Status: Success!
It's been forty-five minutes since Logan left... thirty minutes nang nagsimula akong humiga sa kama ko... pero hanggang ngayon bukas na bukas pa rin ang mga mata ko at buhay na buhay pa rin ang diwa ko. Ano ba itong nangyari? Ano ba itong nagawa ko?
Di ba nga sinabi ko kay Papa na hindi ko pa sinasagot si Logan, tapos pag-uwi nila ang pagpapakilala ko ay boyfriend na? Hindi naman kaya magtampo si Papa sa akin? Sabi pa naman niya kikilatisin niya muna si Logan. So pa'no na ito? Eh kung bawiin ko na lang kaya kay Logan? Sasabihin ko temporary insanity o kaya dala ng bugso ng damdamin. Pero ayun na nga eh, may damdamin, may feelings involved talaga. I felt how right it was at that moment kaya dapat panindigan ko ito. On the other hand, lagot ako kay Papa at Mama.
Kumbaga sa weighing scale, sino ba ang mas matimbang? Haaaay Camille, ano ba itong pinasok mo?
Pipikit na sana ako at pipiliting matulog nang magring ang phone ko. Alam ko na kung sino 'yun pero I'm gonna ignore him. Kunwari nakatulog na ako. Parang hindi ko siya kayang kausapin. Oo kinikilig ako pero natatakot din ako. Hindi sa kanya kundi sa pamilya ko kapag nalaman nilang kami na. I don't want them to think that I cannot be trusted because I can be and I will prove it to them. Kaya lang ngayon ang gulo talaga ng isip ko. Siguro I need to talk to my family first before they meet him. Tama! Kakausapin ko muna si Mama at Papa bago ko ipakilala si Logan sa kanila. In that way he can be warned of what could happen.
Dahil sa pag-iisip ay hindi ko na nasagot ang tawag niya. Pero wala pang isang minuto ay isang text message naman ang natanggap ko. It's him. The message read: I called to say good night and thank you. I have something important to do in school tomorrow but I will make sure to come by to see you after. Good night my baby. I love you!
Eeeeeeeh bakit ako kinikilig?! He called me his baby! Waaaah! Ramdam na ramdam ko naman na baby niya ako. He takes care of me soooo much. Minsan nga feeling ko I don't even have to lift a finger, siya na ang gagawa ng lahat para sa akin.
I guess I really made the right decision of loving him back. This is the kind of relationship I want to be in. Ito 'yung pinapangarap ko. Kaya dapat panindigan ko na ito. Bahala na si Batman sa parents ko pero siguro naman kapag kinausap ko sila ng maayos ay maiintindihan nila.
Good night Logan. I'll see you tomorrow. I love you, too. At bukas ko na rin sasagutin ang message mo. Paninindigan ko nang nakatulog na ako. He... he... he.
********
My whole day's schedule consists of cleaning the house. Kailangan kong paghandaan ang pagdating nila Mama at Papa. Dito rin kasi sila tutuloy habang nasa Pilipinas sila dahil yung bahay namin ay pinapaupahan na. At sabi nila at gusto nilang makasama ako.
Tatayo na sana ako pero bigla kong naisipang tignan muna ang phone ko. May isang message agad galing kay Logan ng ganito kaaga. Sabi niya: Morning, baby! Wow, what a nice feeling to be saying that first thing in the morning! It's definitely a great way to start your day. I'll come see you later, okay? Let's go out. Ipagpaalam na lang kita kay Tita Faye. I love you so much! Can't wait to see you. -- Your Boyfriend
Waaaaaah! Ang aga namang pagpapakilig nito! He loves me so much?! 'So much' na talaga? Nandun agad sa level na 'yun? Haaaay... definitely a haba-ng-hair moment. And I'm pretty sure, knowing him, there's more to come.
I immediately type a message for him: Sorry kung nakatulog agad ako last night. Thank you for your messages, my sweet boyfriend. I'll see you later. I love you, too.
Pagkasend ko ng message ay agad akong nag-inat at naupo sa kama. Tatayo na sana ako nang tumunog ang phone ko. Alam na nating lahat kung sino 'yun.
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...