Jiro’s POV
***
Nandito ako ngayon sa music room, naggigitara lang, naglalabas lang ng sakit. Nagstrum na ako at nagsimulang kumanta.
🎶Magaan na ba ang 'yong paghinga
Bumalik ka na sa'kin
Klaro na ba ang isip sinta
Bumalik ka na sa'kin..🎶Bumalik kana sakin baby please.. Nanggigilid na naman mga luha ko. Shit.
🎶Hindi ka na nagparamdam
Buhat ng cool off, ako'y nahibang🎶Hindi ko pa siya nakikita mula ng makipaghiwalay siya sakin. Parang pinapatay ako sa sakit. Gustong gusto ko na siyang bumalik sakin.
🎶Sige na please wag nang mainis
Bumalik ka na sa'kin
Sorry mahal, ika'y nasaktan
Bumalik ka na sa'kin(2x)....🎶
🎶Pababayaan lang kita
Baka tuluyan ka nang mawala
Sana naman pagbigyan mo na
Pangakong 'di na mauulit pa....🎶Hindi ko na uulitin ang nangyari, nadala ako dahil sa nakainom ako, plano lahat ng ‘to. Damn her!
Katapos kong kumanta nilapag ko ulit ang gitara sa may cabinet na puro gitara, maraming instruments dito. Kumpleto lahat.
Nagmartsya ako papalabas pero nakita ko si Hannah na parang papunta dito, napatigil ako sa paglalakad. Nung mapatingin siya sakin mabilis siyang umiwas at tumakbo paalis pero hinabol ko siya. Niyakap ko siya sa likod.“Baby please....” Naiiyak kong sabi, “Bumalik kana sakin... Hindi ko kaya to..” Kinakalas niya ang pagkakayakap ko sakanya pero hinigpitan ko.
“Jiro please lang!” Sigaw niya, “Wag ngayon, wag mo muna akong kausapin...” Aniya kaya nanghina ako at napakalas ang yakap ko sakanya doon siya nakatakbo ng mabilis.
Baby diko kaya ang sinasabi mo, damn! Eto na naman mga luha ko. Ganito pala kapag nasasaktan, palaging umiiyak. Shit.
“Wala na kayo....” Napaharap ako sa nagsalita. “Hindi ka na niya mahal, paano nyan?” Mukhang plano niya talaga ‘to!
“Babalikan ko siya kahit lumuhod pa ako sa harap niya!” Sigaw ko sakanya. Pasalamat lang talaga siya at babae siya kundi kanina pa nakabulagta to sa sahig.
“Hindi na siya babalik sayo...” Lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang braso ko pero mabilis ko tong inalis at tinignan siya ng masama.
“ANO PA BANG KAILANGAN MO?!” Sigaw ko. Kita kong nagulat siya.
“Ang gusto ko lang naman....” Huminto siya at parang naluluha, “Bumalik ka sakin, yung dating masaya, yung dating ako pa ang mahal mo, yung dating—”
“LAHAT YAN AY DATI NA LANG!” Nanginginig na ako sa galit, “Napaghiwalay mo nga kami pero yung puso ko siya pa rin ang laman. Kaya walang kwenta ang pagplano mo...” Tumulo ang mga luha niya. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na.
“Na kahit napaghiwalay mo kami hinding hindi ako babalik sayo..” Tinalikuran ko na siya bago pa ako may magawa sakanya.
Mabilis akong nagtungo sa gym at pumuntang tambayan, nandito na rin yung iba. Wala si Hannah. Siya lang ang wala dito ay pati pala mga pinsan niyang babae.
“Pre, buhay kapa?” Napatingin ako kay carlo na pokerface niya akong tinanong.“Bobo talaga nitong velasco na to, malamang buhay pa siya!” Ani cedrick.

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romance#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]