Chapter 20

28 3 0
                                    

Hannah’s POV





***

“Ayos ka lang?” Nag aalalang tanong ni coleen sakin.


Tumango ako ng marahan, kasalukuyan namin kumakain ng dinner ng sabay sabay ng makaramdam ako ng kakaiba, bigla akong kinabahan parang may mangyayari. Lumakas ang tibok ng puso ko, parang.... ewan ko. Magulo ang isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinabahan bigla.

 

“Yung totoo pinsan?” Nag aalala rin si Xyrile.


Uminom ako ng tubig, “Yes pinsan, I’m okay.... stress at pagod lang siguro kaya nahilo ako.” Pagsisinungaling ko.


“You sure?” Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Tinignan ko sila isa isa at kumakain lang sila.





Nagsimula na naman akong kabahan kanina lang ay biglang nawala ngayon ay mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko ito pinahalata at uminom na lang ako ng tubig at kumain.




“Wala pala kami bukas... Itre train lang..” Pagbasag ng katahimikan ni Tyler.




“Buti pa kayo...” Ani Hillary. Hindi ako makakibo kaya naman tumayo na ako.




“Busog nako. Goodnight ate and pinsan.” Sabi ko. Tumango sila at binati din ako hanggang sa nakaakyat na ako.




Mabilis akong nagpalit ng damit ng ayos at pabagsak na humiga sa kama, tumingala ako sa kisame na.


 


“Bakit ganito ang nararamdaman ko?” Tanong ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at pumikit.




“Pagod lang naman siguro ‘to diba?” Umayos na ako ng pagkakahiga at kinuha ko ang cellphone ko.




Nagbukas ako ng facebook at pumukaw ng atensyon ko ang post ni Precily. Hindi ko yun pinansin at a’unfriend at block ko na sana pero nakita kong nakatag na naman doon si Jiro.





Precily Genral:



Sabi ko na nga ba at babalik ka sakin. I love you too. — Jiro Santos



 

Ano na naman bang kagaguhan to? Plinano nya na naman to? Sa tingin niya maniniwala ako? May tiwala ako kay Jiro at alam kong hindi niya sisirain yon, hinding hindi niya sisirain ang tiwala ko. Mahal niya ako. Mahal niya ako diba? Sinabi ko na sa sarili ko na wag na akong maghinala sa pagmamahal niya. Sakanya. Kaya hinding hindi ako madadala dito sa isang post lang nito. Desperada na ba talaga siya? Bakit hindi niya na lang kami pabayaan ni Jiro? Bakit di nalang siya maghanap ng iba? Sisirain niya pa ang relasyon namin?





Napatigil ako sa pag iisip ng mag vibrate ang phone ko. At nakita kong si samantha ang nagtext kaya mabilis ko ‘tong binuksan.





“Girl, Don’t open your facebook. Kung bubuksan mo man, wag kang maniniwala. Okay?”





Ibig sabihin nakita na nila ito? Ibig sabihin kalat na naman to? Ano ba talagang gusto nitong precily na to?!





Nireplayan ko siya, “I know right, sam.” Reply ko at sabi niya, magaling daw. Magtiwala lang ako.





Hindi ako mapakali kaya nagbukas ako ulit ng facebook at binasa ko ang mga comments na sobrang dami.




“Desperada ka te?”



“Mang aagaw ka!”

 

Love At First Sight(Villamars Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon