Status: Beauty is in the eye of the beholder.
About three weeks ago ay pinatawag ako ng department head ng Psych. Pagpunta ko sa kanyang office ay nandun si Weena, ang level rep ng batch namin, at si Kevin, ang president ng org namin.
Noong una akala ko ay may nagawa akong offense kaya medyo kinabahan ako. Professor Galvez explained that I was chosen (and voted by the officers) to represent our course in the Miss Science Pageant. Nagulat ako kasi I never imagined that I would be joining any sort of beauty contest. Kasi naman I've always seen myself as ordinary. Ako 'yung typical Pinay na hindi gaanong maputi at mahaba ang itim na buhok. But apparently for them it was beauty pageant worthy. Plus I had the brains daw. Hindi ko pa pala nababanggit sa inyo that I've been consistently in the dean's list since Freshman year.
Kinausap nila akong maigi para makumbinsing sumali. It's really not my cup of tea pero kung talagang pursigido sila sa pagpapasali sa akin, naisip ko na baka nga they see something in me na papasa sa mga ganitong contests. Kaya kahit hesitant ako ay um-oo na ako. Atsaka I was promised that I will be exempted from Finals for this sem, regardless of the result. Aba hindi na masamang reward, di ba?
And that is the reason why I am here in a quiet corner in the library talking to RJ.
"So Cam, have you joined contests like this before?"
"Nope, this is my first time. And for the record, hindi ako ang nagvolunteer na maging representative. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang pumayag ako eh."
"Bakit naman?"
"For the simple reason na nahihiya ako. At isa pa, hindi naman ako beauty contest material eh."
"Off the record, I think you're very pretty."
What did he say? Sinabi n'ya talagang pretty ako? Totoo ba ito? Pwede bang pakisampal ako o kaya pakikurot para malaman kong totoo ito at hindi panaginip?
"At alam mo ba nung nakilala kita nung birthday ni Tita Faye, I knew instantly that you have a beautiful personality. Ang sarap mong kasama at may sense ka kausap. Kaya I'm pretty sure you're gonna be great in that contest."
Napangiti ako sa sinabi n'ya. Nakakatuwa namang marinig na ganito ang pagkakakilala n'ya sa akin - beautiful inside and out. At kung ganun, does that mean that I am girlfriend material for him? Ano nga kaya ang ideal girl n'ya?
Hay naku, bakit ko ba iniisip ang mga bagay na ito? Hindi pa naman ako pwede magboyfriend di ba? Isa pa ayaw ko pa rin naman dahil pakiramdam ko ay hindi pa naman ako emotionally ready. Wow ha! Ako na ang may long hair. Ako pa ang hindi ready. Eh paano kaya kung isang RJ Ocampo na ang lumapit sa akin, hindi pa rin kaya ako ready?
Ay putek, ang layo na ng naiisip ko! Gumawa pa talaga ako ng bagay na pag-iisipan ko eh mukha namang imposibleng mapansin n'ya talaga ako. Oo magkakilala na kami at nagkakausap but it doesn't mean na mauuwi na 'yun sa pagkakagusto n'ya sa akin. Malamang nga he's just being polite when he said that I'm pretty. Baka nga hindi lang ako ang sasabihan n'ya nu'n. Most likely pati 'yung ibang babaeng kakausapin n'ya ay ganun din ang sasabihin n'ya.
"Thank you ha," ang maikling sagot ko.
Tinuloy n'ya ang pagtatanong sa akin at isa-isa ko naman sinagot ang mga iyon. Very random ang questions like kung anong hobby ko, food I like to eat, at kung anu-ano pa. After like forty-five minutes ay natapos na rin kami sa interview n'ya.
Nakatayo na kami pareho at aalis na sana nang bigla s'yang nagsalita. "By the way, I found out pala that you are a consistent dean's lister. I want you to join the Honor's Society."
"Ha? Ako?"
"Oo, ikaw. Sino ba ang kausap ko?"
"Ah eh, pwede ba ako doon?"
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...