Chapter 2

77 3 0
                                    

LAFS: Love at first sight?


--

Habang nakatingin ako sakanya parang unti unting bumagal ang mga nasa paligid namin, parang siya lang 'yong nakikita ko ngayon.

I've never feel this kind of feelings, pero ngayon nakikita ko ang mga mata niyang kumikislap, mga pisngi niyang namumula at ang kanyang labi na pink. Damn!

Nakatingin lang ako sakanya, diretso sa mga mata niya. Gustong lumapit ng mga paa ko pero hindi ko magawang igalaw ang mga 'to.

"Jirooo! Pare!" Doon nawala ang tingin ko sakanya at nakita ko si carlo na patungo sa direksyon ko, kaya agad nakong tumakbo paalis.

"Kanina ka pa namin hinahanap! Tangina! Wag mong sabihin dito ka na naman gagawa ng milagro!" Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Lumingon ako sa likod ko, pero wala na siya.. sino ba 'yon? Parang pamilyar itsura niya, nakasama na ba namin siya?

"Gago! Wala akong ginagawa!" Sigaw ko sakanya, at bahagyang sinuntok ang kanyang dibdib.

"O, tara na sa kwarto niyo ni michael may sasabihin daw sabi ni clarence." Aniya, at nauna ng naglakad sa'akin.

Tumango nalang ako at sumunod.

Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi alalahanin ang nangyari kanina. She's...perfect! She's damn perfect!

Hindi ako ganito, puro babae ang inaatupag ko. Wala akong pakealam kung masaktan sila, basta masaya ako sa pagiging babaero..

Babae? Minsan nakong nag seryoso pero sinira pa ang tiwala ko, puro pera lang mga babae! Damn! Hindi ba nila naiisip na may mga lalaki din seryoso? Hindi ko maintindihan ang mga babae, kaya pinili ko nalang pag laruan sila..

Pero 'yung kanina.. parang nawala agad galit ko sa mga babae, parang lumambot ang puso ko.. parang may mali e.

Napailing nalang ako sa naiisip ko at agad akong pumasok sa kwarto namin ni michael kita kong nandun na sila pero si clarence ay wala pa.

"O, nandito kana pala pre."

"Ang tagal mo a, saan ka nag punta?" Tanong ni michael. Kanina magkakasama lang kaming naglalakad.

"Nag CR lang ako."

"Nag CR daw pero kaninang lumabas parang basang sisiw! Hahaha--Aray!" Humahalakhak na sambit ni carlo, sinamaan ko siya ng tingin at binato.

"Lutang ka nga pre, parang di kami sanay na tahimik ka?" Takang tanong ni cedrick sa'akin habang kumuha muna siya ng chips at kumain.

Chips monster..

"Wala kayong pakealam!" Sigaw ko, saktong dumating si clarence.

"Ang aga mo tol!" Biro ni michael kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni clarence.

"Inayos ko pa gamit ko." Aniya. Naglakad siya patungo sa malapit sa tabi ko at umupo.

"Bakit mo ba kami pinapunta?" Tanong ni carlo habang umiinom ng bottled water.

"Wala, may sinabi sakin si kevin. Swimming daw in five minutes kaya mag ready na kayo." Sabi niya at tumayo na at naglakad patungong labas.

"Putek, 'yun lang?!" Reklamo ni cedrick habang nilukot na ang chips na kinakain niya kanina, ubos na agad? Tangina.

"Tangina talaga ni clarence." Ani michael at nagkamot ng ulo. Napailing nalang ako lumabas na rin.

Nandito na kami ngayon sa may labas malapit sa dagat sa may silong, kami apat ang nandito wala pa si clarence at mga ibang kasama namin.

Nakita kong padating na sila tristan at clark kasama ang mga kaibigan nila, at si kevin at clarence.

Nakashirt less kami at boxer lang sa pang ibaba, mas komportable kami pag ganon.

Nakita kong may padating at halos malaglag ang panga ko ng makita kong siya 'yon. Hindi niya pa ako nakikita pero pucha... hindi ko maalis tingin ko sakanya.

Nang makalapit na sila ay doon niya ako nakita, kita kong unting umawang ang kanyang bibig pero umiwas agad siya ng tingin.

"Nasan 'yung dalawa?" Tanong ni nung isang babae na kasama ni.. shit! I don't know her name! Maybe later I'll ask her.

"Nasa kwarto pa.. baka nagbibihis." Ani clarence. Tumango naman ang lahat, pero ako? Nakatingin pa rin ako sakanya..

Hindi na hinintay ng iba 'yung dalawa at nag swimming sa may dagat. Naiwan kaming dalawa malapit sa mga kasama namin hindi naman sila malayo.

Napatingin ako sakanya at nakita kong napatingin din siya sa'akin kaya nag iwas agad ako ng tingin sakanya.

Humugot ako ng lakas ng loob at lumapit sakanya, nagulat ko yata siya kasi nakita kong medyo napatalon siya sa kanyang kinauupuan.

"Hi.." Damn, bakit kailangan kong mahiya ng ganito? I've never been like this!

"H..hello?" Aniya, nagulat ako kasi pinansin niya ako pero nagulat ng medyo ngumiti siya sa'akin at nag iwas ng tingin.

"What's your name?" Tanong ko sakanya, pinilit kong wag mautal. Alam kong baka isipin niya na bakla ako.

"Seriously? Im Hannah Jade Villamar." Sabi niya at bahagyang tumawa. Villmar?

"So, you're coleen's cousin?" Bahagya siyang tumango. Siguro dapat ako na ang magpakilala.

Humarap ako sakanya at ngumiti.

"Im.."

"Jiro Santos, I know." Nagulat ako kilala niya ako, parang nag react ang puso ko, parang bumilis ang tibok nito.

"How did you know?" I asked her. Nagkibit balikat lang siya.

Dumating sina ryla at coleen, hindi pa sila nakabihis na pang swimming.

Nagsimula ng maligo 'yong iba sa dagat pero napagdesisyunan ng iba na kumain muna sa resto para hindi gutumin mamayang mag swi'swimming ulit. Siguro mamayang medyo palubog ang araw doon kami mag swi' swimming.

Alas singko na ng hapon at napagdesiyunan ko ng maligo, 'yong iba ay wala dito sa labas ako lang 'yung nandito ngayon.

Umapak na ako sa tubig at nagsimulang lumubog para mag swimming, hindi masyadong malamig ang tubig kaya hindi agad ako humahon.

Hannah, bakit ka ba laging nasa isip ko? Napailing ako sa nasa isip ko, hindi pwede 'to. Hindi ako ganito.

Nagpasya na akong tapusin ang pagliligo ko dito sa dagat, nakakaboring ang mag isa.. puro tunog ng alon lang ang naririnig mo.

Kahahon ko sa tubig ay nakita ko si hannah na papunta sa may tubig, napatingin siya sa'akin, pero umiwas din agad. Nagsimula siyang lumubog sa tubig.

Parang naging magnet ang paa ko sa tubig dahil nilalakad niya pa ako papuntang tubig parang ayoko pang humahon dahil nakita ko siya, parang gusto ko siyang makasama ngayon.

Gabi na nang matapos ako sa pag swi'swimming, bandang alas sais ng hapon, hindi kami nagpansinan ni hannah dahil alam kong naiilang siya sakin nakita ko 'yon sa mga mata niya.

Nagpasya akong magbukas ng facebook, nag scroll down ako pero may pumasok sa isip ko puntahan ang timeline niya.

Agad ko siyang in'add at hindi ko siya in'stalk baka ano ang isipin niya. Pero wala pang ilan minuto biglang tumunog ang cellphone ko.

Hannah Jade Villamar accept your friend request.

Parang nagtumbling ang puso ko nang accept niya ako! Tangina, ano 'tong nararamdaman ko?

Nag scroll down ako hanggat may isang quotes na nabasa at pumakaw ng atensyon ko.

Love at first sight is cured by the second look.

Parang may puzzle na unti unting nabubuo sa isip ko. Binasa ko ulit 'yung quote at nalaglag ang panga ko, dahil ginawa ko 'to kanina.

Love at first sight? Na'love at first sight nga ba ako sakanya?

Love At First Sight(Villamars Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon