Status Update #13

108 12 7
                                    

Status: -- feeling shocked! 😨

"Mind if I join you?"

I stopped reading the Wattpad story I've been so hooked up on to see Logan's toothy smile. "Anong pa-cute 'yan?"

"Is it working?"

"Not really?"

"Not even the slightest bit?"

"Hmmm... sige, maybe a little."

"I'm good with that!" he cheerfully said before settling on the seat right across me. "So what are you reading?"

"Just some story," I replied with a shrug.

"Oh I get it. Love story 'yan 'no? Kayong mga babae are really suckers for that."

"Don't judge me."

"I'm not. I'm just saying. I mean mas gusto n'yo pang mag-aksaya ng panahon sa mga ganyan kesa being in the real world."

"Well, if you must know, dito sa binabasa ko I feel kilig and all pero sa real world ko wala. So between this and the real world, sa palagay ko alam mo na ang sagot."

"Stick around a little while longer and you'll feel that kilig you've been looking for."

"Huh?" I don't get it.

"Wala."

Our conversations are usually like this - easy, free and fun. Over the last couple of weeks, Logan and I have struck a good friendship. Hindi ko alam when I started feeling at ease around him but I just suddenly did. And the last couple of weeks din ay naging scarce na ang pagkikita namin ni RJ. I'm not sure but I sorta have this feeling na umiiwas s'ya sa akin. I mean I know his schedule (dating gawi lang 😊) and I know when we're supposed o bump into each other or meet at the HS office. Kaya lang wala talaga eh. Ni anino n'ya ay hindi ko matanaw. At katulad ng dati, halos wala na siyang messages sa akin. Minsan he says hi or kamusta pero usually in the middle of the night kung kailan tulog na ako. I would reply in the morning pero hindi na siya sasagot ulit. At first I was looking forward to his messages but later on tinanggap ko na rin na hanggang dun na lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin.

Of course there is still a part of me na gusto pa rin siya, nangangarap pa rin na baka lang pwedeng maging kami. But of course my brain, being the boss of my whole body, has been saying to just give him up and move on.

"Pwede ba kitang ihatid pauwi sa inyo mamaya?" he asked.

"Bakit? Wala ka bang importanteng gagawin?"

"Meron pero I don't wanna go home right away. Pagdating ko sa bahay tsaka ko na lang siya gagawin. Hindi naman siya mahirap eh."

"Okay. Ikaw ang bahala."

"So where do we meet up? Or okay lang ba kung sunduin kita sa class mo? Kaya lang our classes end at the same time tapos magkaibang floors pa tayo. Baka maghintay ka ng matagal sa classroom nyo."

In the few months that I've known him, never niyang hiningi ang number ko. Kaya palaging by chance ang pagkikita namin o kung hindi naman ay planado talaga. Minsan nga ay naghihintay siya ng matagal para sa akin lalo na kapag dumederetso siyang pumunta sa bahay namin.

"May tanong lang ako sa 'yo. Matagal ko nang gustong itanong ito eh."

"Ano 'yun?"

"Bakit never mo pang hiningi ang number ko? Ayaw mong malaman? Kasi ang hirap ng lagay mo eh. Palagi kang naghihintay."

He gave me a very confident smile. "Di ba sabi ko sa 'yo noon pa na marami akong alam tungkol sa 'yo? I've known your number for quite a while now."

StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon