Status Update #6

173 16 11
                                    

Status Update: "The best lesson you can learn in life is to master how to remain calm."

Merong nakapagsabi sa akin dati na ang mga sumasali daw sa mga pageants or beauty contests ay sanay sa pagiging kalmado. Yes, nararattle din sila at nasestress pero magaling silang magpakalma ng sarili. I guess they have to be kasi they have to project grace under pressure. But I think I didn't get that memo dahil 'eto ako, hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko.

Nagsimula kasi ito kanina right after my last class. Today ang schedule ng first tutorial session namin ni Logan. We agreed (actually more of I insisted) na sa HS Headquarters na lang kami magtutor.

So when I got there....

"Drop everything now... meet me in the pouring rain... kiss me on  the sidewalk... take away the pain... 'cause I see sparks fly whenever you smile..."

Mag-isa si RJ sa HS HQ. Nakaupo siya, with his back to the door, at kinakanta niya ang 'Sparks Fly'. Bigla akong natigilan. Bakit niya kinakanta 'yun? Ayaw kong mag-assume pero hindi ko mapigilang mag-isip na may kinalaman ito sa akin.

"Get me with those brown eyes..."

Brown eyes? Green eyes kaya ang totoong lyrics no'n.

"Give me something that'll haunt me when you're not around... 'cause sparks fly whenever you smile..."

"Camille!" biglang may sumigaw.

Napalingon siya sa direksyon ko. I froze. Buking na nandito lang ako. Sino ba kasi itong asungot na ito?

"Kanina ka pa nandito? Sorry medyo late ako ha. Hindi kasi agad kami pinaalis nung prof eh," and tuluy-tuloy niyang sabi.

Hindi pa rin matanggal ang tingin ko kay RJ pero alam kong si Logan ang dumating na asungot.

"Camille?"

Wala na akong choice kundi harapin siya. "Logan."

"Kanina ka pa dumating?" he asked again.

"Ah hindi. Kararating ko lang."

"Shall we start? Sigurado ka bang gusto mo dito? Pwede naman tayong maghanap ng ibang quiet place o kaya sa coffee shop."

Napatingin ako kay RJ, na nakatingin din sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o dapat ko ba siyang batiin. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Basta nakatingin lang siya sa akin. So I decided to just wave at him. Tumango lang siya.

"O RJ, ikaw pala 'yan," ang sabi ni Logan. "Camille siguro let's just go somewhere else. Baka makaistorbo tayo kay RJ kung dito tayo."

I didn't say anything but I felt myself moving away from the door. Pero bago pa ako nakaalis ay napatingin ako kay RJ. Salubong na ang kilay niya ngayon habang nakatingin sa amin.

Hindi ko alam kung bakit pero ayaw talagang kumalma ng puso ko. Kahit ngayong naglalakad na kami ni Logan papunta sa library ay patuloy pa rin ang malakas na kabog ng puso ko.

Bakit kasi niya kinakanta 'yung song ko? Napapaisip tuloy ako na baka may kinalaman 'yun sa akin. Kung ganun mas lalong lulundag ang puso ko sa tuwa. Pero sa isang banda naman ay bakit ganun ang mukha niya nung paalis na kami? Galit ba siya dahil aalis ako masama si Logan? Again... may kinalaman ba ito sa akin?

"Are you okay? You seem to be bothered. May problema ba?" ang sabi ni Logan sa akin. Hindi talaga ako pwedeng maging totoong beauty queen. Hindi ko kasi kayang itago ang pagkabalisa ko. I have no grace under pressure. Pressure? Anong pressure ba kasi itong pinagsasasabi ko. Bakit nga ba ganito ang reaksyon ko? Yeah, so I heard him singing my song. So what? Wala namang meaning yun, di ba?

StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon