Chapter 30

41 2 0
                                    

Hannah’s POV


 
***


Ilan araw na rin ang nakakalipas mula nung natapos ang monthsary namin, hindi ko talaga ine'expect yun,sobra akong natouched, sumaya, halos iyak na ako ng iyak sa mga effort nya. Ganun pala ang gusto nyang mangyari. Nahihiya ako kasi frame na sketch lang ang nagawa ko para sakanya. Nakakainis.





Pumunta mu ako kwarto ko at napatingin ako sa may kulungan, nandun si Jaro, Jaro daw dahil sa Jade ko at Jiro nya. Ewan ko ba dun pero ayos lang maganda naman. Baby jaro. Hindi na daw ako ang baby nya. Baliw talaga.





Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko 'tong kinuha at binasa ang nakasulat.





From: Baby
Bukas na yung laban baby ko, gusto ko nandun ka ah? Yung maririnig kita. Pag cheer mo ko. Matulog kana para may lakas ka at yung baby natin ah? I'good night moko sakanya. Good night and I love you so much baby ko.





Napangiti naman ako sa text nya kaya agad ko syang nireplyan.





To: Baby
Opo baby ko, matulog ka na rin po kailangan mo rin yan bukas at oo ikikiss pa kita kay baby jaro. Goodnight baby, I love you too.





Hindi ko na hinintay ang reply nya at nilagay ko na 'to sa may side table. Mabilis kong pinuntahan si Jaro ngayon ay umiinom. Napangiti naman ako, nung natapos sya ay binuhat ko agad sya.





“Baby jaro goodnight from your daddy and mommy.” Kiniss ko sya sa noo nya at binaba na ulit.





Humikab ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.





***


Nagising ako nung naririnig ko ang mga ungol ni baby jaro kaya tumayo ako at nilapitan sya, “Good morning baby! Aalis lang si mommy okay? Chi'cheer ko lang si daddy mo.”





Katapos nun ay mabilis akong nag ayos at nilagay sa bag ko yung banner bahala na kung ano ang istura nun basta may gawa ako.





Kapasok ko pa lang ng gymnasium ng St. Ywerler ay namangha na agad ako sa ganda nito marami na rin ang tao kaya hindi ko na alam kung nasan ang mga pinsan ko pero buti na lang may mga space pa.





“Huy, nandun yung pwesto.” Napatingin ako kay samantha. Wow, nandito pa sya. Mamimiss ko talaga 'to.





“Osige samahan mo na ako dali,” Aya ko sakanya. Mabilis kaming nagtungo sa kinaroroonan ng mga pinsan ko.





Katabi ko si samantha na parang may hinahanap, sino kaya? “May hinahanap ka?” Tanong ko sakanya.





Napahinto naman sya at nagkamot pa ng ulo, “Kasi dito nag aaral yung nakilala ko sa school. Captain daw sya ng team nila.”





Tumango naman ako, “Wow ikaw ah. Ano yan ah? Inlove kana sa captain ni--wait, what did you say? Captain ng st. ywerler? As in Kylil Ivan Jimenez?”





Nanlaki ang mga mata nya, “Kialal mo sya?” Nagtatakang tanong nya.





Paano ko sya hindi makikilala eh nakwento yun samin nila coleen at ryla kung paano paghiwalayin sina ryla at terrence nun. Sasagot pa sana ako pero biglang nagsalita ang community kaya naman napunta doon ang atensyon ko.





Tinawag isa isa ang pangalan ng team, nung lumabas ang baby ko ay nakatingin lang ako, mamaya ako maglalabas ng energy sempre.





Nakatingin lang ako sakanila habang nasa jumpball ang mga captain, may lazer sa mata ni Kylil. Bwisit ano bang balak nya? Katapos nun ay nakuha ng st. gerald ang bola kaya tinakbo nila ang bola, maraming puntos ang nasho'shoot ng st. gerald. Hindi masyadong nakakalapit ang st. ywerler sa st. gerald dahil sa bilis nilang mag cross over at ang pag three points sa pag shoot.





Napatingin ako kay jiro na ngayon ay pinasa ang bola sakanya at mukhang nahihirapan kaya naman sumigaw ako kasabay ng pagbukas ng banner ko, “GO BABY KO! I LOVE YOU SO MUCH! ANG SEXY SEXY MO ANG GWAPO MO PA. WAAAAH!”





Napatingin ako sa paligid yung iba nakatingin na sakin, parang mababaliw na ako sa mga tingin nila kaya binalik ko tingin ko kay jiro na ngayon ay mag flying kiss sakin at mabilis ko naman sinalo yun. Kumindat pa ako sakanya.





Medyo nakahabol ang kabilang team dahil ilan na lang ang lamang ng team namin, may nakikita akong pagsiko pero hindi man lang pinapansin ng referee, bwisit na lalaki na 'to! Bumi'bias yata sila ah? Subukan lang nila na sila ang manalo nito. Naku! Magwawala talaga ako dito.





Naging three points na lang ang lamang ng st. gerald sa st. ywerler. Damn, isa itong pandaraya! Nakakainis lang talaga! May free throw ang st. ywerler kaya naman naka shoot ng isa yung isang member nila pero nung pangalawa na ay hindi na nya na shoot. Damn it. Dalawa na lang paano ba 'to?





“GO BABY! ANG GWAPO MO TALAGA!”





“BABY IPANALO NYO YAN KAYA MO YAN ANG GWAPO MO WAHHH!”





“PAG NANALO KAYO BABY PAKASAL NA TAYO!” Bigla akong natahimik dahil nag break muna pala.





Gusto kong lumubog ngayon dito sa kinatatayuan ko, ano bang sinigaw ko? Nakakahiya sa mga tao. Inangat ko ang tingin ko kay jiro at nakita kong ngising ngisi sya sakin na parang sinasabing 'sabi mo yan ah, walang bawian' waaahhh! Bakit kasi ganun yung sinigaw ko?





Gusto ko naman talaga sya pakasalan kaya lang kasi nakakahiya ang daming tao, sobra na ang pagkahiya ko parang sa isang iglap gusto kong magkaroon ng power yung lulubog ako dito ramdam ko kasi ang mga tingin sakin yung iba ang sama ng tingin sakin yung iba naman nakangiti. Dagdag mo pa itong katabi ko.





“Ikaw ah. Pakasal pa ang gusto mo ah. Masyado pang bata uy.” Namula ako sa pang aasar ni sam.





“Kasi naman sam. Nakakahiya! Tignan mo halos pinagtitinginan na ako kanina. Yung tipong papatayin na ako. Waaah! Sam may instant power ka ba dyan?” Kumunot ang noo nya, “Palubugin mo lang ako dito mga ten seconds lang. Huhu. Kahiya grabe.”





Umiling lang sya, “Wag kang mahiya dapat nga proud kapa kasi boyfriend mo ang isa sa sikat na varsity player ng st. gerald!” Seryoso ba sya? Sabagay.





Meron na lang ilan segundo ang laro at lamang pala ang kalaban, nakakainis halata naman na dinadaya ang laro eh. Nakita kong nagtandem na ang mga st. gerald naging mabilis ang pangyayari at na shoot ni Clarence ang bolas sa loob ng limang segundo sempre sya ang MVP at captain.





Nag simulang mag ingay bawat nasa paligid, nag kagulo ang mga st. gerald dahil sa tuwa. Bumaba na rin ako para i congrats ang baby ko.





Mabilis ko syang niyakap kaya, “Congrats baby, Im so proud of you. I love you.” Niyakap nya ako pabalik.





“Thank you baby, para sayo yung bawat shoot ko. I love you so much.” Kumalas sya ng yakap at hinila ako. Kaya nagtaka naman ako.

 



“Hoy hoy saan kayo pupunta ah?” Nang aasar na tanong nila. Lumingon kaming dalawa ni jiro sakanila.


 



Ngumiti sya ng sobrang lapad yung parang nanalo sa lotto, “MAGPAPAKASAL NA KAMI, ANO PANG GINAGAWA NYO? TARA NA!”

Love At First Sight(Villamars Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon