Status Update: 'Cause Baby to you all I am is the invisible man... but maybe not for long.
"Hi Camille," I heard him say again but this time his voice seems nearer. As if he was just in front of me. "Can I sit here?"
Nang matauhan ako ay nakita ko na s'ya sa harap ko. He was holding the back rest of the chair in front of where I'm sitting.
"Ha?" I asked.
"Pwede bang dito na lang ako umupo? At least may kausap akong medyo ka-age ko. I won't get bored."
"Ah... o-oo naman. Sige." I'm trying so freakin' hard to stay calm but every single cell in my body is on overdrive. Shoot!
"You must be wondering kung bakit ako kasama dito ngayon," ang sabi n'ya habang umuupo. Well, actually I haven't had the time to wonder kasi hanggang ngayon nasa being speechless stage pa rin ako. "Well, my dad figured that this little get-together will take all night. At since hindi n'ya masusundo ang Mom dahil may sarili din s'yang lakad eh ako na lang ang pinasama n'ya para maging bodyguard."
"Ah. But it's good that you're here," I said.
"Really?"
Ha? Ano? Anong sinabi ko? Putik naman o! "Ah... really! Kasi kung wala ka ay wala akong kausap. I'm sure ang mga pag-uusapan nila ay mga kalokohan nila nung naka baro't saya pa sila."
"Baro't saya?"
"Oo... nung unang panahon pa."
"Ha... ha... ha! That's a good one."
Ha... ha... ha! Yes, that's me. I'm good at making jokes. And I know I can make you laugh. I'm actually good at a lot of things. I bet I can be a good girlfriend to you, too. Haaay RJ... "Gusto mo?" I said out loud. I didn't intend for that last part to come out from my mouth.
"Ano? Gusto ko nang ano?"
"Gus - gusto mo pa ng ibang jokes?"
"Wow, you are something. Sige nga."
And that's where our night got interesting. Bukod sa mga jokes ko, na corny naman ang iba, ay nakapagkwentuhan din kami about different things. Hindi naman masyadong personal pero enough lang for me to get a deeper view of who he is.
After dinner ay hinatid nila kami pauwi. Marunong pala s'yang magdrive. So on our futures dates alam ko nang may sasakyan s'ya kapag susunduin at ihahatid n'ya ako. O di ba ang lakas talaga ng fighting spirit ko na magiging kami sa future.
"Jill, thank you sa paghatid n'yo sa amin. RJ, thanks for driving us ha," sabi ni Tita Faye pagtigil ng sasakyan nila sa tapat ng bahay namin.
"No problem Tita at happy birthday po ulit."
"Oo nga sis, okay lang 'yun."
"O sige, bababa na kami para hindi na kayo masyadong ma-late sa paguwi."
"Ah Mom, ihahatid ko lang po sila sa gate nila."
"Sige, anak."
"Naku Jill, napakagentleman pala nitong binata mo."
"Ano pa nga ba. Nagmana 'yan sa tatay n'ya."
Bumaba na kami. Habang binubuksan ni Tita Faye ang lock ng gate namin ay nasa likod n'ya kaming dalawa ni RJ.
He lightly bumped my shoulder and said, "Thanks for tonight ha. I had fun talking to you."
"No problem. Ako din nag-enjoy," ang pa-demure ko namang sagot.
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...