Status: I've learned that friendships can go two way - it can either end or blossom into something else.
May nadatnan akong isang bouquet ng flowers pagkauwi ko. Agad naman akong sinalubong ni Tita Faye at sinabing para daw sa akin 'yon.
"Oo nga pala, nakita ko sila RJ at Tita Jillian mo." Okay. That to me sounded like RJ was mine, parang wala si Tita Jillian sa sentence. "Kinakamusta ka ni RJ. Bakit, hindi na ba kayo nagkikita sa school?"
"Hindi na po, Tita. Graduating na po sila, di ba? Masyado na yata siyang busy. Hindi na siya tumatambay sa office ng Honors Society lately."
"Ganun ba? Eh teka, bakit naman si Logan? Isn't he graduating as well? Eh bakit naman 'yung isang 'yon palaging nandito? Hindi ba siya busy? Hindi ba siya nag-aaral? Gagraduate ba siya?
Wow si Tita Faye! Hindi ko alam kung interasado ba siya kay Logan o iniinsulto na niya. "Sabi niya po tapos naman na daw po siyang mag-aral kapag pumupunta siya dito. At actually po ay honor student din siya."
"Mabuti naman kung ganun. Baka mamaya ikaw pa ang sisihin ng mga magulang niyan 'pag bumagsak."
Naisip ko na naman ang malungkot na mukha ni Logan nang nabanggit ni Tita ang tungkol sa parents niya. Medyo matagal din akong na-bother dun sa itsura niyang 'yon. Hindi ko alam kung bakit pero parang nasaktan din ako.
"And speaking of Logan, tama sigurong pag-usapan na natin siya."
"Ha? What about him?"
"Nagpunta siya dito kanina. Siya ang nagdala ng mga bulaklak na 'yan. Actually binigyan din niya ako ng bouquet, mas maganda nga lang 'yang sa 'yo. Okay din naman siya eh 'no, alam kung paano dumiskarte. Anyway, he came here to formally ask permission to court you. At kung pwede raw ay sabihin ko na rin sa Papa at Mama mo na aakyat na siya ng ligaw."
"Po?" was all I could say. I know I was supposed to expect for this to happen but now that it's really happening, I can't seem to grasp it.
"Pinayagan ko na siya. Sabi naman ng Papa mo sa akin ako na daw ang kumilatis. Sa nakikita ko mukha naman siyang mabuting tao. Sana ay hindi ako nagkamali."
We talked some more. She reminded me about being responsible and putting studies first. Alam ko naman 'yon. Hindi naman ako atat magkaboyfriend. At sa totoo lang, alam nyo namang lahat, si RJ lang naman ang iniisip at pinapangarap kong maging boyfriend ko... na sa tingin ko ay hanggang pangarap na lang talaga.
Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta na ako sa kwarto ko bitbit ang bulaklak na binigay niya. Inilagay ko 'yun sa kama ko at kinuha ang card. It read:
Secretary ka ba?
... Kasi you've put order in my life.You are the only perfect thing in my messy life. I am still thanking the stars for bumping into you.
May joke pa rin talaga. He really knows how to get through to me. Alam niyang mabenta sa akin ang lahat ng jokes niya kaya kahit sa seryosong bagay ay nagagawa pa rin niyang magbiro. But the thing is, kahit na mahilig siyang magbiro ay nararamdaman ko pa rin ang sincerity niya. Alam kong hindi niya ako niloloko lang.
I should text him and thank him for the flowers. 'Yun lang. 'Yun nga lang ba? Thank you lang ba ang dapat kong sabihin? Should I say something about his panliligaw?
Pero bago pa ako makapag-isip pa ay tumunog ng phone ko. I checked the screen to see that it was a message from him. "Are you at home?" the message read. I replied with a simple yes. I waited for him to text back or call para doon ako magsisimula kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Pero minutes have passed ay wala pa rin. I was about to call him pero napigilan ako nang pagkatakot ni Tita Faye sa pinto ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...