Status: All because I dared to tell the truth.
"Anak, kamusta naman ang pag-aaral mo?"
"Okay naman po. Kayo po, kamusta naman kayo ni Mama?" ang sagot ko kay Papa sa videochat.
"Mabuti naman kami. Uuwi nga pala kami ng Mama mo sa katapusan ng October."
"Talaga po?" I excitedly asked.
"Oo kaya sabihin mo d'yan sa manliligaw mo ay ihanda ang sarili niya dahil gusto ko siyang makilala."
"Papa naman."
"Anong Papa naman? Kailangan ko na siyang kilatisin kasi sabi ng Tita Faye mo ay parang hindi na raw nahihiwalay sa 'yo. Palagi daw dumadalaw diyan o kaya ay lumalabas kayo. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, manliligaw mo pa rin ba 'yan o boyfriend mo na?"
"Manliligaw pa rin po."
"Eh bakit palagi kayong magkasama?"
"Ganun lang po talaga siya, Pa. Mahilig po siya talagang bumisita dito sa bahay."
"Totoo anak, hindi mo pa 'yan sinasagot?"
"Opo, Pa."
"Buti hindi naiinip? Ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa 'yo ah."
"Siguro po patient lang talaga siya. Atsaka kung hindi po siya makakapaghintay eh di bahala po siya. Hindi ko naman po siya pinipilit magstay at magtiyaga sa akin eh."
"Ganyan nga anak, pahirapan mo siya. He doesn't deserve you kung hindi ka niya paghihirapang mapasagot. Ganyan din ako sa Mama mo..."
And then he went on to tell me... for the nth time... the story of how he met and courted Mama.
********
"Huy labas naman tayo next week after ng finals," ang aya ni Francine.
"Hindi na ako pwede kasi dadating sila Mama at Papa."
"Eh di bago sila dumating. Sige na naman. Next sem kailangan super serious na tayo sa studies dahil sa thesis. Kailangan makapag-unwind bago maloka sa pag-aaral."
"Sige na nga, i-sched mo," I gave in.
"Tapos make it a double date."
"Double date?" Kaya naman pala ang lakas mag-aya ng babaeng ito kasi isasama pala niya ang bagong jowa niya. Yes, may lovelife na siya. Almost a month na sila together nung childhood friend niya. Ilang months niya ring inemote sa akin ang tungkol kay Paul. Feeling niya kasi ay M.U. talaga sila pero neither of them wanted to say something or make a move. Until finally ay umamin na rin si guy and from then on sila na. Hindi na nagligawan. Eh para saan pa, di ba?
"Oo, kami ni Paul tapos kayo ni Logan."
"Ha? Ah..."
"Don't tell me uncomfortable ka pang makipagdouble date eh madalas din naman kayong magdate niyan ni Logan. Ang kulang na lang sa inyo actually ay label eh. Pero sa dalas n'yong magkasama ay pwede na kayong mapagkamalang magjowa.
"Hindi naman sa uncomfortable pero I've never really asked him to go out. Palagi lang siya ang nag-aaya."
"So what kung ikaw naman ang mag-aya ngayon? Sabihin mo na lang ako ang nagsabing sumama siya. Basta please lang gumimik tayo. Gusto ko munang mag-enjoy bago natin isubsob ang mga sarili natin sa pag-aaral," she pleaded in a very overacting way.
"Sige na! Susubukan ko."
"Anong susubukan? Walang subok-subok dito. We're just going out, hindi ka pa papasok sa isang relasyon."
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...