JIRO POV.
Kaninang umaga ay nagagalit sakin si Hannah pero kahit ganon masaya ako kasi nagseselos sya at ayaw nya akong mawala sakanya.
'Yung babaeng pinagseselosan nya ay ex ko, 'yung babaeng sineryoso ko, 'yung babaeng pera lang ang habol sakin, sya 'yung dahilan ng pagiging misarable ko noon, siya ang nagwasak sakin, tinuruan nya ako kung paano maging masama, playboy, mahilig makipagflirt at hindi marunong magseryoso.
Dumating si Hannah sa buhay ko, akala ko hanggang doon na lang ang buhay ko, hanggang sa habang buhay na akong magloloko pero hindi ko akalain na sya ang magpapatino sakin, sya ang magmamahal sakin sa kabila ng pagiging ganito ko, nagbago na ako para sakanya, hindi na ako marunong pang tumingin sa iba kasi mahal na mahal ko na sya.
"Baby anong iniisip mo!? Kanina pa kita kinakausap, siguro iniisip mo pagbabalik nun prech prechi pre-- whatever na 'yon no?!" Napatingin ako kay hannah na nakakunot ang noo sakin, gusto kong matuwa sa sinabi nya.
"Dito ka nga baby.." Sabi ko sakanya at tinuturo ang tabi ko, mabilis syang umupo sa tabi ko na nakasimangot, Hindi sya sakin nakatingin.
"Baby hindi sya ang iniisip ko.." Bulong ko sakanya at 'yung ulo ko ngayon ay nasa dibdib na nya.
"Kung hindi sya sino? Ang dami--" Pinutol ko na ang sasabihin nya.
"Ang baby ko ang iniisip ko, sya kasi ang nagpabago sakin, sya ang babaeng tumanggap sakin kung sino at ano ako kaya mahal na mahal ko sya, baka diko makaya pag nawala pa sya sakin...." Umalis ako sa dibdib nya tinignan sya ng diretso kita ko ang pamumula ng mukha nya at pag iwas nya ng tingin.
"Baby, ikaw lagi ang iniisip ko.. Umaga, tanghali hanggang gabi..." Napatingin sya sakin at ngumiti.
"I love you so much, baby... Tanggap ko kung ano at sino ka dati, wala akong pakealam kahit pa nakailan exes ka basta ang alam ko lang mahal kita." Sabi nya, kahit lalaki may karapatan naman kikiligin.
Niyakap ko sya, "I love you sobra sobra, wag mo kong iiwan ah?" Kahit diko nakikita alam kung ngumiti sya sakin.
"Hinding hindi kita iiwan, baby.." Bulong nya sa tainga ko, Humiwalay ako ng yakap at tinignan sya sa mata pababa hanggang labi at diko namamalayan nadikit ko na pala ang labi ko sakanya.
"Ikaw ang magandang regalo sakin..." Sabi ko sa gitna ng halikan namin.
"Mahal na mahal kita... You're my everything..." Humiwalay ako ng halik at kita ko ang pagtingin nya sakin ng diretso at ngumiti pa sya.
"Mahal na mahal din kita baby.." Sabi nya, tumayo ako kaya nagulat sya, nilahad ko ang kamay ko sa harap nya kaya kinuha nya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nya.
"Maglalakad tayo sa tabing dagat.." Sabi ko at ngumiti, tumango naman sya sakin at nagsimula na kaming maglakad.
-
HANNAH POV.
Kanina pa nagpapakilig si Jiro, hindi ko na nga alam saan babaling ulo ko para maiwasan ang pammumula nito, 'yung mga words nya ang sarap sa pakiramdam na may magmamahal pala sakin ng ganito diko alam na aabot kami sa puntong 'mahal na mahal' na namin ang isa't isa kahit ilan araw pa lang kami, paano kung tumagal pa? Edi mas nabaliw na ako sakanya?
"Baby kuha tayo ng shells?" Tanong ko sakanya, tumango lang sya sakin habang nakahawak pa rin ang kamay nya sa kamay ko.
Marami sa paligid na shells kaya di na kami mahihirapan sa pagkuha at paghahanap, habang naglalakad ay kumukuha ako, napahinto ako kaya napahinto rin sya.
Nakita ko ang shells na kakaiba ang ayos, nakita ko na kulay cream ito, tapos parang may laman sa loob kaya kinuha ko 'to, pwede na siguro 'tong fifty shells na nakuha ko baka magalit na ang baby ko eh.
"Baby, pwede na 'to, lagay na natin sa resort?" Tanong ko, ngumiti sya at tumango sakin.
"Tulungan na kita..." Sabi niya, kinuha nya sakin lahat ng shells, sabi nya tulungan lang pero lahat kinuha nya, baby ako ba talagang niloloko mo?
"Tara na." Sabi nya ng makuha nya lahat ng shells sakin, hindi nya ako mayakap, akbay at halik dahil hawak nya sa dalawang kamay nya ang mga shells.
Huminto kami sa loob ng kwarto ko, pumasok sya at buti na lang meron mga bilog na lalagyan dito kaya doon ko pinalagay.
Ilan days rin kami sa scog, nag enjoy ako lalo na si jiro ang kasama ko,hindi nya ako pinabayaan doon, lagi syang nasa tabi ko, hindi nya ako hinahayaan maglakad mag isa sa tabing dagat baka daw may mga lasing at may mangyari pa sakin di nya daw makakaya 'yon.
Habang nasa bahay ay napansin ko na ang palaging pagiyak ni coleen, nasa may sofa sya nakapatong ang baba nya sa tuhod nya at nakatingin sa kawalan habang ang mga luha nya ay malayang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.
"Pinsan..." Pagtawag ko sakanya, hindi sya tumingin sakin, tulala pa rin sya kaya napailing na lang ako.
"Pinsan?" Tawag ko ulit sakanya. Doon sya napatingin sakin, pulang pula ang mga mata nya.
"Anong nangyari?" Tanong ko, nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya.
"S-si clarence..." Hindi nya natuloy sinasabi nya dahil napahagulgol na sya, napailing na lang ako, humanda ka sakin clarence.
"Ang sabi nya break na daw kami... ni hindi ko alam ang rason nya..." Nanginginig ang labi nya ng sinabi nya sakin 'to, niyakap ko ang pinsan ko ng sobrang higpit gusto kong maramdaman nya na meron syang karamay ngayon
Saktong dumating ang tatlo kong pinsan na lalaki, nagulat yata sila dahil nakita nilang ganito si coleen, mabilis na pinunasan ni coleen ang luha nya pero nakita na sya wala na syang magagawa.
"WHAT THE FVCK?" Sigaw ni Xyrile, napailing na lang ako, poor clarence pagpyepyestahan ka ng mga pinsan ko.
"WHY ARE YOU CRYING!?"
"SINONG NANAKIT SAYO!?" Sigaw nilang lahat, humingang malalim si coleen at umiling pero kumunot ang noo ng tatlo lumapit sila samin.
"Sa ilan days naramdaman kong may kakaiba sainyo ni clarence, ngayon sabihin mo siya ba ang dahilan nito?" Serysong tanong ni tyler, hindi nakapagsalita si coleen bagkus tumulo na naman mga luha nya.
"W-wala na kami..." Lahat kami nagulat sa sinabi nya, wala kaming alam sa break up nila, ang alam ko lang ay LQ sila.
"Tangina!?"
"Fvck!"
"Sht!" Reaksyon 'yan ng tatlo.
"Nung minsan lang, nararamdaman ko na rin ang pagiging cold nya hanggang isang araw nagtext sya sakin at sinabing break na kami..." Ito siguro 'yung panahon na tinakbo sya sa hospital.
"FVCK THAT ROSELLER!" Sigaw ni aze, kita ang galit sa mukha nila, masyado silang protective kaya masaktan man isa samin agad silang nagrerebelde.
Natapos ang usapan namin at napansin ko na tumunog ang cellphone ko, napatingin ako sa message at automatic akong napangiti dahil sa nagtext.
Baby:
Let's have a date.

BINABASA MO ANG
Love At First Sight(Villamars Series #2)
Romance#2: Hannah Jade Villamar's story. [Completed]