Status Update #4

208 15 17
                                    

Status Update: Always be positive, that's what they say. I say, be realistic.

"Camiiiiiiiiiille!!!" 

Nagulat ako sa isang malakas na tili na 'yon. Hinanap ko agad kung saan nanggaling ang boses na 'yun at nakita si Francine, ang bestfriend ko sa block namin. Bigla s'yang nagtatakbo papunta kung nasaan ako. 

"Grabe ka naman makatili. Nakakahiya ka!" ang sermon ko sa kanya when she finally caught up with me. "Halika na nga at baka mapagalitan pa tayo dito dahil d'yan sa kaingayan mo."

Hinatak ko agad siya papunta sa classroom namin. Habang naglalakad sa hallway napapansin kong may mga ibang taong ngumingiti sa akin. These are people I don't really know. Sila 'yung mga taong nakikita mo na dati pero dinadaan-daanan ka lang. 

"Hi Camille," ang bati pa nung isang hindi ko rin kilala. 

"Hello," ang sagot ko naman.

Patuloy ang paglalakad, panay din ang bati ng ibang tao sa akin hanggang makarating kami sa room.

"Grabe sikat ka na ngayon. Sana hindi mo makalimutan ang bestfriend mo on your way to stardom ha."

"Sira! Anong stardom and pinagsasabi mo d'yan?"

"Hindi mo ba napansin na ang daming bumati sa 'yo kanina? That never happened before. Tatlong taon na tayong naglalakad sa mga halls na ito and I swear ngayon lang ito nangyari. Pero alam mo sister, hindi ko pa nasasabi ito sa 'yo. Ang galing-galing mo dun sa pageant. I am so proud of you."

"Thanks France!"

"Pero siguro kung mas maganda yung ginawa mo sa talent portion nanalo ka," biglang sabat ng isang babae. Napatingin kami pareho ni Francine sa nagsalita. Sa may bandang likod, at naglalakad papunta sa amin, ay si Honey at ang kanyang alipores.

Si Honey ang maituturing na Queen Bee ng class namin - maganda, maputi, mayaman, fashionista, maarte, laitera, feeling diyosa sa ganda. Hep, hep, hep! Sorry sa temporary emotional lapse. Hindi lang talaga kami in good terms kasi she's a bully. She's been bullying some of our blockmates at nagpapatakot naman sila. Kaming dalawa lang ni Francine ang targets n'ya na hindi affected sa pambubully n'ya.

"What do you know?" ang banat agad ng kaibigan ko.

"Hello? Don't you remember I was the representative of Pysch last year?" she said with matching crossing of her arms on her chest.

"Hello din! Don't you remember you didn't win at all?" mabilis na sagot ni Francine.

Kaya inis na inis sa amin itong si Honey kasi we talk to her the way she talks to us.

"Swerte lang 'yan si Camille dahil 'yung mga kalaban n'ya ay losers ding katulad n'ya."

Unlike Francine hindi ko masyadong pinapatulan si Honey. Kapag mga ganitong instances lang na below the belt na ang mga sinasabi n'ya ay doon ko lang s'ya nilalabanan.

"O eh sinong mas loser sa ating dalawa ngayon? Ako first runner-up. Ikaw? Ni wala ka ngang special award eh. Kelan pa naging loser ang placer? Isipin mo nga."

Naningkit ang mga mata n'ya sa galit. Nang wala na siguro s'yang maisagot, she stormed off.

France and I gave each other high fives sabay tawa. I am generally a good person pero ang pagiging mabait at pasensyosa ko ay may hangganan din. Hindi kinakaya ng Values Education class at samahan pa ng napakataas kong EQ ang pang-aalipusta ni Honey. Hindi pa ako ganun ka-martyr para kayanin 'yun.

"Camille!" ang tili ng isang kaklase namin mula sa pinto.

Ano na naman ba? Wala na ba silang gagawin ngayong araw na ito kundi tawagin ako ng patili?

"Camille may naghahanap sa 'yo, may dalang flowers!"

Nagkatinginan kami ni France bago n'ya ako itinulak papunta sa pinto. "Puntahan mo na."

I hesitantly stood up and walked to the door. Agad tumabi 'yung classmate namin para makadaan ako. Nakita ko agad ang isang bouquet ng white roses.

"Camille Santos, right?" ang tanong nung lalaking may hawak ng bulaklak. Tumango ako sa kanya kaya iniabot n'ya sa akin ang mga iyon. "May nagpapabigay sa 'yo. Sige alis na ako."

I stared at the flowers in my arm. Ang gaganda ng mga ito. Pero sino kaya ang nagpadala? Bumalik ako sa upuan ko at inilapag ang bouquet sa desk ko. Agad kong hinanap ang card. I immediately opened it upon seeing it. Si France ay dumungaw sa gilid ko para makibasa rin sa nakasulat sa card.

Wala itong kahit anong pangalan. Ni pangalan ko ay hindi nakasulat doon. It simply said: Because sparks fly whenever you smile.

"Sheeet sis! Napanood ka ng taong ito sa pageant." I had the same conclusion because the message written on the card is part of the lyrics of the song I sang in the pageant. "Pero kung ganun it could be anybody. Wow! Iba na ang level mo ngayon, Mille."

"Sira! Tigilan mo nga ako."

Nag-iisip pa rin ako ng kung sino ang pwedeng magpadala sa akin ng roses na ito nang biglang nagring ang phone ko. I took my phone out and saw just a phone number on my screen. Siya na kaya ito? At paano naman kaya n'ya nalaman ang number ko?

"Hindi mo ba sasagutin 'yang caller mo? Baka si secret admirer yan," Francine said.

I took a deep breath to calm myself before swiping my phone to answer the call. "Hello?"

"Hi Cam!"

Oh - em - geeee! Could it be?! Si RJ nga kaya ang sender ng flowers ko? Lord please let it be him. Please let it be him.

"O RJ. Napatawag  ka?"

Nanlaki ang mga mata ni France nang marinig n'ya ang pangalan. She knows very well how huge my crush is on RJ. S'ya actually ang kasama mong magstalk sa kanya. Ha... ha... ha!

"Up to what time is your last class?"

"My last class? Ha... ah... hanggang 3 lang kami today. Why?"

Lord, don't tell me he's going to ask me out?

"May gagawin ka ba after class?"

Hooooomaaaaygaaaaash! Hindi ako makahinga! Is he asking me out? Is he really?

"Wala naman. Bakit?"

"Di ba sabi ko sa 'yo isasama kita sa HS Headquarters?"

And just like that my spirit came spiraling down to the ground. Alam n'yo feeling ng bigo? 'Yun ang pakiramdam ko ngayon.

"Ah oo nga pala. Si - sige."

"Saan ang room ng last class mo? Susunduin na lang kita."

Well at least may consolation naman ako. "Sa 403 pero hindi mo naman ako kailangan sunduin. Just let me know kung saan ako pupunta, magmeet na lang tayo doon."

Francine is smiling from ear to ear now. Alam kong kinikilig s'ya para sa akin. She's probably thinking that I'm going out with him. Kung alam lang n'ya. She'll probably be disappointed as well.

"No, I insist. I'll come get you. Oh wait, I have to go, our prof is here now. Basta susunduin kita mamaya ha. See you."

"See you," ang sagot ko naman. Then I heard the line went dead.

"Sis, ano daw? Did he ask you out? Ano? Magkwento ka," she excitedly said.

I half smiled then answered, "Hindi. Pinapasali n'ya ako sa Honors' Society. Isasama n'ya daw ako sa headquarters nila mamaya."

"Ay. Ang boring naman." Medyo sumimangot s'ya pero nagliwanag din agad ang mukha n'ya nang may bigla s'yang naisip. "Alam ko na. Maybe that geek thing is his way of getting you to come with him tapos after n'yan eh aayain ka na n'ya magmirienda or magdinner."

"I don't think so."

"Sis, anything is possible. 'Wag ngang nega."

Mahal na mahal ko itong bestfriend kong ito and what she thinks and says matter to me. Sa aming dalawa s'ya talaga ang positive thinker. Pero sa pagkakataong ito ayaw kong patulan ang pagiging positive n'ya kasi alam kong aasa lang ako sa wala.

Mabuti nang ngayon pa lang alam ko na kung saan ko ilulugar ang sarili ko.








StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon