Status: Each is entitled to his/her own feelings. Hindi siya pwedeng pigilan pero hindi rin pwedeng pilitin.
"Di ba 'pag sinabing move on na ay maglelet go ka na sa lahat at kakalimutan mo na ang nakaraan? Di ba ganun 'yon?"
"Hindi. Bakit ganun ba ang nangyari sa 'yo?"
"Apparently not."
"Kasi hindi naman talaga necessarily ganun 'yon. Sometimes you move on not to forget but to avoid being stuck. Pwede namang magmove on kasi alam mong walang patutunguhan pero hindi naman automatic na makakalimot. Hindi mo naman pwedeng sabihin d'yan sa puso na tumigil na rin magmahal. Mangyayari lang 'yun kapag nakahanap na siya ng ibang mamahalin. Moving on is a process. Hindi 'yan instant."
I understand everything she said completely. At sa totoo lang alam ko naman ang lahat ng 'yun eh. Ayaw lang talagang tanggapin ng sistema ko. Nagmumukha tuloy akong isang pasaway... isang shungang pasaway.
"So what do I do now?"
"Ano ba ang gusto mong mangyari?"
"I don't know."
"Ganito na lang sis. Give yourself a break and just go with the flow. Don't stress yourself too much. Tutal aalis naman na 'yang si RJ eh di out of sight, out of mind. 'Wag mo na siyang isipin kapag wala na siya sa harap mo. Don't reminisce about the things you used to do. Live in the moment. Kung anong ginagawa mo ngayon at sino ang kasama mo ay 'yun ang pagtuunan mo ng pansin. You might eventually find someone else to like."
"Siguro nga."
"Speaking of somebody else, kamusta naman ang status ni Logan sa 'yo?"
"Ayos lang."
"Ayos lang? Anong klaseng sagot 'yun?"
"I mean, okay siyang tao. Mabait siya and very thoughtful. Minsan kinikilig naman ako sa mga ginagawa niyang pagpapacute.'
"Pero?"
"Pero hindi siya si RJ eh."
"Okay, next rule... bawal magcompare. Ang mansanas ay mansanas at ang orange ay orange. Gusto mo ba talagang bigyan ng chance si Logan? Kasi kung hindi eh di sabihin mo na at layuan mo na rin. Be fair to him. Hindi naman pwedeng sinabi mong bibigyan mo siya ng chance tapos panay naman ang pagcompare mo sa kanya kay RJ."
"Alam ko naman 'yun eh. I'm really trying kaya lang minsan hindi ko mapigilan eh."
"Sige na nga, hahayaan na kita d'yan. Ipagdadasal na lang kita na makaget over ka na doon sa isa para tumigil na 'yang pagpapahirap mo sa sarili mo. Pero ito lang ang masasabi ko. Gusto ko si RJ nung pinagnanasahan mo pa lang siya pero ngayon ewan ko na. Sa palagay ko hindi ko na siya ieendorse sa 'yo. Naiinis ako na nagkakaganyan ka eh."
"Endorse talaga?"
"Oo, endorse talaga. At isa pa nagkakaganyan ka eh bawal ka pa naman magkaboyfriend. May basbas na ba ng kapamilya network ang paglandi mo?"
He... he... Oo nga naman. Ang galing kong mag-emote pero hindi pa naman ako pwedeng magboyfriend.
********
"I won't do that!" ang mariing sabi ni Logan.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa isang mall, having one of our usual dates. Oo date na talaga ito. Matagal ko nang tanggap 'yun. Sa tatlong buwan na lumipas na madalas kaming magkasama ay madalas din kaming lumalabas ng kagaya nito. You might ask kung anong status namin. Well, nasa courtship stage pa rin kami. But in the past months I have gotten closer to him. We've formed a friendship. Bakit naman hindi? He's so nice and thoughtful. Hindi pa rin siya nagbabago sa mga efforts na ginagawa niya. Kahit nagstart na siya sa med school at ako ay naiwan sa college namin ay hindi s'ya nawawalan ng panahon para sa akin. At kung may pagkakataon na hindi niya ako mabibisita ay he never forgets to text or call me. He's actually that perfect boyfriend in that perfect relationship. And any girl would fall for someone like him.
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...