Status Update #7

163 16 6
                                    

Status Update: Time... all we need is time.

"Siiiiis!!!!" Napatingin agad ako kay Francine, alam kong siya 'yun. "Alam ko na! Alam ko na!"

"Ang alin?"

"Sabi ko sa 'yo familiar 'yung name na Logan Vasquez di ba? Alam ko na kung bakit?"

Oh that. Simula nung nagtext sa akin si RJ kagabi ay parang naguluhan ako. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o bibigyan siya ng benefit of the doubt. Matagal ko ring pinag-isipan 'yun kagabi. And I've decided to give him a chance to come clean to me. Hahayaan ko siyang umamin sa akin at mag-explain. He deserves it naman dahil naging maganda ang pakikitungo niya sa akin. Don't get me wrong, hindi ako nadadaan sa palibre-libre lang. What I'm saying is he was nothing but good to me yesterday. Naging magalang din siya kay Tita Faye kaya nararamdaman kong mabuting tao naman siya. He must have a reason for doing what he did. But it better be good or else wala na siyang mapapala sa akin.

"So what did you find out?" I asked trying to non-chalant.

"Alam ko I've heard of him somewhere so I asked a friend from Bio kung kilala niya si Logan. Medyo sikat siya sa course nila ha!"

"Sikat? How?"

"Well, 'yan actually ang pinagtatakhan ko kasi nagpapatutor siya sa 'yo pero ang sabi sa akin ay medyo matalino daw 'yan. Pumapasok din naman daw sa Dean's List pero hindi nga lang consistent like... hmmm... lemme see... aaaah.... katulad ni RJ. Si RJ kasi siguradong gagraduate na Laude kasi consistent na Dean's Lister. Tapos nung nalaman ko 'yun ay naalala ko nga na nakita ko 'yung pangalan niya sa Dean's List nung minsan na nagcheck tayo."

"So confirmed nga."

"Bakit, alam mo rin ba 'yun?"

"Nakita kasi kami ni RJ sa HQ kahapon. He texted me asking kung tutee ko nga si Logan. Tapos sabi niya matalino nga daw si Logan so hindi na dapat ako mahirapan sa pagtuturo sa kanya."

"Ayun na nga eh. Kung talagang matalino siya like what they're saying, bakit kailangan magpatutor?"

That's the million dollar question that I want answered right now.

"Oh well, baka naman gusto lang talaga may kasamang magrereview sa kanya."

Come to think of it, ito rin naman ang sinabi ni Nicole sa akin noong umpisa pa lang. Sabi niya hindi naman ito yung normal tutorial session, ang gusto lang niya ay may magrereview sa kanya. Pero bakit nung nagrereview kami ay halos parang wala siyang alam? Tama nga talaga ang desisyon kong bigyan siya ng chance magpaliwanag. Hindi tamang pagdudahan ko na siya agad, I'll let him explain. Pagkatapos ng lahat ng ibinintang ko sa kanya kahapon, parang maling-mali naman na pag-isipan ko na naman siya ng masama.

********

"Mille, may naghahanap sa 'yo sa labas ng room," ang sabi sa akin ng isang kaklase ko.

Sabay kaming napatingin ni France sa pinto pero hindi namin makita kung sino iyon.

"Baka it's just one of your nerdy friends," France said. Hanggang ngayon ay ganun pa rin ang tawag niya sa mga kasamahan ko sa Honors' Society. I shrugged then stood up to see who's at the door.

Pagkalabas ko ay iginala ko ang mga mata ko. Who could it be? Nagulat ako nang biglang nag-appear sa harap ko si RJ. OMG binibisita niya ako! I was about to say something to him pero tumango lang siya sa akin sabay nagtuloy sa paglalakad. Nyek, dumadaan lang pala! Pero bakit hindi na niya ako kinakausap ngayon? Kapag binabati niya ako ganun lang, isang tango. Dati tinatawag niya pa ako para kausapin. Sabi niya 'wag akong maging suplada pero siya naman itong suplado.

StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon