Chapter 15

29 3 0
                                    

Jiro’s POV






***

Kanina ko pa hinihintay si hannah dito sa tambayan namin, dumating na si hillary dito na kaklase niya pero hindi sila magkasabay.




“Ano wala pa ba?” Tanong ni hillary sakin. Mabilis akong umiling.




“Ang sabi niya bibili lang siya, bakit di mo kaya hanapin kesa nakatunganga ka diyan?” Diretsong sabi ni hillary sabay irap pa sakin.




Basta villamars talaga walang filter ang bunganga. Sasabihin ang gustong sabihin buti na lang minsan napipigilan ko si hannah, pag gusto kang murahin. Mumurahin ka talaga. Isang salita lang nila tahimik na agad.

 


“O’na... hanapin ko lang!” Sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay at tinalikuran na. Hays.




Nasan kaba kasi baby ko?

 

Habang naglalakad ako ay biglang may humarang sakin, napatingin ako sakanya at halos magdilim ang paningin ko sakanya.




“Let’s talk please...” Mahinahon ang boses niya pero ramdam mo doon ang sari’saring emosyon.




“I don’t talk to strangers, so, get out!” Sigaw ko sakanya. Kita ko ang namuong luha sa mga mata niya.



“You don’t understand me jiro! Hindi kita niloko! Hindi ako gold digger! Hindi---”




“Save your explaination, I’m sorry miss but my wife is waiting... Ayoko pa naman sa lahat ‘yung pinaghihintay siya.” Sabi ko at tumalikod na sakanya.




“Hindi ako titigil jiro! Kilala moko! Hinding hindi ako titigil hangga’t dika bumabalik sakin!” Sigaw niya na kinatigil ko.




“Break a leg! Such a desperate!” Sabi ko at tuluyan ng umalis kung nasan siya.




Kailangan kong makita ang asawa ko! Baby ko? Wer na u? Dito na me. Hays, saan kaba kasi nagpunta?





***

Hannah’s POV






“SOMEBODY HELP ME PLEASE!!” Patuloy lang ako sa pag sigaw kahit alam kong walang makakarinig dahil sa walang masyadong tao rito.




Ang nasa third floor lang ay isang room na kila jiro, library, clinic dito sa taas, laboratory and lockers pero madalang lang may pumunta karamihan kasi ay sa baba. Shit! Paano na ‘to?




YUNG CELLPHONE KO?! Kinalkal ko ‘to sa bag pero halos baliktarin ko na ang bag ko wala akong nakitang phone ko at alam kong iniwan ko ‘to sa locker kanina dahil may ginawa ako. Argh!




Lumapit ulit ako sa may pinto, “HELP ME PLEASE!! KUNG SINO MAN ANG NANDYAN!!” Sigaw ko habang mangiyak ngiyak na.




Wala na talaga akong magagawa, nililinis lang ‘tong storage room once a week. Paano na ba to? Hindi ko na alam gagawin ko! Napaupo ako sa may sulok at dinukdok ko ang ulo ko sa may tuhod at doon na nagsimulang bumuhos mga luha ko.




Bakit ba kasi ako nagtitiwala agad agad!? At bakit naman gagawin sakin ni anj ang ganon bagay? Wala naman akong ginagawa sakanya! Hindi ko alam na tra’traydorin niya ako. Hindi ko alam na may motibo siya sakin. Tama si.... whatever I don’t know her name. Wag ako basta basta nagtitiwala pero nilamon ako ng katangahan. Tanga nga ako. Letse!




Love At First Sight(Villamars Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon