Chapter 19

23 3 0
                                    

Hannah’s POV





***

“I need to go!” Nagmamadaling sabi ni sam. Natataranta pa siya diko alam.

  

“Sam! Wait pakikilala kita—”

 

“No need hannah. I just need to go. Bye!” Nakaalis na siya sa harapan ko nung dumating si Jiro sa harap ko.


“Kanina pa kita hinahanap... Sino ba yung kausap mo kanina?”


“Ang weird nga eh. Biglang nagmadaling umalis.” Sabi ko at tumingin sakanya.


“Papakilala sana kita. Baka may importante lang na gagawin.” Pagpapaliwanag ko. Mahirap na.


“Ok. Akala ko may nangyari na sayo, Let’s go?” Tumango ako at hinawakan niya ang kamay ko.


“Baby...” Tawag ko sakanya, “Yes baby?”


Matinding pagpapacute ang kailangan ko dito, “Kantahan moko? Pleaseee...” Nagpuppy eyes pa ako sakanya.


Ginulo niya ang buhok ko, “Later baby...” Pumalakpak ang dalawang tenga ko sa narinig ko.


Pagkakanta niya ako!

 
***

Nandito kami sa field, mas maganda daw dito, mas fresh ang hangin—malamig ang simoy ng hangin, nakatingin lang ako sakanya habang may dalang gitara na kinuha namin kanina sa music room, tuwang tuwa ako dahil pagkakanta niya na rin ako sa wakas!

Nagsimula siyang magstrum ng gitara, nakatingin lang ako at tumingin din siya sakin. Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko.


🎶 I had a feeling that you're holding my heart
and i know that it is true
you wouldn't let it be broken apart.....🎶

🎶cause it's much too dear to you
forever we'll be together
no one can break us apart
for our love will truly be
a wonderful smile in your heart....🎶

🎶When the night comes and i'm deep in your arms
how i feel so much more secure
you wouldn't let me close my eyes...
so i can see you through and through....🎶

🎶You're a sweet tender lover
we are so much in love
I'm not afraid when you're far away
just give me a smile in your heart...🎶

🎶You brighten my day
you're showing me my direction
you're coming to me
and giving me inspiration
how could i ask for more
from you my dear
maybe just a smile in your heart...🎶

 
Nung natapos siyang kumanta ay napapaluha ako, hindi ko alam na ganito pala ang feeling na kinakantahan ka ng taong mahal mo, I love him very much. I love him. Period. Hindi ko na yata kaya ang mawala siya sakin.


Kalapag niya ng gitara sa sahig ay hinawakan niya ang mga kamay ko ng mahigpit, “Are you happy baby?”


Mabilis akong tumango bilang sagot, “Very happy... I love you...” Sabi ko at niyakap ko siya agad ramdam ko din ang pagyakap niya sakin ng mahigpit.


Hindi na dapat ako nagdo’doubt sa pagmamahal niya sakin. Mahal niya ako. Ramdam ko yun. Hindi na dapat ako nagpapaapekto sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid. Hindi dapat kami nagpapasira.


“I love you so much.. I love the way you smiled because of me..” Humigpit ang yakap niya sakin.

“Forever we’ll be together..” Aniya. Wala na tumulo na ang luha ko. Ang swe’sweet niya kasi eh.


“We’ll be together...” Pag uulit ko. Kumalas siya ng yakap at doon ulit naglapat ang labi namin.



***

“Nakapag isip ka na ng dress?” Ani Ate Hillary habang nasa isang mahabang mesa kami sa bahay.


“Medyo..” Tamad kong sabi. Sa totoo lang nyan nawala sa isip ko ang ie’sketch ko dahil sa kilig kanina.


Nagkamot ng ulo si Ate, “Ang hirap naman kasi nito.. Bakit kasi gown pa?”


Nagkibit balikat lang ako at nagsimulang mag sketch, “May napapansin ako sayo ate.” Sabi ko habang nag e’sketch.


Ramdam kong napatigil siya sa pag iisip kasi bumaling siya ng tingin sakin, “Huh? Ano yun?”


“Masyado na kayong close ni cedrick, anong namamagitan sainyo? Hindi pwedeng friends lang yan... Walang friends na ganon ka’sweet. Sobra kaya..” Napatigil din ako sa pag e’sketch.


“You mean—”


“Yeah. Nahuli namin kayo sa timezone, hinayaan lang kita kasi sabi ni Jiro. Ngayon ate? Sagutin mo tanong ko...” Tumingin ako sakanya katapos kong ibaba ang lapis.


Kinagat ni ate ang ibabang labi niya parang nangangapa pa ng isasagot sakin, “I love him.” Sagot niya. I knew it.


“The feeling is mutual?” Tanong ko. Nakita ko ang pag iling niya.


“He’s casanova, player, womanizer....but I still love him..” Namula agad ang ilong at mata ni ate.


“Nothing is impossible...” Tugon ko, “Maski si Jiro, player siya non, puro babae ang nasa isip mula nung iwan siya ng first love niya pero nabago ko siya...” Sabi ko.


Umiling siya, “Iba naman kasi yun sis...” Aniya. Tinawag niya akong sis?


“Bakit di mo subukan magtapat sakanya ng feelings mo?” Tanong ko. Bumuntong hininga siya.


“Di ganon—”


“Kadali? Natatakot kaba ate? Are you afraid to lose him or reject?”


“Both...Kaibigan lang ang tingin niya sakin....” Friendzoned s*cks.


“Okay. Think before you act..” Sabi ko lang at nag sketch na ulit dahil hindi na siya sumagot.



***

Precily’s POV




“Hindi ko na kayang maghintay!” Sigaw ko kay anj.


“Heto na ang pinakahihintay mo, gawin mo na ang gusto mo sa bitch na yon!” Sabi sakin ni Anj.

“Change your name on facebook, pangalan mo ayaw mo. Tch.” Sambit ko at nilagok ang alak na nasa baso.


Kanina nakamasid ako kina Jiro at Hannah habang kinakantahan siya ni Jiro na kahit minsan HINDI niya ginawa sakin. He said pangit ang boses niya. Wala siya sa tono. Hindi niya alam ang lyrics. Marami siyang alibi para hindi niya magawa pero ang girlfriend niya na nagpuppy eyes sakanya ginawa niya agad agad?!




OH DAMN IT!!




Hindi ko na kaya ang nakikita ko, masaya kana ngayon hannah! Tignan natin kung sasaya kapa pag nakita mo ang isang pasabog. Ang pasabog na makakapaghiwalay sainyo! Sa tingin mo papayag akong magpakasaya kayo habang ako nangungulila dito!? Darn. No way!




“Your plan? Yung totoong plano na. Yung pinaka last na talaga ang gagawin mo?” Nag aalangan tanong sakin ni Anj. Parang nanginginig pa.




Tumaas ang kilay ko, “Yes,yung pinakaplano na talaga!” Uminom ulit ako ng beer.




“Alam mo na gagawin mo, Anj..” Ngumisi siya sakin at umalis na.




Heto na ang pinakahihintay nyong lahat, ang maghiwalay sila at sakin ang bagsak niya. I love him so much at hindi ko siya ipamimigay basta basta lang. Sigurado akong uuwi kang luhaan Hannah. Matatapos na rin ang kasiyahan mo... Mawawala na sayo ang pinakamamahal mo at mas masakit pa don. Akin ang bagsak niya. Huhu. SO.........





.....LET’S THE SHOW BEGIN!

Love At First Sight(Villamars Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon