Status Update #18

105 11 6
                                    

Status:

He stood up upon seeing me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He stood up upon seeing me. "Camille... are you okay?"

"Oo naman," I said with a smile. "Sorry kung super late ako ha? May kainailangan lang akong ayusin eh. Medyo importante."

Ngumiti na rin siya. "Okay lang kahit paghintayin mo ako ng sampung oras basta alam kong okay kang dadating dito."

He's such a thoughtful person. Talagang wala akong dapat i-regret sa desisyon ko.

"I'm okay. I'm still in one piece."

He guided me to sit on the chair across him at dun na nagsimula ang date namin. Date. Date nga ba ito? Date na nga, di ba? Well, hindi naman niya actually sinabing date ito but who am I kidding, people are probably thinking the same thing.

One good thing about him is kahit na mukhang hindi siya seryoso sa buhay dahil panay na lang pagpapatawa ang ginagawa kapag kasama ako ay hindi niya nakakalimutang maging caring at thoughtful sa akin. Katulad ngayon, he's so attentive to me. Lahat ay ginagawa niya para sa akin. Masyado niya akong bine-baby na kulang na lang ay subuan niya ako.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na niya ako pauwi. He said he promised Tita Faye that we'll just eat and then he'd bring me home. Kaya ganun nga ang ginawa niya. Masyado yatang nagpapagood shot.

********

Lumipas ang mga araw na kami pa rin ni Logan ang magkasama. Dumating ang graduation nila. He invited me to go pero nahihiya ako sa family niya. I have no 'official' business of being there dahil wala naman talaga kaming relasyon. Pakiramdam ko kasi yung totoong girlfriend lang ang pwedeng sumama sa ganung okasyon.

At isa pa ayaw kong makita si RJ. Although noon naiimagine ko na kung anong scenario kapag tinawag siya on stage: Robert James Ocampo, Cum Laude (or even higher). Tapos he will look so handsome in his toga. Pagkatanggap niya ng diploma niya ay titingin siya sa audience para hanapin ako at ang parents niya. Kapag nakita na niya kami ay itataas niya ang diploma niya para ipakita sa amin then I would blow him a kiss and give him a thumbs up. I'd probably be really proud of him - so proud na magmimistulang ako ang grumaduate with honors.

But of course none of those would happen... ever. Medyo imposible na. Pareho na kaming moving on with our lives. He's probably busy with his move to Manila. At ako naman, I believe I'm moving on, too.

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong nagriring ang phone ko. When I checked it, si Logan ang tumatawag. Napailing ako dahil malapit na magsimula ang graduation rites nila pero heto siya at tumatawag sa akin.

"What's up?" ang sagot ko.

"Anong sinabi ng isang dried fish sa isa pang dried fish nung namimiss na nila ang isa't isa?"

"Ano?"

"I wish tu-you were here."

Okay, it's not his best joke but it's kinda sweet. Don't you think so? "Ha... ha... ha! Tu-you don't need me there. Nandyan naman ang family mo eh."

"Another important person here in my cheering section won't hurt."

"Okay na 'yan. You have enough cheerleaders. I'll be cheering you on from here. In spirit."

"Ha... ha... thanks."

"Oh and I think I haven't told you yet that I'm proud of you for graduating with honors."

"Thank you. Super inspired kasi ako eh that's why."

"Nah... matalino ka naman talaga eh."

"Can I come visit you later?"

"Later agad? Wala ba kayong family thing after your graduation?"

"We'll have dinner but it's probably not gonna take that long. It gets awkward with my mom and dad when they stay together in one room for a long time."

Oo nga pala, hindi nga pala in good terms ang parents niya. But still I don't think it's a good idea to take him away from his family during this important day.

"Pwede bang sa ibang araw na lang? I want you to spend time with your family."

"Haaaay. Sige na nga. Ikaw ang masusunod. Pero bukas pupuntahan kita ha. Please payagan mo na ako. Pleeeeeeaase..."

Napangiti ako at how baby he sounded. Sobra siya magpacute. Kung iisipin mo ay cute naman talaga siya and his ways of making pacute makes him more adorable. And yes, it kinda warms my heart.

********

Pinagpaalam niya ako kay Tita Faye sa paglabas namin ngayon. Wala naman talaga kaming solid plan to do anything. He just wanted to take me out for lunch bilang blowout daw niya. Siya na nga ang grumaduate pero ako pa ang binlow out. Ayos di ba? Nagpupumilit siyang pumunta kami sa isang medyo mahal na restaurant pero hindi ako pumayag. Sa dinami-dami ng beses na lumabas kami na siya ang gumastos at sa lahat ng mga bagay na naibigay niya sa akin, pakiramdam ko ay masyado na siyang maraming ginagastos nang dahil sa akin. I don't want to look like I'm taking advantage.

After scouting for places to eat, we settled on Mexican food, sa isang maliit na restaurant. It was okay. Food was good and the company I had was great. As usual he treated me like a princess at ang saya-saya na naman ng usapan namin. Pagkatapos namin doon I insisted on treating him for coffee and dessert. May nakita kaming coffee shop na hindi malayo sa kung saan kami kumain. From what I heard this restaurant had the best mango cheesecake. Pumasok kami doon at dumerecho sa counter where we ordered. Pagkatapos naming makuha ang mga orders namin ay naghanap na kami ng free table. I was looking around when I noticed Nicole sitting alone. Aayain ko sana si Logan na lumapit muna sa kanya pero natigilan ako nang nakita ko kung sino ang umupo bigla sa harap niya. Si RJ. Iiwas na sana ako pero it was too late kasi napansin na rin sila ni Logan.

"Si RJ and Nicole o. Let's say hi to them first," Logan said.

"'Wag na. Baka busy sila at makaistorbo pa tayo." Buti na lang at masunuring bata itong si Logan kaya hindi na kami pumunta doon.

"Are you okay? Parang namumutla ka," ang sabi ni Logan pag-upo namin.

"Okay lang ako. Medyo mainit kasi dito eh. Baka naiinitan lang ako."

"You wanna get out of here? I-take out na lang natin ito?"

"Nope, let's eat. I'm okay."

Okay ba talaga ako? Wala namang masakit sa akin kundi ang puso ko eh.

Bakit feeling ko ang damot ko dahil ito ako kasama si Logan, masaya, pero nakita ko lang si RJ na kasama si Nicole eh halos maghuramintado na ako? Oo, naiinis ako na magkasama sila. Bakit sabi niya may gusto siya sa akin pero 'eto siya ang bilis na makahanap ng iba? Kaya lang ganun din naman ako eh. Ako naman ang nagtaboy sa kanya kaya karapatan niyang magmove on. Ang unfair ko, alam ko. But.... uurrrggghhh!

But looking at him now, from afar, laughing with her, makes me think that this is what's supposed to be - me with Logan, him with Nicole. I guess we were never really meant to happen. There are just some things that we cannot have no matter how much we want it.

I look at Logan. Inaayos niya ang pagkain namin sa mesa. How can he be this way to me? He never stopped caring for me. Siya ang palaging nandito sa tabi ko. He gives me importance.

Magulo ang isip ko, oo. Pero hindi ako magpapaipokrita at sasabihin kong hindi ko namimiss si RJ. Because I really do. Tinalo ko pa ang bitter ex-girlfriend eh. Minsan  sumasagi pa rin sa isip ko yung possibilities about us. But the reality is here now, sinasampal na sa akin ng mundo. Blame it on bad timing or fate, but it's pretty clear now that RJ is just that person I will never ever be with.

And so now it's really time to shut it and move on...




StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon