LAFS: Slow Motion
Uuwi kami ngayon sa manila para puntahan ang maganda namin pinsan na si coleen.
Nag iimpake kami ng mga damit namin ay nag vibrate agad ang phone ko, hindi ko alam kung sino pero si coleen lang naman ang tinext ko.
Mamaya ko nalang babasahin katapos kong mag impake, Medyo malayo ang tarlac sa manila siguro ay four-five hours ang biyahe pag hindi traffic.
"Cellphone mo, nagvibrate." Sabi sakin ng kapatid ko at bumaling ulit ng tingin sa cellphone ko.
"Hayaan mo lang dyan, ang alam ko si coleen lang 'yon kasi tinext ko siya kanina." Ngumunot ang noo niya.
"Hindi ko sinabi, nangungumusta lang ako." Agad siyang nakahinga ng maluwag.
May plano kasi kami na supresahin ang pinsan namin mamaya,exciting 'yon!
Nakita kong pababa na si aze sa may hagdan nang nasa sala na kami, kita kong nagkamot siya ng ulo.
"Problema brad?" Ani ng kapatid niya na si xyrile. Umupo siya sa tabi ni xyrile at huminga ng malalim si aze.
"Natext ko kasi si coleen, abi ko 'see you'." Sabay siyang binatukan ng dalawa niyang kapatid sa kanyang tabi.
"What the fuck?" Ani tyler at sinamaan ng tingin si aze.
"Nagreply naman ako sabi ko na wrong send lang, naniwala naman siya." Nakahinga kami nang maluwag doon sa sinabi niya, buti nalang akala ko mae' epic ang pag uwi namin.
--
Nagbi'biyahe lang kami, nakaramdam ako ng inip kaya sinuot ko ang earphones ko at nagpasound, min'ax volume ko 'yon para makatulog na rin three hours pa bago kami makapuntang manila.
Habang hindi pa ako inaantok ay nag open muna ako nang facebook. Nag scroll down ako at nakita ko ang post ni coleen, 23 minutes ago.
Kein Coleen Villamar
Hubby.... - Clarence Yvonne Roseller
156 Likes. 26 Comments.
So, siya pala 'yung boyfriend ng pinsan ko. May mga comments kaya naman na'curious ako.
Jiro Santos: Tangunu, hubby pa ang gusto ni pare.
Napatawa naman ako sa comments niya, kaibigan ba siya ni coleen o ng boyfriend niya? Clinick ko ang kanyang pangalan at hindi ko alam bakit ko 'yon ginawa.
Nakita ko ang mga post niya, nag scroll down lang ako at nakita ko ang isang post niya.
Jiro Velasco
I am confidently handsome with an abs and muscles.
Napailing nalang ako sa sinabi niya, hindi kaya 'to kinalibutan? Teka bakit ako nakangiti?
Nakaramdam ako ng antok kaya pinatay ko ang cellphone ko at tinago ko sa bag ko at pumikit muna ako.
--
"Hannah, gising kana dyan. Nandito na tayo." Napamulat ako sa gumising sakin, kita ko ang oras na alas nuwebe na ng gabi.
"Nakapatay ang ilaw?" Tanong ko, kita ko kasi na parang walang tao kasi nakapatay ang ilaw.
"Baka wala siya?" Ani tyler kaya agad kaming pumasok sa bahay nila, may duplicate naman kami ng susi non kaya nabuksan namin.
"Wala nga." Ani hillary at binuksan ang ilaw, hindi naman ito ang first time namin dito. Nakakapanibago lang kasi dati halos nandito lang siya sa bahay.
Nilagay muna namin ang gamit namin sa sala at umupo. Inikot ko ang paningin ko sa buong bahay, maganda pa rin naman.
Biglang may nagbukas nang pinto at nakita namin si coleen at 'yung boyfriend niya magkasama.
Sabay sabay kaming nagsalita ng 'we're back,hello coleen' pagkatapos nun isa isa niya kaming niyakap at pinakilala ang boyfriend niya.
Clarence Yvonne Roseller
'Yun nalang ang napag usapan namin ni coleen dahil inaantok na din ako, medyo masakit pa ang ulo ko dahil siguro sa biyahe.
--
Bumaba ako sa patungong sala kita ko na nandun ang kuya ni coleen, teka? Kagabi wala siya ah? O baka naman nasa kwarto niya na.
"Pinsan.. Goodmorning!" Masayang sabi ko sakanya, nagulat naman yata siya kaya nanlaki mga mata niya.
"Kailan pa kayo bumalik?" Tanong niya, tulog pa si coleen kaya siguro mag isa niya palang dito sa baba.
"Kagabi lang." Sagot ko, umupo ako sa may malapit sakanya at kita ko ang pagtango niya.
May narinig akong footsteps galing sa hagdan at nakita ko ang kapatid ko at 'yung tatlo na pababa, binati na rin nila si kevin kaya umupo na sila.
Kinuha ko ang cellphone ko, at tinignan ulit ang facebook ko.
"Punta tayong beach." Yaya ni hillary, agad akong napaayos ng upo.
"Game ako dyan!" Sang ayon ko, walang nagawa ang boys kaya pumayag na sila.
Kababa ni coleen ay nabanggit na namin sakanya ang about sa beach ang sabi niya sasama niya boyfriend niya at mga kaibigan ng bf at ang bestfriend niya na si Ryla, ofcourse I know her.
Nandito na kami sa sunrise city of garden, nakakamangha naman pala dito. Nag iba na rin ang scog, dati wala man kubo dito ngayon meron na tapos 'yung mga tanawin ang ganda halos lahat sila ay kulay green na nagpapadagdag sa kagandahan ng scog.
Pinamigay na ang bawat susi sa'amin ofcourse katabi ko ang kapatid ko, si coleen kasi 'yung bestfriend niya 'yung kasama niya.
Nagsimula kaming maglakad nauna na kami sakanila bale nasa medyo malayo samin clarence at coleen.
"Ah, hillary. Cr lang ako sunod nako padala nalang 'to." Sabi ko sa kapatid ko at binigay sakanya ang maleta na dala ko pero na sa'akin ang shoulder bag ko.
Pumasok ako sa cr, tumingin ako sa salamin at inayos ang sarili ko. Bakit parang may hinahanap ang mga mata ko? Kanina pa ako hindi makuntento.
Lumabas na ako ng cr after kong mag ayos ng sarili ko, Kalabas ko ay nakita ko din ang lalaki na palabas ng cr halos manlaki ang mata ko na nakita kong siya 'yon.
Napatingin siya sa'akin at hindi siya umiwas nang tingin, hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko pero sobra sa bilis ang heart beat ko.
His eyes, kitang kita ko ang mata niyang mala color brown at ang mga pilik mata niyang mahahaba, nakatulala lang ako sakanya hindi ko alam pero feeling ko nag slow mo ang buong paligid namin.
"Jiroooo! Pare!" Doon lang siya napaiwas ng tingin sa'aķin ng may tumawag sakanya, agad siyang umiwas ng tingin at mabilis na tumakbo palayo sakin.
What's happening on earth? Bakit bigla nalang bumilis ang heartbeat ko at bakit bigla nalang nag slow mo lahat sa paligid namin.
What does it mean? Ano 'yon? Hindi ko maintindihan, kupido paintindi mo naman sa'akin.

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romance#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]