Status: Sabi nga nila, happiness is a choice.Logan: I have a thesis meeting with my classmates after class. I don't think I will be able to swing by your classroom. Ingat ka pauwi. Please text me when you get home. I'll call you tonight.
Hindi ko boyfriend si Logan pero kung makapagtext siya ay parang kami. I appreciate the concern and thoughtfulness pero minsan ay hindi ko kinakaya. I end up reminding him that we are just friends. At ang palaging sagot naman niya ay concerned lang siya sa akin and my safety bilang isang malapit na kaibigan. So there. At least malinaw na alam niya kung saan siya lulugar.
Tumayo na ako from my seat at nagsimulang ligpitin ang gamit ko nang bigla akong sikuhin ni Francine.
"Aray naman!" ang naiiritang sabi ko.
"Sis, may naghihintay 'ata sa labas."
Huh? Di ba nagtext si Logan na hindi nga siya makakapunta dito? Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy ng kaibigan ko at nakita si RJ. He was leaning on the wall while reading something from his book. What a pleasant surprise! I immediately stuffed all my things inside my bag. Nagmamadali akong naglakad palabas but when I got to the door ay nagbagal na ako. Kunwari ay wala lang sa akin ang presence niya doon. Bigla siyang nagtaas ng tingin kaya nagtama ang mga mata namin. He smiled and mouthed a hi.
Nagpaalam muna kami ni Francine sa isa't isa bago ko siya nilapitan.
"Hi! Anong ginagawa niya dyan?" I said with my toothpaste commercial smile.
"I'm waiting for Nicole," he replied then pointed to the door next to our classroom's door.
And just like that my bubble was bursted. At hindi lang 'yun, pakiramdam ko ay tinapaktapakan pa 'yun at sinipa palayo. Ang tigas naman kasi ng ulo ko di ba? Sabi ko nagmove on na ako. Sabi ko tanggap ko na that he doesn't see me that way. But everytime I see him, everytime he's here, my hopes go flying higher than the skies. Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang gamot sa matitigas ang ulo pagdating sa pag-ibig?
"Ah ganon ba?"
"Camille!" biglang may tumawag sa akin. I turned my head to find Junie, one of Logan's friends.
"O bakit?" sabi ko. He handed me a tall plastic cup. "Ano 'to?"
"Iced tea yata. Pinapabigay ni Logan. Sige alis na ako. Uy RJ, nandyan ka pala." Nagtanguhan sila sa isa't isa bago umalis si Junie. Nakapagthank you naman ako bago siya umalis.
I looked at the cup I'm holding and then smiled. Naalala pa pala niya. Kanina kasing umaga ay nabanggit kong parang gusto kong uminom ng iced tea na maraming yelo.
"So... si Logan pala," ang sabi ni RJ.
"Hmmm?"
"Kayo na ba ni Logan?"
"Hindi. Friends lang kami."
"You seem to be together all the time."
"Hindi naman all the time."
"And does he send you gifts all the time, too?"
"No. This is actually the first time." Totoo naman. Unang beses pa lang naman siyang nagpadala ng kahit ano. Pero kapag pumupunta siya sa bahay namin ay palagi naman siyang may dalang food. Feeling ko nga tumataba na ako eh.
"Anyway, it was nice seeing you again. Palabas na si Nicole. I'll just see you around."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa kung saan sila nagharap ni Nicole. She saw me. She waved and smiled at me. He looked at me as well. Pero iba ang nakita ko sa mga mata niya. Sa maikling panahon na naging magkaibigan kami ay madalang ko siyang nakitang galit o may sama ng loob. But this seem to be one of those rare moments.
Bakit siya magagalit? Ako na itong umasa sa kanya tapos may Nicole pala siya tapos siya pa ang galit? Hmmmp!
********
"Baka naman may kailangan lang siya kay Nicole," Francine reasoned. "Hindi naman dahil pinuntahan sa classroom eh nililigawan na."
"Palagi naman silang nagkikita sa HS ah, bakit kailangan puntahan pa sa classroom? Hindi ba pwedeng makapaghintay na magkita sila doon?"
"Eh bakit kayo ni RJ?"
"Anong kami?"
"Di ba lumalabas din kayo dati? Nagkikita rin naman kayo sa HS pero nagkikita pa rin kayo outside that group. O bakit 'yun, niligawan ka ba niya? Hindi rin naman, di ba?"
"Ouch naman! Hinay-hinay lang. Masakit na nga ang puso ko eh tapos wawasakin mo pa lalo."
"Ay sorry naman! Pero you get what I mean naman, di ba?"
"Oo na! Naiintindihan ko naman eh. Nakakainis lang. Ewan ko ba!"
"Hay naku. Hindi mo ba naiisip that you are back to square one. Ganito ka lang din naman nung hindi pa kayo magkakilala. May girlfriend siya at naiinggit ka sa girlfriend niya. It's the same situation. He's spending time with another girl at naiinis ka."
I guess she's right. I should be used to this feeling. Wala palang pinagkaiba kung magkaibigan kami o hindi - maiinggit pa rin ako sa kung sino man ang babaeng magugustuhan niya. Siguro mas may kaunting kirot lang ngayon dahil nagkaroon ako ng pag-asa. False hopes lang naman pala.
"Ano bang gagawin ko?" I whined.
"Gawin mo kung anong magpapasaya sa 'yo," she replied knowingly.
"Eh paano kung si RJ ang magpapasaya sa akin?"
"Kung pagiging shunga ang makakapagpasaya sa 'yo eh di go. Sige susuportahan kita...susuportahan kita na may kasamang batok."
"France naman eh!"
"Ha... ha... ha! Joke lang. Pero sis mag-isip ka naman. You got your chance with RJ already pero wala talaga eh. Siguro hindi talaga pwede. Maganda ka, matalino at popular. There are other fish in the sea and I'm sure may mabibingwit ka."
"Ang hirap pala nito. Hindi ko naman siya boyfriend pero kung umasta ako parang nagbreak kami... hindi ako makamove on."
"Ngayon pa lang na hindi kayo he broke your heart already. Paano kung naging kayo nga, eh di mas lalong masakit."
Natahimik ako. Lahat nang sinasabi ni France ay sapul ako. And yet there is a part of me that still hasn't learned a lesson. Parang gusto pa ring ipilit ang sarili ko kay RJ.
"O siya, I need to put down the phone now. I'll see you tomorrow," ang sabi ni Francine.
"Sige sis. See you. Bye. Thanks."
Pagkababa ko ng phone ay nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Pero hindi nagtagal ay tumunog ang phone ko. I looked at the screen and saw Logan's name. I pressed the green button to answer the call.
"Hello."
"Use deposit in a sentence?" ang masayang sabi niya.
"Use it."
"Tumawag ka ng tubero, deposit is leaking."
Hindi ko napigilan ang lakas ng tawa ko. Grabe, bentang-benta sa akin ang joke niya. Ewan ko ba kung bakit palagi na lang akong natatawa sa kanya.
"Thank you, thank you! I'm glad napatawa kita," he said.
"Palagi naman eh," I replied.
That's right... he makes me laugh all the time.
BINABASA MO ANG
Status
General FictionStatus. It could mean different things. It could be the position of a person in relation to other people. Kung ano ka sa buhay ng isang tao - magkaibigan ba kayo, bestfriends, more than friends or it's complicated. It could refer to a person's statu...