Chapter 22

36 3 0
                                    

Jiro’s POV

 

***

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, pakiramdam ko nawawalan ako ng malay, para akong nasa isang dagat nakalubog at hindi makahinga. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko, tulala ako.... Hindi ko maisip ang dahilan niya sa paghiwalay sakin..

Hindi niya na ako mahal? Hindi ako naniniwala pero nung tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya kitang kita ko ang sinceridad ang galit at sakit. Hindi ko dapat siya hinayaan umalis pero yun ang gusto niya. Ayoko munang sabayan kung ano man ang dahilan lahat ng to. Ayokong lumala pa.


Kanina pa ako nakaupo dito sa gym nung umalis si hillary at coleen, sumunod si clarence kay coleen, naiwan lang dito sina michael, carlo, cedrick, terrence, ryla, gab, clark at tristan. Yung iba ay wala rito.


“Pre!” Tawag sakin ni michael pero di ko siya pinansin, kung magsasalita ako bubuhos lang ang luha ko.


Hindi pa kayang tanggapin to. Ayoko siyang mawala sakin. Sobra ko siyang mahal. Hindi ko kaya to. Hindi talaga.... gagawa ako ng paraan para mahalin niya ako ulit. Desperado na kung desperado pero mahal na mahal ko siya. Tngna lang!


“Hindi ako naniniwalang hindi kana mahal ni hannah,” Sabi ni cedrick. Alam ko. Naniniwala ako sakanya na nagsisinungaling si Hannah.

 
“Nung tinanong ka niya samin, galit at sakit ang nakita namin sa mga mata niya...” Napatingin ako kay carlo, “Nagulat nga kami, sinigawan niya kami at may kasamang galit ang boses niya.”


“Sigurado ka bang wala kang ginawa?” Alam ko wala akong ginawa pero....


“Nasan si Hannah?” Tanong ko kay precily na nasa harap ko ngayon.

“Pasok muna tayong bar.” Sabi niya. “Don’t worry wala akong gagawin... Pag sinunod moko titigilan ko na kayo.” Dapat lang. Sumunod ako sakanya.

 

Pumunta siya sa may bartender at umupo doon, nag order siya at binigyan ako, “Gawin mo na lang... Sundin moko kahit ngayon lang.... Titigilan ko na kayo...” Aniya at binigyan na naman ako.


Nakailan baso na ako ng hard drink kaya nagblurd na ang paningin ko, pumipikit na ang mga mata ko. Pakiramdam ko si Hannah ang nasa harap ko ngayon.

 

“I love you, babe.. You love me right?” Tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sinagot ko basta alam ko si hannah tong kaharap ko.



“I love you too, Hannah, I love you so much baby... Sobra sobra kitang mahal....” Naramdaman ko ang paghila sakin sa labas hanggang sa may naramdaman akong halik sa labi ko.



 

Tinignan ko ang kahalikan ko at si Hannah ang nakikita ko kaya nagrespond ako, mahal na mahal ko tong babae na to. Siya ang gusto kong makasama habang buhay.





Matapos ang ilan minuto namin halikan ay doon ko naaninag si Precily itong kahalikan ko kaya naman natulak ko siya ng malakas napaupo siya sa damo.





“Fvck!” Mura ko. Tinignan ko siya ng sobrang sama. “Wag na wag mo na akong lalapitan. Putangina mo!” Tumalikod na ako. Kahit babae pa siya papatulan ko siya.





“Tulala ka na naman!” Sigaw ni cedrick sakin. Kaya nataranta ako.




SHIT?! POSIBLE KAYANG NAKITA YUN NI HANNAH?!

  

 

Tumayo ako pero nakita ko si clarence paparating nagulat ako ng bigla niya akong suntukin kaya napaawat sila.





“Problema mo?!” Sigaw ko. Ngumisi siya sakin.





“Tangina mo rin eh.” Nagulat ako, ngayon niya lang ako minura ng ganito at sinuntok. Pati rin ang iba ay gulat na gulat.




 
“Ano bang pinagsasabi mo?!” Sigaw ko. Tumingin siya sa likod niya at niluwa nun si coleen na galit na galit ang itsura.





Lumapit siya sakin at nagulat ako ng sampalin niya ako ng malakas, “Paano mo to nagawa sa pinsan ko jiro?!” Sigaw niya.





“Hindi ko alam sinasabi mo coleen....” Mahinang sabi ko. Nagulat ang mga kaibigan ko sa ginawa ni coleen at hindi sila makagalaw.





Mas lalong nanlilisik ang mga mata niya, “Talaga gusto mong sampalin pa kita ng isang beses sa kabila naman para pantay?! Tangina naman pala eh.. Ang galing mo rin no jiro! Nakakabilib! Paano mo to nagawa kay hannah? Girlfriend mo siya diba? BAKIT MO SIYA NILOKO!” Sigaw niya. Gulat na gulat pa rin ang lahat. Ngayon lang naging ganito si coleen.




 
“Nahuli ka nyang nakikipaghalikan sa ibang babae. Ang galing diba jiro? Dati gustong gusto kita para sa pinsan ko pero ngayon parang nagdadalawang isip na ako....” Umiling iling pa siya. “Pasalamat ka at ako lang ang nandito. Wala ang mga lalaki namin pinsan kundi alam mo na mangyayari sayo... Alam mo, pare’pareho lang kayong mga lalaki... WALA KAYONG ISANG SALITA!” Galit na galit talaga siya. Tinignan niya kaming lahat, nakayuko na ang iba.





Tumulo ang luha niya, “Argh! Shit.” Tumingin siya sakin, “Im really dissapointed..”Aniya at umiling pa.




“I HATE BOYS! TANGINA NYO!” Tumakbo na siya palabas.





Tinignan ko mga kasama ko, “Ow shit. First time. Tagos yon...” Ani carlo. Walang nakakibo samin. Lahat sila ay parang nagulat din sa sinabi ni coleen.





Hindi ko hahayaan ang pagkakataon na to. Bukas na bukas kailangan ko siyang makausap. Mali ang pagkakaintindi niya. Mali ang nakita niya. Damn it! Hindi pwedeng mangyari ‘to fvck!





***



Hannah’s POV






“Tahan na hannah...” Sabi ni ate habang nakasandal ako sa dibdib niya.




“Ang sakit....” Yun lang ang nasabi ko.




“Alam ko masakit ang nangyari sainyo, pero hannah hindi mo ba siya bibigyan ng pagkakataon na kausapin ka? At mag explain siya sayo?” Ani ate. Umiling agad ako.





“Hindi ko pa kaya....” Sabi ko at muling lumandas ang tubig na galing sa mata ko.




“Sana pakinggan mo ang side niya...” Sabi ni ate, “Pag okay ka na pakinggan mo na siya okay? Hindi naman masama yun. Alamin mo lang ang totoong nangayri. ”




“Oo ate, akong bahala pero hindi mo ngayon kasi masyado pang masakit, hindi ko pa siya kayang harapin na may sama ako ng loob sakanya baka may magawa lang ako....” Tumango tango siya.




Tinayo niya ako sa dibdib niya at hiniga sa kama, “I understand.. Pahinga kana may pasok pa bukas.” Tumango nalang ako at hindi na sumagot kaya nagmartsya na siya palabas.





Kasunod nun ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko to pero nagsisisi akong kinuha ko to dahil siya ang tumatawag. Marami na rin pala siyang messages halos nasa twenty plus na. Not now jiro please. Not now.





Pinatay ko ang cellphone ko at muling humiga. Tumingin ako sa kisame, “Mali ba ang naging desisyon ko?” Tanong ko sa sarili.





“Paano pag nalaman kong hindi niya sinasadya yon? Pero paano kung totoo ang halikan na yun?” Marami ang tumatakbo sa isip ko na maski isa ay wala akong masagot kundi ang luha lang na laging lumalandas sa pisngi ko.





Mahal na mahal kita baby, pero hindi pa kita kayang harapin at hindi ko pa kayang marinig ang sasabihin mo dahil ayokong masaktan. Gusto ko yung maging handa na ako. Yung handa akong marinig ang sakit o saya na sasabihin mo. Paghahandaan ko muna to. Im sorry baby.

Love At First Sight(Villamars Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon