reason. Our only difference now is her parents are both here in the Philippines.
"Anong oras mo ba balak? Kagigising ko lang eh," ang sagot ko naman.
"Dun na lang tayo maglunch then let's just go around. May konting ipon ako kaya gusto ko nang bilhin yung pants na matagal ko nang tinitignan."
"Sige. Ako naman siguro magtitingin ng make-up." O bago kayo magreact... sabi ko wala kaming arte sa katawan. Ang ibig kong sabihin ay go kami sa kahit anong pangyayari. Pero yung arte like aesthetic type ay may kaunti ako. Simula nung sumali ako sa Miss Science ay parang naging interested na akong mag-ayos ng kaunti. Naisip ko kasing I am sort of the face of our college. Kailangan maayos naman ang itsura ko palagi. Baka isipin ng iba na wala akong karapatang manalo kung mukha akong parang wala lang. At isa pa 'yung make-up artist na nag-ayos sa akin nung pageant ay sinabihan din akong mas aaliwalas ang itsura ko kung mag-ayos ako ng kaunti. He/She (gay kasi 'yung tao) gave me tips on how to put on minimal make-up na mukhang natural.
"Sige. Kailangan ko rin pala ng bagong lipstick. O s'ya, bumangon ka na at magready. Maliligo na rin ako."
"Okay."
"Dun sa dating meeting place ha?"
"Okay," ang sagot ko ulit.
An hour and a half later ay magkasama na kaming kumakain sa Pizza Hut. She craved for pizza and this is the first pizza restaurant that we saw.
Pagkatapos kumain ay nagsimula na naming suyurin ang buong mall. Yes, she said she was gonna buy those pants she was eyeing for a while now. But when we got to that store and after she has tried it on, she felt she didn't like how she looked in it. In short nagbago ang isip. So ngayon hinahanap namin ang perfect pants niya.
While she was inside the fitting room, I wandered off to the cosmetics department, na katabi lang nung fitting room. Naisip kong magcheck na ng pwedeng kong bilhin habang nagsusukat si France tutal ilang items of clothing naman ang dala niya sa loob ng fitting room eh.
Una akong nagtingin ng lipstick. I looked around for a pink or nude shade. Hanggang dun lang ako kasi wala akong balak gumamit ng red. Pagkatapos kong makapili ay tumingin naman ako ng eye make-up. Sa totoo lang hindi ako sure tungkol sa pagbili ng eye make-up. I've tried putting this on during the pageant, tinuruan kasi ako nung make-up artist, pero hindi pa naman ako talaga magaling.
Hindi pa ako nagtatagal sa pagtitingin ay naramdaman kong may tumabi sa akin pero hindi ko tinignan ang taong ito. May ilang sandali rin na tumayo sa tabi ko 'yung bago ito nagsalita.
"You know you don't really need that."
Hindi ko na kailangang lingunin iyon. I would recognize that voice anywhere. "O RJ, anong ginagawa mo dito?"
"Mom asked me to run some errands. Palabas na ako, papunta sa parking, when I saw you. Are you seriously thinking of buying make-up?"
"I'm just checking these out. Hindi naman sa palaging may okasyon para magmake up ako but it's just somehing that's good to have."
"You are pretty that way. Di na kailangan ng ganyan."
For a second I actually stopped breathing. Kinilig ako sa sinabi niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko but my lips are such traitors - ayaw nilang magpaawat sa pagngiti ng super laki.
"See! Ngumiti ka pa lang ng ganyan panalo na," ang dugtong pa niya.
Hooomaaaay!!! Can I just die now? If I die now at least I know I'm one happy girl.
"Mille!" someone called from somewhere. I turned around to see France holding some clothes while walking towards us.
"France..."
"Oh hi RJ! Nandito ka pala. Sinusundan mo ba si Camille?" ang sabi ni France ng makalapit sa amin... na agad ko namang siniko.
Tumawa ng kaunti si RJ dahil dito. "I was just running some errands. Anyway, I need to go now. See you around."
Francine and I both said goodbye to him and then he left.
"Ikaw talaga!" ang biglang sabi ko sa kaibigan ko.
"What?"
"'Wag ganun ang mga banat. Mahahalata ako n'yan eh."
"Bakit, ayaw mo pa bang mabistong may gusto ka sa kanya? Hindi mo ba naisip na baka kailangan lang niya ng kaunting push para umamin din siya ng kanyang nararamdaman?"
"Umamin? Kung may aaminin. Eh paano kung wala naman pala? Eh di napahiya naman ako. Mas malaking kahihiyan naman 'yun. Basta please tigilan mo na."
"Okay, okay!"
Pagkatapos bayaran ang mga pinamili namin ay kumain muna kami ng mirienda bago umuwi.
When I got home ay masaya akong naglakad papasok ng bakuran namin. Nang makarating ako sa may front door ay may narinig akong mga boses galing sa loob. Narinig ko pang tumawa si Tita Faye. I immediately opened the door and found Logan talking to my tita.
"Logan..."
"O Mille, nandyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay nitong si Logan kaya kinausap ko muna."
He stood up and said, "Hi Camille!"
"Kanina ka pa talaga dito?"
"Hindi naman gaano."
"Anong hindi? More than 20 minutes na siyang naghihintay. More than 20 minutes ko na rin siyang kausap. O s'ya, iwanan ko na kayong dalawa," sabi ni Tita Faye sabay tayo.
Umupo ako sa tapat niya kaya umupo na rin siya. At parang nakakaloko lang ang ngiti ng isang ito. "Bakit ganyan ka makangiti?"
"Ha? Wala lang. I'm just happy that I saw you. Akala ko kasi uuwi na lang ako na hindi kita nakikita eh."
"Sorry naman kasi hindi ko alam na pupunta ka."
"Sorry din kasi hindi ko naman nasabi sa 'yo na pupunta ako ngayon."
"O sya, hayaan na natin. Pero bakit ka nga pala pumunta ngayon dito?"
"Wala lang, I'm just visiting you. Ang hirap mo palang mamiss. Hindi ko matiis."
"Wow naman ah! Ang bonggang pambobola naman nyan.
"Who says nambobola ako? I wouldn't be here kung hindi kita namimiss."
"Wala ka bang mas importanteng gagawin? Di ba graduating ka rin? Wala ka bang dapat asikasuhin?"
"Camille, kahit gaano pa ako ka-busy I will always find time to see you. Always remember that."
Nakakakilig 'yung sinabi niya pero feeling ko mas kikiligin ako kung si RJ ang nagsabi sa akin nun. Kaya lang wala eh... wala naman 'ata syang pakialam talaga sa akin. Kasi kung meron siya dapat ang nandito at hindi si Logan. Siya dapat ang nagpapakilig sa akin at hindi si Logan.
Kaya lang si Logan ang nandito eh....
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...