Hannah’s POV
***
“Masaya ka yata?” Napatingin ako kay hillary na papalapit sakin, I smiled to her.
“Masama na bang maging masaya kung nalaman mong dika niya niloko?” Nakangiti ko pa rin sabi sakanya.
Umupo rin siya sa tabi ko, “Ansabi mo?” Slow gets ni ate.
“Sabi ko hindi ako niloko ni jiro, ang ex niya na mismo ang nagsabi sakin. Nagsorry na rin siya at aalis na daw siya...”
“Good.” Sinamaan ko agad ng tingin si ate, “Nagmamahal lang siya—”“Nagmamahal? To the point, napaghiwalay niya kayo? Ang tunay na pagmamahal alam ang salitang sacrifice hindi dapat maging makasarili, alam ang salitang acceptance kaya niya dapat tanggapin na wala na talaga silang pag asa... pero ikaw di mo alam ang salitang trust diba nangako ka kay jiro na magtitiwala ka sakanya? Nasan na ngayon yun? Hindi mo rin alam ang salitang listen and think, agad kang gumagawa ng hakbang kaya ayan ang nangyari sainyo. Hays! Kailan pa ako naging love guru?” Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Ngayon lang. Haha,” Biro ko sakanya, “Pero joke lang, alam mo tama ka naman ate eh, naging selfish ako, tanga, di marunong makinig, nauuna ang emosyon di ako nag isip muna bago gumawa ng aksyon hindi ko binigyan ng chance na mag explain si jiro sakin kaya napag hiwalay niya kami pero nagpapasalamat pa rin ako kay precily dahil mas lalong lumalim ang tiwala ko kay jiro, mas minahal ko siya at doon ko nalaman na mahal niya talaga ako, kasi nagdo doubt pa ako nun sa pagmamahal niya—ouch naman ate!” Natigilan ako sa pagsasalita nung pitikin niya noo ko.
“Kahit kailan talaga kung ano kinatalino mo sa pag aaral ang siyang kinabobo mo sa pag ibig.. Hays! Ready ka na bang bigyan ulit siya ng chance?” Aniya. Nag break ba kami? Ako lang ang nakipagbreak pero hindi siya pumayag diba?
“Yeah.” Nakangiti kong sabi. Kahit alam kong kami pa rin! Nag inarte lang siguro ako?
***
Jiro’s POV
“Pre, itutuloy mo pa plano mo?” Tanong ni michael.
“Nagagawa nga naman ng pag ibig kaya ayokong mainlove eh.” Ani cedrick. Talaga lang, huh?
“Talaga? Anong meron sainyo ni Hillary?” Nang aasar na tanong ni Michael kay cedrick biglang namula ang mukha. Ampupu. Abi na nga ba eh.
“We’re just friend...” Aniya, sinong niloloko nito?
“Friend my ass.” Sabi ko at tumingin ako kay carlo. Aba tahimik? Eh kung sila clarence at tristan sasang ayon pa ako eh pero itong isang 'to tahimik? Anong nangyari sa mundo?
“End of the world na ba?” Biglang tanong ni cedrick. Nagkibit balikat ako at tinignan namin si carlo.
“ALAM NA.” Sabi ni michael. Kaya mabilis silang tumayo at tinumba ang upuan niya.
“FVCK!” Tawang tawa yung dalawa sa kagaguhan ginawa nila. Napailing na lang kami nila clarence at tristan.

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romance#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]