Bakasyon na hindi pa kami nagpla'plano kung saan kami pupunta, wala din yata sa mood ang mga tao dito sa bahay kaya napagdesisyunan namin ni jiro na kami nalang dalawa ang aalis, May problema kasi si coleen, heartbroken e.
Nasa may terrace lang ako at hinahawakan ko ang railings, Gusto kong i'feel ang hangin hindi pa rin ako makapaniwala na kami na, hindi ko akalain na mahuhulog ako sakanya, baby, mahal na mahal na kita.
Naramdaman kong may yumakap sakin sa may likod ko, haharapan sana ako pero pinatong niya ang baba niya sa balikat ko habang nakayakap sakin kaya pinabayaan ko nalang siya.
"Baby, ang ganda talaga dito no?" Tanong niya, tumango nalang ako as my answer to him, Mga limang minuto yata siyang nakaback hug sakin.
Napagdesisyunan namin na bumaba at pumunta sa may tubig, nasa scog kami ulit pero kami lang dalawa ni jiro, gusto ko kasing balikan ang alaala namin dalawa dito kung paano kami nagkakilala.
Binabad namin ang mga paa namin sa tubig na hanggang tuhod lang, nakaakbay lang siya sakin habang nakatingin sa may dagat.
"Sakay tayong bangka?" He asked me, I nodded my head to him. "Hm, okay." Hinawakan niya kamay ko at naglakad na kami papunta sa mga bangka. Pwede naman daw na kami nalang dalawa na magsagwan pero natatakot ako kaya kahit anong pilit sakin ni jiro hindi ako pumayag hanggang natalo din siya.
Sumakay ako at sa likod kami pwumesto kailangan palang ibalance kaya naman nasa may lapag kami, ayaw niya kasing mag isa lang ako sa may upuan na kahoy, Kaya ngayon nakahawak siya sa kamay ko at nagsimula ng umandar ang bangka.
"Baby, ang ganda!" Sigaw ko sakanya, nang makita ko ang kabilang isla na puno ng halaman na malalaki parang gubat pero puro green ang nasa paligid.
"Kabilang isla na 'yan baby, medyo delikado." Aniya, tumingin lang ako sakanya at tumango. Ngumiti siya sakin at niyakap ako, gumalaw ang bangka kaya nagkahiwalay kami nasigawan tuloy kami ng manong.
"Wag ka kasing malikot, baby!" Ani jiro at pareho kaming tumawa, Nakayakap lang siya sakin at nakatingin kami sa kalawakan ng tubig dito sa scog, ang ganda, parang nasa heaven ka sa hangin na humahampas sa balat mo na sobrang lamig.
Natapos ang ilan minuto ay bumalik na kami sa pangpang, unang bumaba si jiro at hinalalayan akong bumaba, kababa ko ay inakbayan niya ako agad.
"Let's eat." He said, tumingin ako sa relo ko sa may pulso at nakita kong mag aalas sais na ng gabi, tumango ako at sumabay mag lakad sakanya, hanggang sa makarating na kami sa isang resto dito, umupo kami at nag order si jiro.
Habang hinihintay namin 'yung in order namin ay hinawakan ni jiro 'yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya at sa kamay namin, ngumiti siya kaya ngumiti din ako.
"Mahal na mahal kita." He said. "Mas mahal kita." Sagot ko sakanya, nakahawak pa rin kamay niya sa kamay ko.
"Hindi mo alam gaano moko napasaya nung sinagot moko, baby." Namumula siguro mukha ko dito. "Akala ko wala akong pag asa sayo." Dagdag niya.
"Tiwala lang, tatagal tayo." Huling word na sinabi niya at dumating order namin.
Kumain lang kami ng kumain hanggang sa matapos na, nagpahinga lang kami ng ilan minuto at tumayo na, inalalayan nya ako sa pagtayo. Umalis na kami ng magkahawak kamay.
"Balik na tayong kwarto." Tumango lang ako sakanya nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin, nasa hallway na kami ng mga kwarto huminto kami sa tapat ng kwarto ko.
"I love you." He said at hinalikan niya ako sa labi and nagrespond ako. "Goodnight baby." At pumasok na siya sa kwarto niya.
Kapasok ko sa loob ng kwarto ay nahiga agad ako dahil inaantok nako pero bago ako matulog chi'neck ko muna facebook ko.
Nagscroll down ako hanggang pumukaw sakin ang isang nakatag kay jiro na picture nilang dalawa. Kumunot ang noo lalo na nung nabasa ko 'yung caption.
I'll be back for you.'
Nanggilid agad ang luha ko sa nabasa ko, totoo ba 'to? Hindi ba ako niloloko ni jiro? Totoo bang mahal nya ako? Pero ano 'tong nababasa ko ngayon? 'I'll be back for you?' Argh!
Sa sobrang inis ko pinatay ko ang cellphone ko at natulog na pero di ako makatulog kaya sinindi ko ulit cellphone ko at in'stalk 'yung babae.
Precily Genral
Nagscroll down ako sa timeline kahit inis na inis na ako sa nabasa ko, pero nagulat ako ng hindi na naka'tag si jiro doon sa picture kanina at nabasa ko comment don.
Angelique Orzal: Desperada tsk.
Mas nalito ako sa comment nung angelique, desperada? Sumasakit ang ulo ko ah! Pero pinilit ko pa rin magscroll hanggang sa may mga nabasa akong status.
Precily Genral
Mahal ka lang niya dahil akala niya ikaw ako. Bitch, mine is mine!
Kumulo ang dugo ko sa nabasa ko, mine is mine!? Sira ulo to ah! Nakakairira na talaga. Inalis ko na sa timeline nya at nakita kong may message na galing kay jiro.
Jiro Vann Santos:
Baby sleep now.
Hindi ko na siya nireplayan sa sobrang inis ko ay sineen ko na lang siya. Bahala siya dyan.
***
Oo, masama ang gising ko, nabwi'bwisit pa rin ako sa mga nabasa ko. Bat kasi nag stalk pa ako!?
Pumunta akong banyo para mag ayos ng sarili at lumabas na ako saktong may kumatok sa room ko. Kaya pumunta ako sa may pinto at binuksan at nakita ko si jiro na nakangiti sakin.
"Goodmorning baby!" Bati niya. "Morning." Sagot ko at tumalikod na.
Pumunta ako sa may salamin para magsuklay, nakita kong nakasunod lang sya sakin, nakakunot ang noo niya pero dko pa rin siya pinapansin nagpatuloy lang ako sa pagsusuklay ng buhok ko.
Lumapit siya sakin kaya napalunok ako.
"Baby? Anong problema?" Yung boses niya sobrang lambing, ito na nga ba sinasabi ko e. Dko siya natitiis.
"Baby. Sabihin mo please. Di ako sanay ganito tayo." He said. Nakita kong nanghihina 'yung boses niya.
"Sige mambabae na lang ako." Sabi nya at tatayo na sana pero bigla akong humarap sakanya.
"Sige doon kana sa precily mo! Magsama kayo! Mga bwisit!" Sagot ko, nakita kong ngumiti siya ng sobrang lawak.
"Anong nginingiti ngiti mo?" Tanong ko sakanya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"So, you're jealous." Bulong niya sa tenga ko. Tinulak ko sya ng mahina.
"Hindi no! Bat ako magseselos? Ako 'yung girlfriend mo, ako--- ano bang nakakatuwa!" Sigaw ko.
"Yung nga e, ikaw 'yung girlfriend ko kaya dapat hindi ka nagseselos kung kani'kanino dahil ikaw lang ang mahal ko." Na'speechless ako sa sinabi niya akala ko tapos nya pero umabante siya papunta sakin.
"At ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay." At this time kiniss niya ako sa lips.
"Kasi mahal na mahal kita." At niyakap niya ako.

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romance#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]