Status Update #8

144 16 7
                                    


Status Update: When songs you hear are your life's soundtrack.... 🎼🎶 I'm ready for this, there's no denying🎵🎶

"Tita, pwede po ba akong lumabas mamayang after classes? Nag-aaya po kasi si RJ na lumabas."

"Si RJ? Bakit?"

"Wala lang po. Lately po kasi hindi na kami masyadong nakakapagkwentuhan. Naging busy po kasi siya kami pareho dahil sa Finals."

"Paano ka naman naging busy eh exempted ka nga?"

"Di ba po may binigay na tutee sa akin? Doon po ako naging busy. Parang nagrereview na rin po ako para sa sarili kong exams."

"Ah ganun ba? Saan n'yo naman balak pumunta?"

"Uhm, hindi ko pa po alam sa kanya pero most likely we'll just have dinner."

"O sige. Basta 'wag masyadong magpapagabi ha."

"Opo. And knowing him ay ihahatid naman niya siguro ako pauwi."

Napag-usapan namin ni RJ na after ng Finals ay maghahang out kami. Hindi ako sigurado kung kaming dalawa lang ba o mag-aaya pa siya ng ibang taga-Honors Society. When I told France about it ay nagtititili siya. Of course wala namang malisya ito para kay RJ but since alam naman nating lahat kung gaano kalaki ang crush ko sa kanya, my BFF considers this as a date - our first date. Although masarap mang isipin 'yun, ayaw kong paniwalain ang sarili kong ganun nga dahil ako rin naman ang mag-eexpect at madidisappoint in the end.

Ayaw kong magmukhang atat na makita si RJ kaya tumambay muna ako sandali sa lib mag-isa bago pumunta sa HQ. Pero bago pa ako makarating doon ay nakasalubong ko si Logan.

"Camille! I've been looking everywhere for you."

You might be asking kung bakit hindi na lang niya ako tinext or tinawagan. Well, the answer is simple. He doesn't have my number. Hindi ko binibigay at hindi pa rin naman niya hinihingi.

"Why are you looking for me?"

"Finals are over. We should celebrate!"

"Celerate? Bakit?"

"You've been a great tutor so I owe you. Pwede ka bang magdinner with me later?"

"Later? I'm sorry pero I already have plans."

"Ganun ba?" ang malungkot niyang sabi.

At 'eto naman ako na-guilty. I know I shouldn't but his sad face got an effect on me. Ganyan ako eh, madaling maawa and easily affected by other's sadness.

"Maybe next time then?"

"Sure. Next time."

"Saan ka pupunta ngayon?"

"Sa Honors Society HQ."

"Hatid na lang kita doon."

"H'wag na. Hindi naman kailangan."

"Please? Kahit man lang 'yun pagbigyan mo na ako."

Tinignan ko muna siya before giving a nod. Bakit ba hindi ko matanggihan ang taong ito? Kung sa bagay he is nothing but nice to me kaya wala namang rason para iwasan ko siya.

He walked me to the HQ just as he said he would. At habang naglalakad ay pinag-uusapan namin ang mga tests niya. Sabi niya ay nakatulong ng malaki ang pagrereview ko sa kanya. Medyo nagyabang pa nga siya na he wouldn't be surprised daw if he gets in the Dean's List this sem.

And speaking of Dean's List ay hindi pa rin siya umaamin sa akin. Kahit kasi magkasama kami ay panay pagrereview lang ang inatupag namin. Sige I'll give him time para magsabi ng totoo. Anyway hindi ko rin naman siya masyadong napagtutuunan ng pansin kasi masyado pa akong masaya para paglaanan siya ng panahon - masaya kasi I will get to spend time with RJ.

StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon